Chapter I

11 0 0
                                    

Alexa............ Sigaw ni mommy mula sa labas ng kwarto. Gosh! talo pa ang alarm sa lakas ng boses. Tsk! parang mababasag eardrum ko!

Gising na po!

Ah okay. Bilisan mo na anong oras na! baka malate ka, 1st day pamandin! Kahit inaantok pa. Bumangon na ako para gawin ang ritwal tuwing umaga.

Pagdating ko sa banyo. Humarap agad ako sa salamin. Kita parin ang pamamaga ng mata ko dahil sa puyat at ilang gabi ko na namang pag iyak.

Mag iisang taon na buhat ng pumanaw si Kiepper, ang aking pumanaw na nobyo. Ngunit sariwa parin sa akin, ang mga masasayang araw naming dalawa.

Pagkatapos ng aking ritwal ay pinilit kong itago ang lahat. Nang maayos na ay bumaba na ako para kumain kagabi pa kasi ako walang kain panigurado gutom na ang mga inaalagaan kong ahas sa tyan.

Good morning mommy, morning sis. Sabay halik sa mga pisngi nila. Then naki upo narin. Pagdating ko kasi kumakain na sila. Ang daya di nang intay! Kaya nakisabay na lang ako.

alexa, okay kana naman diba? saad ni moomy. Kita ko sa mga mata niya ang pag aalala.

Okay lang ako my, ano ka ba! Then nginitian ko siya. Para kahit papano maalis ko ang pag aalala sa kanya.

Ayos lang yan si ate! ang lakas lakas kaya nyan! diba sis? saad ni Yanna. Sabay subo ng pagkain.

Alam ko na nag aalala rin yang bruhang yan. Pero pasalamat ako kasi may kapatid akong pinapalakas ang loob ko. kahit buang pag minsan. Ang kulit-kulit kasi mashado. hehe sorry sis.

Oo naman, ako kaya si wonder women! Then itinaas ko yung kamay ko parehas. Then nag kunwaring lumilipad. Tapos sumunod din yung magaling ko kapatid. Siya naman daw kasi si darna.

Na ikinatawa naming tatlo sa harapan ng lamesa. Ikaw ba naman ang mag live show sa harap nila habang kumakain.

Hi naku talaga kayong dalawa! ang lakas talaga ng sapak ninyo pag magkasama! kung nandito daddy nyo isa rin yung makikiaali sa kakulitan ninyo! Saad ni mommy habang tumatawa parin.

Speaking of your dad he's calling! excuse me girls I will answer this call. Pag papalam ni mommy. Then pumunta na sa dirty kitchen para sagutin si daddy.

Galing natin mag live show no! pagyayabang ng bruha kong kapatid. Wala naman siyang ginawa. Tumakbo lang naman at humabol sakin. E ako nag para tumbling pa at lumukso lukso pa! o diba ang effort ko. haha!

Hmm! Wala ka naman ginawa eh! pang aasar ko sa kanya.

Hoy! humabol kaya ako sayo! Saad niya na ma ngiyak-ngiyak na habang sinasabi ang mga salitang yan. Haha! sarap talaga niyang asarin. Hehe!

Hmm, yun lang naman ginawa mo walang ka effort-effort! saad ko. Then sumobo na ng pagkain. Gutom na talaga ako. Kapagod kaya mag live show.

Ate ang bad mo talaga! Saad niya. Habang nalasik yung bacon na kinakain niya. Ay! kadalagang tao salaula.

Hindi kaya. painosente kong saad. Tas subo ng hotdog. Huhulaan ko yung sunod niyang gagawin. Mag susumbong na naman yan kay mommy. Huhu! Takot na ko. Haha! ang bad ko bang kapatid?

MOOOOMMMMMYYYY! Si ate inaway na naman ako. Sigaw niya habang tuamatakbo papunta sa kinaroroonan ni mommy.

ALEEXXXAAAA! sigaw ni mommy.

Diba! sabi na eh! tsk! ganyan talaga yang kapatid kong bruha na yan. Sumbongera. Haha!

So, yun after ng kadramahan, aktingan, kulitan, at sumbungan sa bahay. Nandito na ako sa school. Syempre para pumasok. 1st day of school eh!

Mysterɪᴏᴜs TwinSWhere stories live. Discover now