DOESN'T LIKE TO KILL
"Senyorita! baka gusto mo'ng bumangon at mag-imis!" bulyaw ng aking ina napatingin ako sa wall clock ng kwarto ko, alas syete pa lang naman.
"Are ga'ng inay, ka aga-aga pa ga," bungad ko pagkababa para magtimpla ng kape, nadatnan ko siyang nagluluto ng umagahan, pihado.
"Walang maaga saakin ineng, tamo nung kami ay kabataan..." at nagsimula na namang ikwento ng Mama ang kanyang kabataan, suskopo araw araw ko na iya'y naririneg ako'y naririndi laang.
Umupo na laang ako sa mataas na upuan at pinanood magluto ang aking ina habang nagbubunganga, nakakarinding umaga.
"Maghain ka na Sam at maya maya'y nadiyan na ang iyong mga tiyahin," ani ng Mama at ako'y tumayo na't kumuha ng mga plato, baso at kutsara habang nagmamangol.
"Yun ga'ng mga yon ay walang sariling bahay at nanganga-hanggan pa para laang kumain, kainaman na sila," sabi ko habang nakanguso isinunod ko ang paglalagay ng kanin sa isang lagayan at ang serving spoon.
"Tapos pag manghihiram laang ng kayuran magaleng," dugtong ko pa. Pero mababait naman ang mga tiyahin ko.
"Hoy Shi tumulong ka dine, tatadyakan kita jan, buhay mayaman ka!" sita ko sa bunso ko'ng kapatid na husay sa panonood ng TV sa salas.
"Di maka intay e," maktol nito at naglalakad na patungo sa direksyon ko.
"Ay oo Shi, wait ka ng wait ay hindi ka naingle," ani ko na ikinanguso niya, susko mga kabataan ngayon.
Pagkatapos namin mag umagahan ay nagsilayas na din ang mga palamunin namin sa umaga, nagsimula naman ako mag imis ng buong bahay, hindi uso ang katulong sabi nga ng inay 'kukuha pa ng katulong, sayang ang pera'.
Pero bata pa lang talaga ipinaalala na ng Mama samin na huwag I-asa sa iba ang gawaing bahay na kaya naman namin kung tutuusin. And my Mom isn't fond of tolerating her kids, naranasan naming magarute kapag may nagawang kalokohan or hindi kami mapatulog sa tanghali ngunit pinapabayaan kaming makipaglaro sa kahanggan or gawin ang gusto namin pero may limits. And that's the best of all.
Kaya kung hindi mo yun naranasan sa buong kabataan mo, napakamalas mo. Sa kasalukuyang panahon kalimitan sa mga bata ay namumulat na sa gadgets.
Buwan ng Marso ngayon at isang taon ang pahinga naming mga graduate ng senior high, malay ko sa education system pero makakatulong naman din yon kahit papaano, aasa na lang ako sa stock knowledge kapag ako'y nag entrance exam.
"Ikaw ga ang maglalaba o ako?" tanong ng inay mula sa banggerahan.
"Kayo na, ako na nung isang linggo aba naman!" sagot ko at tumaas na at pumasok sa kwarto ko para maligo, pagkatapos ko'ng maligo ay inipon ko lahat ng mga tira ko'ng tubal at inilagay yon sa basket pumasok na din ako sa kwarto ni Shi para kuhanin ang kanyang tubal, napaka burara pa at nagkalat ang papel at hindi linis na pinaghigan.
"Hoy linis linisin mo yung kwarto mo Shiara pag ako nag linis nun iitsa ko lahat ng gamit mo sa labas, tamo." Sabi ko pagkababa. At nagderetso na sa banggerahan para magtambak ng tubal sa inay.
"Are gang Ate nililinis ko naman ang aking kwarto," rinig ko pang sabi ng magaling ko'ng kapatid.
Nagpalit naman ako ng damit dahil may pupuntahan ako, i just wear black spaghetti strap and a leather black jacket partnered it with a high waist ripped jeans and a chunky boots.
I don't put cosmetics and just let my hair hanging and bought my mini backpack bag na may laman na dalawang pares ng pantulog at isang pang alis, cellphone, iPad, earphones and chargers, isiningit ko din ang balisong sa likod ng pantalon ko well magaling na yung ligtas at handa. Bumaba na ako para magpaalam sa aking ina.