1st Stanza
Kay ganda ng umaga
Kay saya ng buhay ko at kay sigla
At ako’y maghahanda na
At aawit ng papuri sa kanya
Sapagkat ito ang araw na
gawa ng Panginoon
Kay ganda ng umaga
Kung si Kristo ang iyong kasama2nd Stanza
Tulad din ng isang umaga
May liwanag na ang buhay ko ngayon
Nanggaling din sa kadiliman
Punong-puno ng hirap at pagdurusa
Sapagkat sa Kanya lamang
Nadama ang pagmamahal
O kay ganda ng umaga kung
Si Kristo ang iyong kasamaKORO
Siya ang tanging daan
At ang katotohanan
Sa piling Niya’y may walang
hanggang buhay
Ang mundo ko’y punong-puno
ng kulay
Ulap man ay magdilim
At gabi’y dumating
May umaga pa ring darating
Nang dahil si Kristo ay kapiling