Chapter 64

171K 5.1K 1.8K
                                    

Mission




Nanatili ang pagkakapit ko kay Cairo. Sa klase nh pagkakahawak ko sa kanya ay parang ngayong araw na mangyayari ang lahat. Nagplaplano pa lang kami ngunit nauna na ang nararamdaman kong takot at kaba.

Nawala ang atensyon ko kay Cairo ng maramdaman ko ang pagsiko sa akin ni Sera. Nakangisi na siya at nakataas pa ang isang kilay na tila mo'y nangaasar.

"Akalain mo yun, dati magkalaro lang tayo..." namamanghang sabi niya sa akin. Ngumiti ako at napatango. Pero unti unting napawi ang aking ngiti sa sumunod niyang sinabi sa akin.

"Dati, utusan lang kita" pagpapatuloy niya. Alam ko na kaagad kung sino nanaman ang inaasar niya, hindi siya nabigo dahil kaagad na nagreact si Cairo sa kanyang sinabi.

"Dati iyon, hindi mo na mauutusan si Tathi ngayon" seryosong sabi ni Cairo sa kanya kaya naman mas lalong humaba ang nguso ni Sera.

Bilang pagpapatuloy sa pangaasar dito ay muli niyang ikinawit ang kamay niya sa aking braso. "Hoy, mas nauna akong naging kaibigan ni Tathi noh" laban niya dito.

Ang isang ito ay mukhang wala talagang balak na magpatalo kaya naman nakita ko ang marahang paghilig ni Doc Kenzo sa asawa. Bumaba ang tingin ko sa kamay nitong humaplos sa tiyan ni Sera.

May ibinulong ito sa kanya dahilan kung bakit nakita ko kung paano pumula ang kanyang pisngi. Nang makabawi ay matamis itong ngumiti at bumulong din sa asawa.

"Gusto ko din sanang sumama..."malungkot na sabi ni Castellana dahilan kung bakit napunta sa kanya ang atensyon namin.

Kumunot ang noo ni Tadeo habang nakatingin dito. Itinaas ni Castel ang kamay niya na tila mo'y nakikpaglaban sa hangin.

"You're pregnant" madiing paalala ni Tadeo sa kanya at marahang ibinaba ang nga kamay nito. Napanguso si Castel at nanahimik na lang, muli niyang itinuon ang atensyon sa napagkasunduang plano.

"Sayang, miss ko ng makipaglaban" nakangusong sabi nito.

Si Tadeo naman ngayon ang humilig sa kanya. Napanguso ako, nakakainggit ah!

"Sa akin ka makipaglaban mamaya..." nakangising sabi ni Tadeo, ang mga sumunod pa niyang sinabi ay hindi ko na nakuha dahil ibinulong na lang niya iyon kay Castel.

Wala namang pakialam si Piero na panay ang kain. Sa kanyang tabi ay ang tahimik lang na si Amaryllis. "Kain ng kain" suway nito sa asawa ay muling naglagay ng pagkain sa plato nito.

Nakanguso kong nilingon si Cairo ngunit nagulat ako ng makita kong nakataas ang isang sulok ng kanyang labi habang nakatingin sa akin. Mukhang kanina pa niya ako pinapanuod.

"Bakit ang haba ng nguso mo?" Nakangising tanong niya sa akin.  Bumaba ang isang kamay ko sa ibabaw ng kanyang hita, hindi ko naman iyon sinasadya ngunit nakita ko din kung paano bumaba ang tingin niya duon.

"Dito ako matutulog mamaya" sabi ko na ikinagulat niya.

"Hindi pwede" matigas na sabi niya at nagiwas ng tingin. Mas lalo akong nainis, ang mga kapatid niya sweet at may pabulong bulong pa. Pero siya ay ganito!?

"Bakit naman? Makikitulog lang naman" laban ko. Nanatili ang pagiiwas niya ng tingin sa akin. Wala akong nagawa kundi ang panuorin na lang siyang sumimsim sa kanyang baso.

"Baby, wag matigas ang ulo" suway niya sa akin kaya naman mas lalong bumagsak ang aking magkabilang balikat.

Hindi ko na tuloy nasundan pa ang mga kwento ni Sera sa akin. Wala sa sarili na lamang akong napapatango. Paminsan minsan ay bumababa ang tingin ko sa braso ni Cairo na nakapulupot sa aking bewang. Seryoso siyang nakikipagusap kina Tadeo at Piero.

The Ruthless CEO (Savage Beast #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon