Second Chances: Chapter 1

73 3 0
                                    

Chapter 1: New semester, new faces, new feelings?

Ang hirap pala. Yung hindi naman kayo pero parang kayo. Inaasar kayo ng mga kaklase nyo, buong araw kayo magkatext, nage-exchange kayo ng letters/notes, nagbibigayan kayo ng kung ano ano. Pero hindi talaga kayo. Para bang you just care for each other.

Pero wala kayong commitment. Kaya pag nag-away kayo, maiisip mo, "Bakit nga ba kami nag-aaway? Eh hindi naman kami eh." Oh kaya pag may ginawang ayaw mo hindi mo naman mabawalan kasi wala kang karapatan. You have no right to tell him what he/she shouldn't or should do. Tapos kahit sobrang nagseselos kana, wala. Tatahimik ka nalang. Kasi nga wala kang karapatan.

*knock knock knock*

"Kapatid, anong oras pasok mo bukas?"

Si Patty. Pinsan ko at isa sa pinaka-close kong tao sa buong mundo. Nagshe-share kami sa apartment ngayon. Parehas kami ng college na pinapasukan.

Haaaaay. May pasok nanaman. Tapos na sembreak. Makikita ko na ulit sya.

"9 pa kapatid. Ikaw ba?"

"12 pa ako eh. Hindi pala tayo makakapagsabay."

"Oo nga eh. Sayang."

"Edi makikita mo na sya."

"Oo nga Pat..."

"Nagtext naba sayo?

"Oo. kaninang umaga."

"Buti naman. Ano sabi?"

"Wala. Yun nga. Sorry daw.."

"Ano ba naman yon. Sige na nga. Matulog na tayo. Goodnight Miela. Goodluck bukas."

"Goodnight Patty."

----------------------------------------------------------

Late na ko.

First day ng 2nd sem tapos late agad ako! Ano ba naman. Bakit ba kasi hindi ko narinig yung alarm ko T.T

Walking distance lang naman yung apartment sa school. Mga 5 minute walk lang. Pero badtrip. 9:15 na.

Pag dating ko sa tapat ng gate, may nakita akong lalaki bumaba sa sasakyan. Ang gwapo. Maputi, nasa 5"7 ang height, hindi ko nakita yung mata nya kasi naka wayfarers sya. Nakita ko yung kulay ng linya sa breastpocket nya ay black. Ibig sabihin Business Ad course nya. Kaming HRM, color green ang linya sa breastpocket. Pagbaba nya, may bumati sakanya. Hindi ko narinig yung pangalan nya. Ang dami nang lumapit at kumausap sakanya tapos nakangiti sya. Ang gwapo ngumiti :"""O Nung hindi ko na sya nakita, napatingin ako sa relo ko. OMG, 9:20 na.

Tumakbo na ko papunta sa room. Pagpasok ko, marami nang tao. Una kong nakita si Anna. Nag sembreak na maputi parin sya.

"Mielers! I miss you! Late ka. Himala ah ^^v"

"Oo nga eh T_T Di ako nagising sa alarm eh. Buti wala pa prof."

Sabay singit ni Regine. "Nandito na kanina. Lumabas lang kinuha class list :) "

The minute she finished talking, the door opened and he walked in.

Dumating na si Dylan.

--------------------------End of Chapter 1----------------------------------------

Hi! Bago lang po ako, comment po kayo kung nagustuhan nyo yung story. Pasensya na po kung maikli palang. ^.^v

Second ChancesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon