Mahal Kita, Mahal Mo Siya, Mahal Ka Niya

15 3 0
                                    

Mahal kita
mahal mo siya
Mahal ka niya

Mahal ka naming pareho
Pero laging ako ang talo
Pag dating sayo
Alam ko kaagad kung sino ang mahal mo

Paano nga kita maaabot
Ngayon ako'y nandito pero siya lagi ang hanap mo
Kung siya'y di mo nga malimot
Ako pa kaya sayo mahal ko?

Paano nga ba kita iiwasan,
Kung pag ngiti mo agad ang nabubungadan
Paano din kita iiwan
Kung lagi kang pumupunta saaking luhaan?

Ngayong wala siya
Ako'y tatabi sayo
Pero pag nandito na
Ako'y laging nalalayo

Daig pa ang asong laging naghahabol,
Ngunit di ka mahabol-habol

Mahal kita
Mahal mo siya
Mahal ka niya

Ngayon, sino na saamin ang iyong pipiliin?

List of my poetry Where stories live. Discover now