Selfies Gone Wrong

83 0 0
                                    


Jam's Pov

Kinuha ni James ang kamay ko at hinalikan ito. Napakaliwanag at napakagwapo ng kanyang mukha, nagmistula syang anghel sa aking paningin. Pumwesto sya sa likuran ko at niyakap nya ako mula sa likod, nakapatong ang baba nya sa aking balikat.

Wala na akong maiihiling pa, ang makasama si James Reid dito sa paraisong aming kinatatayuan ay isang napakasayang pagkakataon para sakin.

Iniharap nya ako sa kanya, tinignan nya ako sa mga mata na para bang sinasabi no'n kung gaano nya ako kamahal. Inilapit nya ang kanyang mukha na labis kong ikinagulat.

Pero hindi ako gumalaw hinintay ko syang lumapit, sabay kaming pumikit at inaasahan ko nang ilang sandali nalang ay maglalapat na ang aming mga labi. Pero biglang...

**Boink Boing Boink Boing Boinkkk! Kwekk kwekk kwekk kringggg**

Napamulat ako dahil sa kabiglaan, pagtingin ko sa harap ko wala ni si James (T^T) ang nakikita ko na lang ay ang cream colored naming kisame.

Hayyy, panaginip lang pala! Sayang chance ko na 'yon eh (T3T) Pinagpatuloy ko nalang ang pagtitig sa kisame. 'Argh! di man lang kami pinag kiss! >__<'

Pagkaraan ng ilang minuto ay napagdesisyunan ko nang bumangon at maligo. Alas siyete ang klase ko ngayon kaya kailangan kong magmadali.

Ginising ko ang kadorm kong si Risse, gumalaw lang sya sandali pero natulog na naman ulit. Pinabayaan ko na nga lang sya, malelate na rin kasi ako pag hinintay ko pa sya eh.

Naligo ako at kumain. Kung pa'no ka nagreready sa school gano'n rin ako mag ready kaya di ko na idedetalye pa ang ginawa ko, tamad mag type ang awtor >3<

Nag leave ako ng note kay Risse na nagsasabing uuna na ako. 'Di na ako kumain, wala ng oras eh. Isinukbit ko na ang bag ko't nagtungo na sa school. Actually, ang school namin mga 5 mins. walk lang mula rito kaya makakaabot pa ako neto.

Pagkarating ko sa room namin ay kaagad kong inilabas ang mga lab apparatus ko. Mag eexperiment na naman kami, kanya-kanyang paghahanda ang ginagawa ng mga kaklase ko. Nung magsisimula na ay nag *Beep* ang phone ko, at dahil hindi pa naman nagsisimula ang guro ay chineck ko muna kung sino ito.

(FB Messenger)

Karl Trevor: Hi. Good morning :) h'wag kalimutan mag breakfast ha?

"Class, get your test tubes in the stock room and after doing that, open your lab manuals to pp. 8 and 10 for experiment 5." biglang sigaw ng teacher namin. Muntik ko ng mabitawan ang phone ko sa gulat, buti nalang nahawakan ko ng maayos.

Dali-dali kong itinago ang phone ko sa bag at ginawa ang iniuutos ni Sir. Naghati kami ng mga kagrupo ko sa gawain, busy na busy na kami nang bigla kong maramdamang may nakatingin sa akin. Lumingon-lingon ako hanggang sa mapunta ang mata ko sa bintana, si Josh pala tumitingin.

Kinawayan ko sya at tanging ngiti lamang ang itinugon nya sa akin. Nag thumbs up sya sa'kin at umalis na, naiwan ako doon na medyo tuliro pa. Minsan lang kase ako ngitian ng mokong na 'yon eh.

Kung nagtataka ka kung sino si Josh, ipapaliwanag ko sa'yo. Si Josh ay isa sa manliligaw ko, hindi siya yong tipong showy o nagyayabang sa panliligaw nya. Magkatext lang kami sa phone, nagcha-chat rin kami minsan.

Nang mawala na si Josh sa paningin ko ay itinuon ko ang aking pansin sa table namin. Nginitian ko ang kagrupo kong si Nilo pero tingin lang ang tinugon nya sa akin. "Jam, pakikuha ng mga chemicals please." mahina n'yang pakiusap sa'kin.

Tumango lang ako at nagtungo na sa stock room para kumuha ng mga chemicals. Pagbalik ko ay ginawa na namin kaagad ang nasa manual at ilang oras ang nakalipas ay natapos na rin kami. Dinismiss na kami ng guro namin, saktong-sakto gutom na gutom na ako.

Strike a PoserTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon