|50|

77 4 0
                                    

"Bakit daw hindi siya uuwi dito? Saan  ba kayo nanggaling?" tanong ni Zian kay Mang Eddie.

"Ay nagpasama sa eskwela kanina kakausapin daw niya ang dean. Nakita pa nga namin ang kotse mo kanina..."

"Damn." Zian slammed his fist on the table.

"What happened?"

"Ay ang bilis nga lang pakiwari ko'y hindi nakausap yung dean. Nagmamadali at nagpahatid na nga kay Senator."

"Walang sinabi?"

"Eh Zian anak, kung ano man ang di niyo pinagkakasunduan dapat pag-usapan ninyo. Ako naman ay parang magulang mo na din. Pakiramdam kasi ni Micaela ay marami kang itinatago sa kanya."

"I just want everything in order Mang Eddie. I want to protect her."

"Pero iba si Micaela. Hindi siya katulad ng ibang naging babae mo. Hindi mo siya pwedeng hawakan sa leeg at pagtaguan ng sikreto...yan ay kung talagang mahalaga siya sa iyo." sabi ni Mang Eddie.

"Bigyan mo muna nang panahon. Lilipas din ang sama ng loob noon at magpapasundo."

"Salamat Mang Eddie."

"Tay, bakit ganon kayong mga lalaki? Maraming tinatago. Nakakagulat. Iyong akala naming mga babae alam na naming lahat ng tungkol sa inyo tapos marami pa palang nakatagong sikreto..."

"Micaela, hija... likas sa mga lalaki ang masikreto. Kapag nagloloko, kapag may gustong patunayan, kapag may gustong protektahan. Selfish ang pagmamahal minsan to the point na gusto mo nang hawakan sa leeg ang iyong minamahal. Gusto mo ikaw lang. Gusto mo sa'yo lang.

"Ikaw tatay bakit ganon ang nangyari sa inyo ng nanay?"

"Ako ang may kasalanan Micaela. Hindi ko alam kung paano nangyari pero isang araw nagising na lang ako na mahal ko na ang nanay mo.

"Kayo na ng tita Bella noon?"

"Oo. Best friends sila kaya nung nawalan siya ng trabaho at nasabi ni Bella sa akin. Kinuha ko siya to work for me. kahit hindi ko kailangan ng assistant."

"Paano naging kayo?"

I pursued her. Madalas sinasama ko ang nanay mo sa mga out of town meetings ko. Nadevelop kami. Your tita Bella is busy with her modelling career and sa business ng pamilya hindi siya nagduda kasi magkaibigan nga sila.

"Paano nalaman ng tita Bella?"

"It did not last long. One morning nahuli niya ang nanay mo na nagduduwal eh wala naman siyang boyfriend noon. I was cornered but I did not want to lose any of them. I did everything to protect both your mother and Bella." kuwento ni Senator Alano.

"Ganyan din si Zian. Gusto niyang protektahan ka kaya siguro may mga bagay na itinatago sa iyo. Mahal ka niya kaya hangga't maari ayaw niyang mawala ka sa kaniya."

"Ayoko pang umuwi sa penthouse tatay..."

"Bahay mo ito Micaela. Kung ako ang masusunod mas gusto kong dito ka lang.

Lumabas si Mrs. Alano at hinawakan sa balikat si Bella.

"O tapos na ba kayong mag-ama? Bawal mapuyat itong si Micaela."




Don't Fall In Love with the DreamerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon