Nandito ako ngayon sa bahay namin naglilinis habang nagpapatugtog ng malakas na music (blank_space by:Taylor Swift) .Saturday kasi and it means na walang pasok ngayon.Happy go lucky lang ako,hehehe
Ako nga pala si Amber Reconalla,15 years old,3rd year high school,hindi mayaman,scholar sa private school,matalino,maaawain,simpleng babae,pero may beauty,hehehe hindi yun joke na may beauty ako kasi totoo ang sinasabi ko baka hindi kasi kayo maniwala kaya sinigurado ko lang...
Nanana....nanana
Nanana...nanana
Nanana...nanana
(Hindi ko alam kung anong lyrics)
Sinasabayan ko ang kanta ni Taylor swift,alam niyo bang Swifty fan ako gustong gusto ko ngang panoorin ang live concert niya dito sa Pilipinas pero para sa akin impossible akong makakapanood,saan ba naman ako makakakuha ng 18,000 halaga eh kung bibilangin ko ang allowance ko pang 1 year na yon so hanggang pictures nalang ako makakatitig sa kanya with matching eye to eye contact pa talaga kami kaya gayahin niyo nalang ako sa mga walang chance na makakita kay Taylor in personal
"Hoy,amber kanina pa kami sumisigaw sayo sa labas"galit na sigaw sa akin ni Kaye ang isa sa bestfriend kong mayaman actually tatlo silang best friend ko na puro mayayaman at sikat ang family bussiness nila di porket mahirap wala na akong kaibigang mayaman eh sila ang may gustong kumaibigan sa akin at mababait naman sila so hindi ko sila tinanggihan
" bakit naman kayo sumisigaw"tanong ko sa kanila at saka bakit naman sila ganyan kung makapag react hindi ko naman sila sinabihan na sumigaw
"Hay nako,una naming tawag sayo hindi pasigaw pero ayaw mo talagang sumagot eh edi sumigaw kami"sagot naman ni Clay
"Malapit na nga naming gibain yang pinto niyo buti dumating si Auntie"
pagpapaliwanag ni Jessica,mga gago talaga tong tatlong toh eh kung tinuluyan nilang gibain edi gagastos na naman kami
"Kung tinuloy niyo yun baka gigibain ko din ang friendship natin"galit na sabi ko sa kanila pero joke lang yung expression ko na galit
" wag naman friendship natin ang sirain mo pwede namang mukha nalang ni Kaye ang sirain mo"natatawang sabi ni Clay pero pinipigilan niya lang kasi nakita niya nagagalit na ang mukha ni Kaye
"Eh kung mukha mo na lang ang basagin ko"galit na sabi ni Kaye
" Stop it girls,pwede namang pagawaan nalang natin ng bagong pinto,hindi tayo pumunta dito para magbasagan ng mukha we are here to invite Amber to our own malls"pagputol ng usapan ni Jessica sa dalawa.Kitamz mayaman nga talaga sila kasi lahat sila may mga malls na malalaki at hindi lang tig iisa kundi tig lilima at may iba pang business
"Ayaw kung sumama,kayo nalang" sagot ko sa kanila kasi wala naman akong bibilhin at wala akong pera
"At bakit ayaw mong sumama?" mataray na tanong ni Jessica..
"Ah kasi wala akong pera at wala akong pamasahe" nahihiyang sagot ko sa kanila
"Its not a problem amber,kami ang bahala sayo"masayang sabi ni Clay sa akin
" ahhh kasi kasi hindi pa ako naliligo eh"mahinang sabi ko,nakakahiya naman kasi sa kanila kung paghihintayin ko pa sila
"OK.lang yan,amber may isang request lang Ako sayo" nahihiyang sabi ni Kaye na may pag aalinlangan
"Ano yon?"tanong ko
" eh kasi hindi pa ako kumakain eh,ang aga kasi nila pumunta sa bahay tapos hindi pa talaga nila ako pinapakain"nakangiting tingi sa akin ni Kaye
"Akala mo ba ikaw lang ang hindi pa nakakakain? Ako rin kaya kasi binulabog Ako ni Clay ng maaga sa bahay" kwento naman ni Jessica
"Ssst,kayo talaga hindi na kayo nahiya sa mga pinagsasabi niyo Kay Amber na dito kumain! Pero pakapalan lang ng mukha Hindi rin kasi Ako kumain kasi excited ako sa pag shopping,tapos ngayon gutom din Ako kaya pwede makikain narin"pag amin ni Clay
OK lang sana kung dito sila kumain pero wala kasi kaming ulam ngayon
"Sorry guys wala kasi kaming ulam ngayon" nahihiyang sagot sa kanila
"May Toyo Datu Puti,salt at oil ba kayo?"tanong ni Kaye
" meron"maikling sagot ko
"Aanhin mo yong mga yun Kaye?"tanong ni Jessica
" gagawin kong ulam"masayang sagot naman ni Kaye
"Paano?" Nagtatakang tanong ni Clay
"Ihahalo ko sila sa kanin"
Pumunta na akong kusina at naghain ng kanin sa lamesa at ang mga sinabing ingredients ni Kaye kanina
"Bahala muna kayo dyan ha,kasi maliligo pa Ako"umakyat na ako para maligo tapos naririnig ko pa silang nag uusap
" maglalaway ang hindi gagaya sa akin"
"Kate naman turuan mo kami"
"Just follow my steps first put the toyo in your rice pero hindi masyadong marami sakto lang 2nd pour the oil pareho lang ng amount kung gaano karami sa toyo then 3rd put a salt just a little bit then lastly mix them with your spoon then eat nah,yummy" sabay subo sa bibig
After kong naligo bumaba na Ako at hindi parin tapos sila kumain
"Hoy Kaye bakit ngayon mo lang sinabi ang sarap ayaw ko ng magstop
sa pagkain tuloy"
"Sino nagturo sayo nito Kaye?"
"Si yaya yung nagpalaki sa akin,ganyan kasi pinapakain niya sa akin tuwing dinadala niya Ako sa bahay nila noon"
"Hindi pa kayo tapos" tanong ko sa kanila
"Hindi pa eh ang sarap kasi" sagot naman ni clay habang ngumunguya na pagkain
"Tikman mo Amber " sinubuan Ako ni Jessica
Hmm...ang sarap nga
"Masarap??!"tanong nila sa akin
" oo naman"masayang sagot ko
Pagkatapos naming kumain ay dumiritso na kami sa kotse ni Clay na nasa labas ng bahay nakaparada.Nasa backsit sina Kaye at Jessica tapos ako naman nasa passengers sit katabi ni Clay na siyang nagmamaneho
"Saan tayo una pupunta" tanong ni Clay
"Ah sa aming mall nalang may bago kasing nilabas na mga product" sagot naman ni Kaye
Pinaharurot na ang sasakyan ni Clay grabe talaga toh kung siya young nagmamaneho akala mo nasa racing car kami
"Ano kaba Clay,dahan dahan lang sa pagmamaneho" galit na sabi ni Jessica kasi na ayos ang pagkakalagay niya ng lipstick at make up,siya talaga ang pinakamaarti sa aming lahat sa mukha at sa damit naman at si Kaye para nga siyang model