Collection #4

4.4K 50 0
                                    

MAX'S POV

Saktong pag harap ko kay tob dinakma ko sa leeg yung lalaking sumugod sakin.

"Sinabi ko na nga ba't kilala kita e.." nanggigigil na sabi ko sa kanya habang itinitulak ko sya.

"B-Bitawan mo ko--"

"Sinong nag-utos sayo?!" Galit na sabi ko

"H-Hindi ko alam ang sinasabi mo--"

Hinigpitan ko ang pag kakasakal sa leeg nya.

"M-Ma--" narinig ko ang boses ni tob na parang humihingi ng tulong kaya nilingon ko sya at magulat ako ng makita kong may nakatutuk na swiss knife sa leeg nya.

"Tss..." Nakangiting sabi ko.

"Please.. W-Wag mo s-sasaktan k-kaibi--" si Deib

"Max!!" Narinig kong tawag ni Naih

"Oh my god tob!" si Michiko

"Hala anong nangyayari?!" si Bj

"H-Hoy a-anong nangyayari?!" si Migz

Dinaan ko sa turo si naih, alam na nya yun.

Hinila ko sa damit yung lalaking sinakal ko at pabato ko syang hinarap sa kasama nya.

"Umalis na kayong dalawa dito bago pa mag-init ang ulo ko..." mahinahobg sabi ko.

"A-Arbie t-tara.." sabi nung sinakal ko.

"A-Ano bang sinasabi mo?! Papatayin ko to!" sabi nung nakasakal kay tob.

"A-Arbie t-tara na.."

"Bakit sino ka ba?!" Mayabang na sabi nung lalaki sakin.

"Ako?" tanong ko habang nakaturo sa mukha ko "Ako ang papatay sayo.."

"Sinong tinakot mo--"

"Sinabing halika na e!" sigaw nung sinakal ko.

Nung makita kong parang hindi nya alam ang gagawin nya ay lumapit na ako sa kanya at madiin na hinawakan ko ang kamay nyang may hawak na swiss knife.. at madiin kong inalis ang pagkakasakal kay Tob, halata namang nanginginig ang lalaking to. Hinawakan ko si Tob sa braso at tinulak kay Deib.

"Tulungan mo yun.. Bilis!"

"O-Oo... Deib.."

At saka ko binitawan yung lalaking may hawak na swiss knife.. lumapit ako sa kotse ni Tob at may nakita akong golf club.. KINUHA ko yun..

"Sinong nag-utos sainyo?" seryosong tanong ko habang kunwaring nag goholf sa hangin.

"H-Holdapin lang s-sana namin s-sila.."

"Ahh talaga?" kunwaring tanong ko, saka ako tumingin kila tob. "May nakuha ba?"

"W-Wala.."

"Mmm.." tangong sabi ko saka tumingin uli sa mga gangster kuno. "So.. Sinong nag utos sainyo?" tanong ko ulit.

"H-Hindi namin alam ang sinasabi mo--"

At saka ako lumapit sa kanilang dalawa.

Hinampas ko ng malakas sa hangin ang golfclub!!!!

Kaya naman napaatras sila.

He's Into Her 1 ScenesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon