1st Stanza
Napakabuti mo sa akin
Hindi ko maunawaan
Ang lawak ng pag-ibig Mo
Dakilang pasasalamat
Ang ihahandog ko sa’yoMinsan ako’y nalulungkot
Nadarapa, natatakot
Sa aking paglalakbay
Ngunit ang pag-ibig Mo
Kailan may laging tapat*KORO*
Dakilang pasasalamat ang ihahandog
Karapat-dapat kang purihin
(Purihin ka O Diyos)
Walang kasing dakila
Ang pag-ibig mo oh Diyos
Para sa Iyo ang aking awitin2nd Stanza
Buhay ko’y
dati-rati puno ng gulo
Hindi alam ang pinagmulan
At lalo’t higit
ang patutunguhan
Subalit nakilala kita daan,
katotohanan at buhayAno pa ang aking hahanapin
Lahat ay Iyong ibinigay
Dulot mo’y masaganang buhay
Dakilang pasasalamat
Ang ihahandog kong tunay3rd Stanza
Di ko man maunawaan
Ang iyong kabutihan
Ang puso ko’y nagagalak
At di ko ito maihayag
O Hesus ikaw lamang
Ang tanging kagalakanAt ngayon
ako’y natutong umawit
Umawit ng pasasalamat
Sa aking Diyos
na tagapagligtas
Hesus ikaw lamang
ang iibigin at
paglilingkurang tapat