"Akemi"

1 0 0
                                    

"Akemi"


Hideo, aking ligaya
Sa ating mundong magkaiba
Pag-ibig mo at Pag-ibig ko'y
Pinag-isa't itinadhana

Ngunit ang pag-ibig nating dalawa
Ay nagsimula sa maling pahina
Tinadhana pero hindi sa huling hininga
Sa muli nating pagkikita, aking ligaya

Tama ka, kaya natin itong labanan
Pero hindi ang guhit ng ating kapalaran
Mula tayo sa dalawang tribong magkalaban
Kailanman ay hindi magkakatuluyan

Ating kasalana'y nasundan pa ng kasalanan
Hindi ko namalayan, limang buwan ang lumisan
Natulog ako nang mahimbing sa malamig na higaan
Kasama ng ating supling sa aking sinapupunan

Ilang buwan pa ang lumisang wala sa aking bilang
Wari'y isang manhid hanggang sa araw ng aking pagsilang
Parang isang mahika ng siya'y aking masilayan
Isang ngiti mula sa labing bunga ng pagmamahalan

Nasa aking isipan ang kanyang kaligtasan
Aking tinahak ang daan sa ating tagpuan
Tayo'y nasa magkabilang dulo sa gitna ay digmaan
Ang kawasakan at kawakasan ay nasa pagitan

Salamat at ika'y aking nasilayan
Mainit na yapos sa aking bewang
Malubha na ang aking kalagayan
Mula sa labang ating pinaglaban

Muli, ang pag-ibig nating dalawa
Ay nagsimula sa maling pahina
Tinadhana, pero hindi sa huling hininga
Sa ating muling pagkikita, aking ligaya.





~•~

From "Seventh Sense" of purpleyhan

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 25, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Mga Tula sa Librong BinasaWhere stories live. Discover now