Chapter 34
Hope
I think it is possible for me to have a dream kahit nasa katawan pa rin ako ni Narizz. After all, I am her soul, mind and brain kaya siguro kahit panaginip, 'yung sa akin na mismo ang napapanaginipan ko.
Ngayon ko na nga lang ulit mararamdaman ang managinip, sinaktan pa ako.
"Narizz, gising na. Lalamig ang pagkain." Muling narinig kong sinabi ng Papa ni Narizz.
"Okay, Pa..." inaantok pa rin ang boses ko pero dahan dahan na akong nagmulat ng mata at kinukusot pa ito habang tumatayo papunta sa banyo ng kuwarto ni Narizz. Naghilamos at nagmumog lang ako bago lumabas.
Nakita kong tulala ang papa ni Narizz na nakatayo sa isang sulok ng kuwarto niya at tinignan ako na parang hindi siya makapaniwala.
Ano ba ang huling line ko kanina? 'Okay, Pa...'
Ang itsura niya kasi ngayon parang ilang taon niyang hindi narinig iyon sa anak.
And yes, ilang taon ngang hindi siya tinawag ng gano'n ni Narizz. To make the story more dramatic.
But my own story is more dramatic than I expected. It is well written, huh? Perfect for a tragic ending. Amazing!
Natawa ako sa sarili ko, I have never used sarcasm before so this is how it feels like. I am really adopting Narizz personality, nahahawa na ako sa kanya. It is really effective though, but I can't feel happy about it.
"Where's kuya?" Simpleng tanong ko sa papa ni Narizz nang balingan ko siya. Palabas na ako sa room ni Narizz.
Napakurap muna siya bago sumagot. "Kanina pa umalis para sa trabaho," sagot niya naman at mabilis na akong sinundan palabas.
Inunahan niya akong pumasok sa kusina at mabilis na inihain ang mga pagkain sa hapag. Sinubukan kong tumulong sa pagsandok ng mga pagkain pero pinaupo niya na ako sa isang dining chair doon, kaya pinagmasdan ko nalang ang Papa ni Narizz na maghain.
"I cooked your favorite menudo. Kumusta ang pakiramdam mo?" Masiglang tanong niya habang nilalagyan ako ng ulam sa plato.
Tumango ako, "Thank you, Pa. I am feeling great." Tipid akong ngumiti dahilan para makitaan ko na naman ng gulat ang mukha niya. Hindi ko naman na ito pinansin at binalingan nalang ang pagkain.
Matagal siyang tumitig sa akin bago ako sinabayang kumain. At nasa kalagitnaan kami ng pagkain nang magsalita muli siya.
"Ngayon ka ba pupunta sa police station, anak? Gusto mo samahan na kita?" Medyo nag-aalinlangan pa niyang sinabi.
Huminto naman ako sa pagkain at tinignan siya.
"Yes, and no need Pa. It's okay, sasamahan na ako ni Vann," tipid kong paliwanag. Tumango naman siya at hindi na namilit.
Nagpatuloy ako sa pagkain pero nakakatatlong subo pa lang ako nang tumigil muli ako. This time, I give my full attention to him.
"By the way Pa... may nabanggit si Vann sa akin kagabi bago siya umuwi," panimula ko na ikinatigil niya sa pagkain.
He nodded. "Ano iyon anak?"
"He said you took the blame of someone's sin? That you are really innocent? May kinalaman ba ito sa nangyari two years ago? Can you explain it to me, Pa?" Sunod sunod kong tanong. Nakitaan ko ng pagkagulat ang mukha ng Papa ni Narizz. Naibagsak niya pa ang hawak niyang kutsara sa plato kaya gumawa iyon ng ingay.
"Anak... ayoko ng dumagdag pa sa problema mo. Kalalabas mo palang ng hospital, I will tell it to you after your case. Ikaw muna anak..."
"But it will worry me to death, Pa. Kapag hindi mo sinabi ito sa akin ngayon mas ma-stress ako sa kakaisip. Alam na ba ito ni kuya?"
BINABASA MO ANG
Journey Inside (Stand Alone)
FantasyNarizz Sy is a typical highschool girl, but not a good student. She always do cutting classes, her grades are not higher than what you think and she's also not have a good bond with her family. One day, she started to feel that she was not in her re...