Jam's PovPalakad na ako palabas sa gate ng school nang may kumalabit sa'kin. "Hey Jam! San ka ngayong dismissal?" Paglingon ko sa tabi ko si Julie lang pala, close-friend ko. "Sa SM lang ako girl, mamimili ng shoes, ikaw san ka?" tanong ko pabalik sa kanya.
Nag-act naman sya na parang nag-iisip, may pa hawak hawak pa ito ng baba. "Sama nalang ako sa'yo girl, mamimili rin kasi ako ng bag eh. Sira na oh." turo nya sa sling ng bag nyang halos mapuputol na. "Sge tara na, maggagabi na eh." aya ko sa kanya. Ikinawit naman nya ang braso nya sa'kin.
*Beep*
Kinuha ko ang phone ko sa bulsa at tinignan ito. Notification lang naman pala 'to sa facebook.
Karl Trevor Vio added you as a friend. [Accept | Ignore]
I clicked the accept button at viniew ang profile nung nag add saken. 'Hmmm, di naman gwapo.' Ibabalik ko na sana ang phone ko sa bulsa ko nang bigla na naman itong nag beep.
(Fb Messenger)
Carry Tan: Bff! Inaccept mo na ba ang kaibigan ni Anthony?
Si Carry nga pala ay bestfriend ko since highschool, boyfriend nya yong Anthony. Magtatype na sana ako ng reply ngunit hinatak na ako ni Julie pasakay ng Jeep, kanina pa pala naghihintay 'yon.
"Jam, wag ka ngang gamit ng gamit sa phone mo! Mananakaw 'yan sge ka." Napagalitan pa tuloy ako haha. "Sorry na, itatago ko na PO." pabiro kong sabi sa kanya.
Ilang minuto ang nakalipas ay nakarating na nga kami sa SM. Bumaba na kami at naglakad na papasok ng gate. "Gusto mo kumain muna girl? Baka gutumin tayo mamaya eh." nagpakaladkad na lang ako sa kanya papuntang McDo (Trivia: Ito ay paboritong kainan ng mga college student hahahah -,-)
"Anong gusto mong kainin girl?" tanong ni Julie sa'kin. Kumuha na ako ng pwesto at sinenyasan sya na burger yong akin, nag thumbs up lang sya at pumila na. Habang hinihintay ko sya ay
inilabas ko na naman ang phone ko at nagcheck ng messenger.Carry Tan: Hoy bestfie, inaccept mo na ba? Karl Trevor name nya ha? ^_^
Jamella Poppy: Oo, inaccept ko na!
Carry Typing...
Carry Tan: Best, single 'yan sabi ni Anthony naghahanap ng GF! Pag nagchat sayo replayan mo ha?
Jamella Poppy: Hay naku, ewan ko sa'yo. Oo na, sige na rereplayan ko. CYL best kakain pa kami.
Tinignan ko ang direksyon kung san nakapila si Julie at saktong sakto tapos na syang mag-order. Nilatag nya sa table ang pagkain kaya tinago ko na ulit 'yong phone ko.
"Girl, may sale daw ngayon sa 'Ppl are Ppl' punta tayo." nakangisi nyang aya sa'kin. Tumango lang ako at nagsimula na kaming kumain.
Nilalaro ni Julie ang french fries at McFloat na inorder nya, sinsawsaw nya ito sa ketchup pagkatapos nilalagay na naman ulit sa float. Weird talaga 'tong babaeng 'to, kaya nga close kami neto eh.
Tianpos ko na nag burger ko, si Julie naman ay halos ubos na rin ang fries. Pagkatapos nyang isawsaw ang kahulihulihang fries ay tumayo na kami at naglakad papuntang 'Ppl are Ppl'.
Pagpasok namin 'don ay nagtingin-tingin kaagad si Julie ng mga damit, habang ako ay sa mga sapatos nagtungo.
*Beep*
'Sino na naman kaya 'to?' I got my phone out of my pocket and checked it.
(FB Messenger)
BINABASA MO ANG
Strike a Poser
RandomWhat will you do if you found out that the guy you've learned to love, the one who sends you pictures almost daily, the one whom you talk to almost everyday, he who listens to your rants and frustrations is a fake account? Will you give up on him? ...