Athena's PoV
Saturday. Kinakabahan ako, pero sino ba ko para hindi pakinggan ang side niya. I'm his girlfriend and I also want to know what really happened.
Habang papunta akong park parang ang bigat bigat ng pakiramdam ko. Ilang araw ko iniwas iwasan si Ares pagkatapos nung mga kumalat na photos. Ayoko siyang harapin nang maraming tumatakbo sa utak ko. As much as possible, gusto ko maging kalmado.
When I reached the park, nagulat ako that he's already there.
Nang mapansin niyang dumating na ako taranta siyang tumayo, ni hindi niya alam anong gagawin
"A-athena... ano upo ka muna. Kumain ka na ba? I.. I have some foods here with me"
"Ares... let's get straight to the point?" Sabi ko at umupo medyo malayo sa kanya
"Athena..."
"What happened? Pinagkatiwalaan kita di ba? Kayo ni Hades lang ang magkasama. Yun ang sabi mo"
Napayuko siya and all he was able to do was sigh
Ares' PoV
"Sa totoo lang... hindi ko alam ang ieexplain ko sayo. Hiyang hiya ako sa lahat ng nangyayari. Pero kung ano yung sinabi ko sayo non Athena, I swear, that's what I also knew. Hindi ko alam na may ibang tao. Hindi ko alam anong nangyayare sa photos. If we really k-kissed, I don't know."
"Bakit hindi mo alam?"
"Wala na kong naaalala Athena..."
"Naglasing ka?"
"No! Alam na alam mong hindi ako umiinom Athena. I never hide drinking. I never liked alcohol."
"Ehh bakit hindi mo alam yun? Tulog ka?? Sa softdrinks?"
Fck hindi ko na alam ano pa dapat kong sabihin
Rinig ko sa boses ni Athena that she's doubting me. Sino ba namang hindi? Tangina softdrinks, tapos nawalan ako ng malay? Kagaguhan Ares. Napasabunot na lang ako sa sarili ko. i feel so frustrated right now and all I want to do was kill myself dahil alam kong nasasaktan ko si Athena...
Wala nang mga salitang lumalabas sa bibig ko. Ang tanging nagawa ko na lang ehh lumuhod sa harapan niya at yumuko.
"I'm sorry... I'm sorry Athena... I really am. Wala akong tamang paliwanag. Wala akong konkretong masabi... I'm sorry... I'm sorry..." habang binibigkas ko bawat salita, sinigurado ko sa sarili ko na taos puso yung paghingi ko ng tawad. Hindi ko na namalayan may pumapatak nang luha sa mata ko.
BINABASA MO ANG
The Story of Us
FanfictionWhat if one day, you found out that everything that happened are just made of false assumptions and accusations? Are you willing to forgive and forget? Are you willing to restore what has been broken?