Prologue

5 0 0
                                    

Do you guys believe in Red String of Fate? Na lahat daw ng tao ay meron nito, na nakakabit sa hinliliit at nagcoconnect sa inyo ng 'the one' mo. Legend says that there is an intangible red string that connects two souls that is destined to be together. It says that it binds those who are destined to meet regardless of time, place, or under any circumstances. This magical red string of fate may stretch, tangle, but it never breaks. Pero how sure are we that it will never break? Or it might not break but what if it can be untied?

"Cali, ano 'yan?" Tanong ng kaharap ko sa kinakain kong macaroons. Ang lapit ng mukha niya, wait. Bakit parang nagslow mo ng magtama ang mata namin? What's wrong with me? Dug. Dug. Dug. And why is my heart beating so fast? Bakit ako kinakabahan?

"Wala lang 'to, bat ka ba tanong ng tanong?" Sabi ko na tila nagsusungit dahil hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko.

"Huy, Cali nakikinig ka ba sa sinasabi ko? Kanina ka pa nakatulala dyan e" I snapped out of what I'm thinking and face my friend. Masyado na pala akong nagzozone out at napa throwback na ko sa memories ko nung elem ako.

"Ano ba kasing problema mo Eula at ang aga aga palang nandito ka na sa bahay? Nakikialmusal ka lang e." Napasimangot naman si Eula habang ngumunguya ng sandwich na ginawa ni mama.

"Grabe, hindi mo man lang ako naaappreciate bes? Hello? Pinuntahan kaya kita, ako ang nagsilbing alarm clock mo for today's video no"

"Haynako, sige na thank you bes. Alam na alam mo talagang malelate ako kahit first day no hahahaha, sige na magbibihis lang ako tapos tara na."

Eula is my best friend, nakilala ko noong first year college ako, I don't have lots of friends, I keep my circle small. It's not like I don't have a choice, it's because I like to keep it that way. Just keeping my real ones. Anyways, I'm getting ready na para pumasok ng school. Alam na alam ni Eula na mabagal ako kumilos kaya sinundo niya na ako, I guess masyado na siyang qouta sa pagkalate ko hahaha. Bumaba na ako ng hagdan pagkatapos ko magbihis at magayos,

"Eula tapos ka na ba? Bilisan mo, baka wala na tayong masakyan na jeep. Monday pa naman."

"Oo bes, tapos na. Nakapag retouched na din, infairness sayo nakakahaggard ka intayin."

"Alam mo bes wag mo na sisihin ang kabagalan ko dyan sa mukha mo, tsaka anong retouched? Parang wala naman pinagbago." Pangiinis ko sa kanya.

"Teh???? Grabe ka na, ang aga ng pambabardagul mo ha. Hindi pa ako ready for that." Sagot ni Eula na sinundan ko naman ng tawa.

"Alam mo puro ka daldal, tara na nga. Mamaya malate pa ako alam mo namang early bird ako." Saad ni Eula. Lumabas na kami at mabuti naman nakasakay agad ng jeep. Mahirap kasi mag commute papasok, dahil kung minsan punuan ang jeep lalo na kapag umaga.

Mabilis naman kaming nakarating ni Eula sa school, nakita nga namin agad ang apat na mokong namin na kaibigan, sina Austin, Daemon, Dominic, and lastly si Randell ang friend kong gay. But he's not your typical gay friend, sa unang tingin hindi mo malalaman na lalaki din pala ang hanap niya. I also met them last year, naging close lang dahil ewan ko din? Maybe because same ng humor kaya kami nagkasundo sundo.

"Cali!" Sigaw ni Dominic na para bang napakalayo namin sa isat isa kung makasigaw.

Agad naman kaming lumapit ni Eula sa kanila.

"Uy! Kamusta mga bes!" Bati ko sa kanila.

"Actually We're okay, what about you guys?" Sabi ni Daemon, ang friend kong kabisado ang dictionary. Charot! He just got a wide vocabulary.

"Okay naman kami ni Cali, di kami nahirapan bumyahe" sagot ni Eula.

"Buti pa kayo, samantalang ako hirap na hirap" singit naman ni Randell.

"Na para bang may pake kami bes?" Sagot ko na agad kong sinundan ng tawa, napasimangot naman si Randell na mas lalong nagpatawa sakin at sa iba pa naming mga kaibigan.

"Alam niyo guys stop niyo na yan, umakyat na tayo sa room. Sayang ang pagiging on time natin kung malelate lang din tayo sa prof natin." Sabi ni austin na agad din naman naming sinang ayunan, sino ba naman ang may gusto na malate diba? Syempre wala.

Untying the Red StringsWhere stories live. Discover now