Para lang SAYO~

407 8 4
                                    

Kate:

mahigit isang buwan na ng mawala siya.. ng iwan ako ng lalakeng halos lahat ibinigay at isinuko ko na...

ang lalakeng hindi ko alam kung makakalimutan ko pa..

pero sa mga taong aalis at sasaktan ka.. meron namang dadating na una akala mo simpleng nangiinis lang..

simpleng nangungulit lang..

hindi mo alam siya na pala yung taong magiging dahilan ng pagbukas ng puso mo..

--

ako si Kate.. At mahigit isang buwan ng lokohin at iwan ako ni dave... ang lalakeng sobrang minahal ko.. pero asan na ba siya ngayon ? ayun kasama ni Leyla.. kasama ng Bestfriend ko..

siguro nga masakit makita pero ok lang.. wala namang alam si leyla na ang boyfriend niya ay ex ko eh.. Ang alam lang ni leyla.. na may ex ako na sinaktan ako ng sobra..

"Pst. Kate ! alam mo wala na akong maisip na ibang pick-up line na babagay sayo..

...kundi AKO" sabi ng lalakeng to.. sya si TOPP.. yan ang lalakeng puro nalang pikup lines.. simula ng makita niya lahat ng pangyayare... yung break up namin ni dave.. naging ganyan na siya

nilalapitan ako, kinukulit at iniinis.. ewan ko ba diyan.. puro naman yan banat eh.. Casanova ng Univ yan..

"tss.. corny mo top !" sabi ko sakanya pero nakangiti ako..

oo kahit makulit at nakakainis siya di niya nagagawang hindi ako pangitiin sa tuwing andyan siya

"Selos ka nanaman sakanila eh.. kaya sasamahan nalang kita.. bagay naman tayo eh" sabi niya saakin tas ngiti pa na nakakatunaw (mga TOP bias ng bigbang diyan alam na ninyo ang ngiting yon)

etong lalakeng to ang nagturo saakin na buksan ang puso ko..

etong lalakeng to na kahit anong mangyare andyan saakin tuwing nasasaktan ako..

----

"Ayoko naaaa !!" sigaw ko habang umiiak sa ulanan ..

bakit ang sakit sakit ? bakit kahit ngumingiti ako sakanya eh masakit padin..

biglang may yumakap sa likod ko "tama na kate" sabi niya

"umalis ka dito TOP !" sigaw ko nagwawala na siguro ako pero hindi niya inalis ang yakap..

"Mahal kita kate.. tagal na.. ayaw mo lang ako lingunin" sabi niya saakin habang nakayakap sa likod basang basa kami ng ulan..

"T-TOP"

"Kahit rebound..ok lang..basta buksan mo ulit ang puso mo at lumimot ka..pero pwede sana kahit rebound ako nalang yon ?" sabi niya saakin

"pareparho lang naman kayong mga lalake eh !" sigaw ko.. totoo naman eh ! lahat naman sila manloloko.. lahat sila iiwan ako !

hinarap niya ang mukha niya saakin.. he cupped his hand into my face and said

"Hindi lahat ng lalake pare-pareho. Pinaiyak ka man ng una, pinaluha ng pangalawa. Yung pangatlo ay pinagmukha kang tanga.. Sa huli may lalake pa ring darating na ituturing kang isang PRINSESA." sabi niya sabay ngiti "at ako yun.. ako ang magtuturing sayong prinsesa.. ako ang magmamahal sayo.. sana pagpayagan mo.."

ngumiti ako at hinalikan niya ako sa labi.. nakaramdam ulit ako ng kakaibang tibok sa puso ko.. ano to ? b-bakit ganto ang nararamdaman ko ?

nagbukas na ba ulit ang puso ko ? nagbukas na ba ulit siya.. o matagal na to.. di ko lang pinapansin..

kasi ngayon.. mahal ko na siya..

nang magkahiwalay ang mga labi namin ngumiti ako at umupo sa may sahig umuulan padin pero andito ako.. umupo siya sa tabi ko..

inilagay ko ang ulo ko sa shoulder niya..

at pabulong kong kanta sakanya

♪ Para sayo ako'y iibig pang muli 

Dahil sayo ako'y iibig nang muli 

Ang aking puso'y 

Pag-ingatan mo 

Dahil sa ito'y muling magmamahal sayo 

Para lang sayo♪

tas tinignan ko siya at tumingin din siya saakin "Mahal kita.. sorry kung ngayon ko lang naramdaman o narealize na mahal kita.. sorry kung di ko naisip na-"

he kissed me.. he interups me by kissing my lips

"Mahal din kita" sabi niya saakin tas niyakap ako..

siguro kaya tayo sinasaktan o iniiwan ng mga taong mahal natin kasi meron pang dadating sa buhay natin na mas deserving pa at mamahalin tayo..

salamat TOP..

Magmamahal muli ako..

...Para lang Sayo.

------------------------------------

Dedicared to VampireObsessed <3 eto na po yung promised Oneshot :))

Hope You Like It ^^

-MamaAuthor-leeYUM06

leeYUM06's One Shots and KD One Shots Compilation :)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon