Chapter 14

151 6 2
                                    

Cana's POV

Hindi ko akalaing magiging concern sila.Hindi ko alam kung dapat ba kong magsaya...Pero...Ngayon lang talaga ako nakaramdam ng ganito..Na importante ako..Na may nag-aalala din saking ibang tao maliban sa mama ko..

Lin...

Halos yakapin ko yung cellphone ko bago tawagan sya.

"Uhm…Steven...Pwede ba tayong magkita?Please..Isama mo si Lin..Ahm...May sasabihin lang ako sa inyo...Mahalaga." Then I ended the call.

I smiled bago ako nahiga sa kama ko.

Nagpalit na ko ng sim.Siguro naman magiging okay na ang lahat....Diba?

Desidido na ko..

Aaminin ko na sa kanila ang totoo.

Nandito na sila Lin sa bahay.

"Ano yung mahalagang sasabihin mo?" Tanong agad ni Neil pagkaupong-pagkaupo nya sa may kama ko.Nandito kasi sila sa kwarto ko.Si Lin naman,bigla lang syang nahiga sa kama ko matutulog pa yata.Ang cute eh.

"Ahm..Lin.Juice muna kayo oh.Pasensya na Pizza lang tong pinadeliver ko" tumayo naman agad sya para kumain.FYIreaders,madali lang at matinong kausap tong si Lin BASTA BA may pang-bribe kayong pagkain nya.Haha.

"Ahm..Pasensya na sa abala ha?Ganito kasi yan.Ahm..." Simula ko habang kumakain na sila.Yung mata naman nila sakin nakatingin eh.

Sisimulan ko na..Ang pag-amin sa kanila...."Ang totoo nyan...Ahm...K-Kasi....Actually..Hindi totoong....Ahm...Hindi totoong hindi ko kilala yung stalker ko.Ahm...May hinala kasi akong yung stalker ko..ay yung ex-boyfriend ko" seryosong sabi ko sa kanila.

"Ha?Ahm..B-Bakit naman?May natatanggap ka bang threats sa kanya?" Tanong ni Neil.

Eh?

Ah...Siguro alam na din nya yung nangyari sakin..Parang hindi kasi sya curious nung sinabi pa lang ng classmates namin yung tungkol sa past ko.Wala naman syang tinatanong.Sigh.

Nevermind that.

"Eh kasi simula naman nung kumalat yung picture ko..Ahm..hindi ko alam..Hindi na sya sakin makatingin ng diretso.Masakit oo kasi hindi pa naman kami officially break.Ni hindi ko alam yung rason nya.Ni hindi ko mahagip sa isip ko kung pano nya nagawa yun eh o kung ano ba talagang problema nya.Pero...Yung mga nagtetext kasi sakin at.tumatawag,BABES ang tawag sakin..Patunay lang na sya yun.Kasi sya lang naman ang tumatawag sakin ng babes eh.Sa text at tawag.Sa personal kasi nahihiya kami sa tawagang ganun kaya....

Sigh.Pagkatapos nyang grumaduate,ewan ko hindi ko na sya nakita.Puro paramdam na lang ng stalker ko.At base sa mga sinasabi nya,talagang kilalang-kilala nya ko at palagi nyang alam bawat kilos ko..Aminado ako,ilang beses ko na talagang binalak magpakamatay dahil sa kanya.Masyadong kumplikado at nakakasira ng ulo ang mga nangyayari.Ako man nagtataka kung paanong hanggang ngayon matino pa akong mag-isip eh"

"....”

Katahimikan...Naghihintay ako sa reaksyon nila.

Si Neil parang hindi alam kung anong isasagot nya.Si Lin naman...Ewan di ko sya mabasa.

"Ang mga mastermind sa bawat kaso...Umiiwas sa OBVIOUS.Pero dahil sa matalino sya,madali lang para sa kanya ang gamitin ito bilang ALIBI" Biglang sambit ni Lin habang ahm...ewan paikot ikot sya dito sa loob ng kwarto ko..

"Huh?" Sabay kaming napalingon ni Neil kay Lin.Anong ibig nyang sabihin don?

"Lin...Anong ibig mong sabihin?" Ah.Mamamatay talaga ako sa kuryosidad.

"Basta" Pinapanood lang namin sya habang nililibot ang kwarto ko.Nagkakatinginan lang kami ni Neil habang pinapanood sya.

"Wala tayong laban sa kanya kaya pabayaan na natin sya,dyan sya masaya" Ha?Ganun na lang ba yun?Napayuko na lang ako.

Maya-maya si Neil tumayo na din.

"Oo nga Cana.Ang mabuti pa magpahinga ka na lang muna.Magbakasyon ka kaya?Baka naphobia ka lang." Huh??! Ano daw?Eh teka..

ANONG GINAGAWA NILA??!

May kung ano silang kinukuha ng pasimple sa kung saan-saang parte ng kwarto ko.Pati sa CR!Tapos may nakikita daw ipis si Lin kaya hinahambalos nya ng tsinelas yung pader pati sa may study table ko samantalang wala naman akong nakikitang ipis.

"Anong---" Wala akong maisip na itatanong.

"Umpisa pa lang..Pinapanood nya na ang bawat kilos mo.Gamit ang mga to." H--Ha?

Halos bumaligtad sikmura ko.Ang daming maliliit na camera ang kinuha at sinira nila.Maliliit talaga as in,at kakulay nakakulay pa ng kung saan sila nakadikit kaya hindi talaga halata.Jusko kung araw-araw may ganyan sa bahay mo tapos ilang taon na di mo pa alam tyak mababaliw ka sa oras na malaman mo.Eh pero pano kayang--

"Simple lang ang maipapayo ko.Kalimutan nating lahat pansamantala ang issue na to.Cana.Diba nagagawa mo pa namang ngumiti kahit matagal ng nakabalik si stalker mo?Pwes,ngayon mo mas kinakailangang magpanggap.Pangungunahan na kita.Ano man ang mangyari wag na wag ka nang magpapahalatang may problema ka o affected sa stalker mong to..Maliban don,ako na ang bahala.Makikilala din natin sya."

Huh?Magpanggap?Bakit kaya?Teka.Naguguluhan na talaga ako!

Ako ang puno't dulo nito pero bakit ganon?Parang ako pa ang walang maintindihan sa nangyayari??

Hindi ako yung tipong magpapa-cute sayo [Ongoing...]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon