Prologue

1.2K 22 11
                                    

Facebook Strangers. Mga tao na di natin kilala sa personal, pero sa social media kilala natin sila. PERO, di ang buong pagkatao. Naghahanap tayo ng makikilala natin sa social media. Dito nabubuo ang pagkakaibigan at di natin maiiwasan ang PAG-IIBIGAN. Isang tao na di mo kilala sa personal pero importante siya sa'yo.

Carlos Daniel Sanchez. Siya ang boyfriend ko. Mabait, sweet, makulit, pogi, loyal at byuntae siya. Kaya kahit may pagkabyun siya, mahal ko siya. Mahal na mahal niya rin ako. Pinaglalaban niya ang pagmamahalan namin' dalawa. Nagkakilala nga pala kami sa isang group named Wanted RS... Wanted Bestfriend .. Wanted kahit ano .. Crush ko siya dati, tuwang-tuwa ako na naging crush niya rin ako. Lalo na naging kami. April 8, 2014 naging kami. Tawagan namin ay Jagiya. [Jagiya = Sweetheart/Honey]

Charles Richmond Bartoleme. Siya nga pala ang boyfriend ni Cyrra Torres. Hearthrob, pogi, loyal, totoo magmahal, makulit, pala-asar, matalino at nerd siya. Nagkakilala kami sa isang group chat named WeAreOne. Lagi kaming inaasar ng ibang kamember namin na "Magkakatuluyan kayo." "Magkakadevelopan kayo." Lalong-lalo na yung "The More You Hate, The More You Love." Tawag ko sa kanya ay Panget, Nerd, Panget na Nerd, Panget na Sleeping Beauty na may bad germs pa. Tawag niya naman sakin ay Bad Germs o BG. Hate na hate namin ang isa't isa. Aso't pusa ang peg namin' dalawa. Kahit saan kami mag-usap, sa chat man o sa comment box, lagi kami nag-aaway, nag-aasaran at nagpipikunan.

Cyrra Torres. Siya ang ka-rs ni Charles Bartolome. Maganda, habulin ng lalake, mean, bully, mayabang, timer at kinakainisan ko. Madami siyang manliligaw at obsess na obsess na siya sagutin ang isa niyang manliligaw. May pasweet-sweet moments pa nga sila eh. Mukha niya hindi siya nagseselos samin ni Charles. Noon pa man may mahal siyang iba, sa isang manliligaw niya. Minahal niya naman rin si Charles pero hindi gaya ng pagmamahal niya dun sa manlilgaw niya. Tinatarayan niya ako lagi dahil dun, para kunwaring nagseselos siya.

Ako si Zoey Mizusaki. Panget, mabait, masipag, matulungin, friendly, funny, sweet, loyal at boyish ako. Tawag sa akin ni Charles ay BG (Bad Germs). Naiinis ako sa kanya. Away dito, away doon, away everywhere. Maingay lagi ang group chat namin dahil sa amin' dalawa. May gera kasi lagi kapag nag-uusap kami. Ayaw namin maniwala sa the more you hate, the more you love. Ayoko mahulog sa taong lagi kong kaasaran at ayoko pagpalit si Carlos sa kanya.

Magkakatuluyan nga ba sila o hindi? Totoo ba yung salitang The More You Hate, The More You Love?
___________

Facebook Strangers

Written by girl_pitch

All Rights Reserved. Copyright © 2016

Facebook Strangers (On-Going | Editing)Where stories live. Discover now