Mga Munting Pangarap <♥>

368 2 0
                                    

......

.....

Setyembre 25. Ikalabing-walong kaarawan ng aking Ina. Masaya ang lahat. Sobrang ingay ng araw na iyon, ang aking ina abot tenga ang ngiti sa sobrang ligaya nya. May isang makisig at matikas na lalaki ang lumapit at nakipag-usap sa kanya. Masayang-masaya ang aking ina habang kausap ang lalaki. Hindi mawala ang kanyang mga ngiti sa labi nya.

Lumipas ang ilang araw, naging mas madalas ang pagkikita ng aking ina at ng lalaking iyon. Naging mabilis sa kanila ang mga pangyayari. Nagkwentuhan sila sa kanilang buhay.

Madalas silang mamasyal sa parke, at sa mga panahon na iyon, namuo ang pagtitinginan ng dalawa. Nagsumpaan sila ng walang hanggang pag-iibigan. Sumpang walang makakaputol kahit sinuman.

Oktubre 15. Muling nagtagpo ang dalawa, ngunit tila nagbago ang lahat. Mas naging makulay ang pag-iibigan ng dalawa. Hindi ko maintindihan ang sumunod na pangyayari. Hindi ko mailarawan ang damdamin ng isat-isa, ang pag-iisa nilang dalawa na animo'y bulaklak sa kalangitan.

Nobyembre 3. May namumutawing lungkot sa mukha ng aking ina. Sa mga panahong iyon, may buhay na ako. At dahil sa munting buhay na iyon, nabuo ang makukulay at munti kong pangarap. Hinimas ni ina ang kanyang tiyan. Kinausap niya ako, habang tumutulo ang mapapait na likido sa mga mata ng aking ina.

"Anak." Narinig kong sinabi nya iyon. Napuno ng galak ang puso ko. Tama ba ang narinig ko? Tanggap ako ng aking ina bilang anak.

Narinig ko mula sa kanyang mga labi, ang mga pangarap niya para sa akin, Unti-unti siyang ngumiti, ngunit ramdam ko parin ang pagdaloy ng luha sa kanyang mga mata.

Nobyembre 6. Bumalik siya. Muli kong nasilayan ang lalaking huling kasama ng aking ina. Alam ko, sabi ng aking isip siya ang aking "ama."

Nag-usap sila. Hindi ko maintindihan. Tanging naririnig ko lang ang pag-iyak at pagmamakaawa ni ina.

Nobyembre 9. Nakatanggap ng liham si ina. Sa pagbabasa niya, muling pumatak ang mapait na likido sa kanyang mga mata. Sinisigaw niya ang pangalan ng aking ama habang siya'y suklam na suklam. Hindi ko alam kung paano ko sya mapapakalma sa pamamagitan ng aking pagmamahal.

Nobyembre 15. Nakita kong muli ang mukha ng aking ama. Lumapit sya kay ina at sinabing "patawad." Niyakap ni ina ang lalaki at muling tinanggap.

Tahimik ang paligid habang sila'y nag-uusap. Narinig ko ang katagang "mahal" mula kay ama ngunit hindi pa raw siya handa sa responsibilidad. Hindi ko maintindihan.

Nobyembre 21. Bumalik si ama at lumaon kasama si Ina. Nagtaka ako, dahil papunta sila sa diktor. Tanong ko sa sarili "may sakit ba si ina?"

Disyembre 12. Kinakausap ako ni ina habang umiiyak. Hindi ko alam kung bakit. Napaluha din ako ng mga sandaling iyon.

Tinanong ko si Ina, "Mahal nyo ba ako?"

Disyembre 16. Malakas ang pagkaba ni ina sa loob ng madilim na silid. Wala akong maunawaan. Unti-unting nakatulog si Inay. Sa mga oras na iyon natakot ako tagos sa akong buong katauhan. Pinilit ko syang gisingin, hindi parin siya magising. Dahil siguro sa gamot na nilagay sa kanya. Napaidlip ako.

Nagising ako. May nararamdaman akong bagay na nagpapasakit sa akin. Ngunit nagawa kong ilagan iyon. Patuloy akong nanalangin na mabigyang-laya ako mula sa pangyayaring ito.

Panandaliang nawala ang bagay na iyon. Ako'y muling nanalangin. Ginising ko si Ina ngunit wala siyang kibo. Patuloy parin ang pagbalot ng gamot sa kanyang katawan. Patuloy din akong natatakot.

Muling bumalik ang bagay na iyon, bagay na nais kumitil sa aking munting buhay. Muli akong umilag mula sa bagay na iyon habang pabilis naman ng pabilis ang pagsalakay niyon, ngunit ako'y nanghihina na. Hindi ko na kayang umilag pa. Tinawag ko ang aking ina, sinigaw ko ang pangalan nya. Tumutulo na ang aking luha. Tinanong ko ang akong ina, "Mahal nyo bang talaga ako?!"

Unti-unting dumidilim. Padilim ng padilim.

Disyembre 25. Pasko. Masaya ang lahat, mabuti na ang pakiramdam ng aking ina. Ako lang ata ang tanging malungkit na nilalang. Ramdam ko parin ang kaapihang dulot ng mapaglarong mundo.

Ang bagay na iyon, ang bagay na kumitil sa aking munting buhay, hindi parin iyon maalis sa aking isipan. Ngunit sadyang malupit ang tadhana; hindi ko man lamang nasilayan ang mundo, hindi ko naramdaman ang maiinit na yakap ng aking ina,  ang matupad ang aking makukulay na pangarap ay hindi ko nakamtan. Nais kong mabuhay, ngunit pinigilan iyon ng mga taong takot sa respinsibilidad na dapat ay akuin nila. Bakit? Lagi kong tanong. Ang isang musmos na tulad ko ay naging biktima ng mapaglinlang na mundo.

Ang lahat ng mga pangarap. Parang bulang naglaho ng biglaan. Mahal ko sila, pero hindi nila ako hinayaang ipadama iyon sa kanila.

Hinding-hindi ko malilimutan ang mga sandaling tinapon ako sa marumi at masikip na basurahan. Sayang, sayang ang mga pangarap. Pangarap na nais mabuhay sa mundo ng malaya.

Ang mga katulad ko, na lumasap ng isang pang-aapi mula sa mundong ito. Ang tinig ko'y pakinggan. Isang munting anghel na sumisigaw ng katarungan mula sa mapaglarong kapalaran.

***

By: andreaunni

12.12.12

Tinig ng Munting AnghelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon