Chapter 29

48 9 0
                                    

"Hoy ano na, final na ba talaga yun? Di mo siya hahabulin?" Bungad na tanong ng kaibigan si Renz sa kanya.

"Ano ako aso? Maghahabol sa may-ari ko habang nakalabas ang dila at hinihingal?" Tugon niya naman dito habang paupo siya sa kanyang upu-an.

Nasa canteen sila't nag re-recess ang dating kasama niya ang kasama na naman niya ngayon. Mula ka noong maging sila ni Irish, sila na ang palaging sabay na mag recess, pero ngayon ang mga kaibigan niya na naman.

"Eh tuta ka naman niya eh, so why don't you make habol-habol her?" Usal ni Renz ng maka-upo rin ito sa katapat na upuan.

"Tssk, bala ka jan." Napapa-iling na tugon niya dito, kahit kailan talaga wala siyang maalala na hindi nangulit ang mga kaibigan niya tungkol sa kung ano man ang nasa sa kanya.

"Love mo pa rin siya?" Tanong ni Mark na nakapag-patigil ng pagsubo niya sa pagkain niya.

"Syempre oo, mahal na mahal. Kaya nga ako nag-aalala kung asan na siya eh, 2 weeks ng hindi siya pumapasok." Totoo, it's been two weeks. Di niya rin ito ma chat sa fb dahil parang nag de-act ata ito, pumunta siya sa bahay nito pero lagi lang siyang nakamasid dito at di na inisipan pang tumuloy ng tuluyan.

Sa pagkakataong ito, wala na siyang mukhang maihaharap kay Irish, kaya naman hanggang tanaw na lang sa malayo ang nagagawa niya para rito.

"Eh ganun naman pala eh. Kung mahal mo bakit di mo siya habulin at ipaglaban." Sabad naman ng stismoso'ng si Julier. Dahil sa sinabi nito bigla na lang siyang pinanghinaan ng loob.

"Mahal ko siya kaya ayaw ko na siyang saktan. Alam kong masasaktan lang kasi siya kung lalo ko lang ipagpipilitan ang sarili ko sa kanya." Malungkot niyang tugon dito, habang inaalala ang mga masasayang araw na magkasama silang dalawa at dinadama ang bawat sandali.

"Ayaw ko na siyang saktan mga Pre, mahal ko siya. Pero ayaw ko siyang saktan, kaya haggang dito na lang ako. Iiwas sa paningin niya para di na muling bumalik pa ang sakit naming dalawa." Sambit niya at malungkot na napangiti.

"Narinig mo naman sabi niya diba? Aalis na siya." Ani Jeffrey na kanina pa pala natapos sa pagkain, samantalang siya hindi makakain dahil na hot-seat siya.

"Hindi ako bingi kaya malamang narinig ko yun." Pairap niyang tugon dito na mukha namang hindi nito napansin. "Siguro ngayong graduation kakausapin ko siya."

"Hay nako, kung siguro naging matino kang bf hindi ka iiwan ni Irish." Ani ni Renz habang sinusubo ang pizza nito.

"Aalis nga sila diba kaya malamang iiwan niya rin ako...mas napa-aga nga lang. Hindi ko kaya ang LDR, kaya impossible ring maging okay pa relasyon namin after that." Mapakla ulit siyang natawa.

"Sinong ipapalit mo...si Aviona ba?" Ani Charles na parang may bahid ng lungkot ang mga mata na hindi niya alam kung bakit.

"Hindi. Dito, dito sa puso't isip ko walang ibang sino man ang makakapalit sa kanya." Sabay haplos sa loyal niyang puso na walang ibang tinitibok kung di ang Wattpad Queen na si Irish.

"Akala ko pa naman si Julier sasagot sa bridal car niyo, tapos ayun, napuryada pa." Pabiro namang sabi ni Renz.

"There are things in life that we can't control to happen. Siguro...Irish was right, we're better off each other." Malungkot niya pa ring usal.

"Sabi nga ng marami, everthing happens for a reason. Kaya may rason kung bakit nangyari 'to." Dagdag niya.

"Kaya ba i-le-let go mo na lang yung 3 years relationship niyo?" Ani Rene habang may lungkot ang mga mata na nakatitih sa kanya. Bati na sila, mga 5 days na nga.

Wattpad Queen Vs. ML King (Part 1) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon