Chapter 2
Luis Villanueva's POV
Matagal-tagal narin nang huli akong nag mahal. Simula nang masaktan ako noong ma-coma si Raine.
Si Raine Esguerra girlfriend ko, na hanggang ngayon ay hindi pa nagigising. At simula noong pangyayaring yon nagbago na ang pananaw ko sa buhay ko.
Ang pamilya ni Raine ang business partners ng pamilya namin. Magkababata kami ni Raine kaya alam ko ang ugali niya.
Maganda si Raine, matalino, down to earth at sobrang mapagmahal. Napaka swerte ko dahil minahal niya ako at ganoon din ako sa kanya. Sobrang mapili pagdating sa mga lalaki si Raine pero nagtagumpay akong mahuli ang kiliti ni Raine.
Napagkasunduan sana naming magpakasal pagkatapos naming gumraduate. Nasa tamang gulang na kami sa panahong iyon. Maninirahan kami sa Canada ng magkasama pero nangyari ang hindi inaasahan.
~FLASHBACK~
"Raine! Wag mo nang gawin to Raine! Mag papaliwanag ako babe.." Pagsusumamo ko kay Raine na huwag tumalon mula sa rooftop.
Naandito kami sa Company Building ng family namin sa Batangas. Nagaway kami kagabi ni Raine dahil sa babaeng kasama ko kagabi sa bahay at hindi siya naniwalang walang namamagitan samin ng babaeng kasama ko.
Kanina nga ay nagtext siya sa akin ng napakahabang message na nagpapaalam na hindi ko maintindihan. At nagreport sa akin ang isang guard sa building na may nagbukas ng pinto sa rooftop.
Kinabahan ako dahil nauunawaan ko na ang magyayari. Si Raine iyon. May balak siyang tumalon doon.
Mahigit 50 feet ang taas ng building kaya hindi malayong mamatay ang sinumang tumalon mula roon.
"No Luis! Bitawan mo na ako! Alam mo naman na mahal na mahal kita! Pero bakit? Bakit Luis bakit?" Pagpilit niya sa akin na bitawan ko siya.
"No Raine, wala talagang meron sa amin ni Bea alam mo naman na ikaw ang mahal ko. Kaya nga ako nandito para ipaliwanag ang lahat. She's our client inaantay lang namin si daddy. So please! Please! Stop this non-sense things. Don't do it Raine." Pagpapaliwanag ko sakaniya.
Nagpumiglas siya at nahulog mula rito hanggang pababa.
"Arghhhhhh! Luis!!" Sigaw niya nang mahulog sa building.
"Raine! No!" Bigla kong sigaw nang makita ko ang nangyari sa kaniya.
Kitang-kita ko ang nakalupasay na katawan ni Raine mula rito sa taas.
Alam kong kasalanan ko ang lahat. Buti na nalamang ay inutusan ko na kanina pa si manong guard para tumawag ng ambulansiya para sure kung may masasaktan ay masusugod kaagad sa ospital.
Dali-dali akong bumaba ng hagdan para makapunta sa ground floor at mapuntahan si Raine at para sumama kay Raine sa ospital.
Agad kong tinawagan si tita Cara para ibalita ang masamang balita.
"How dare you to hurt my daughter's feelings?! Now tingnan mo siya Luis! Tingnan mo si Raine! Dahil sayo kaya ito nangyari!"
Pasigaw at pagalit na salubong ni tita Cara sa akin.
Alam kong ako ang maykasalanan nito. Kung hindi ko ipinaliwanag ng maayos ang lahat hindi sana mangyayari kay Raine ito.
"Sorry po tita... Sorry po..." Paulit ulit na paghingi ko ng tawad sa mommy at daddy ni Raine.
"UMALIS KA SA HARAPAN KO LUIS!.. ALIS!.. AYOKO NANG MAKITA ANG PAGMUMUKA MO!... ALIS!" Sigaw sa akin ng daddy ni Raine.
Wala na akong nagawa kundi ang umalis na lang. Gusto ko pa sanang mag sorry mismo kay Raine. Kahit hindi niya ako maririnig at least alam ko sa sarili kong nakapag sorry ako sa kaniya.
.............................................................
"Mom...Dad..." Bati ko sa mga magulang ko na narito sa isang burol ng kasamahan sa trabaho ni Daddy.
"Oh ijo mabuti't nasundan mo kami ng daddy mo rito kina mr. Prieto" Agad na sabi ni mommy pagka beso ko sa kanila.
Hindi ko kilala ang ipinunta nila rito ngunit narito ako para sabayan na sina mommy pauwi ng Batangas. Malalim na kasi ang gabi kaya't sinabihan ko silang umuwi na kami dahil may pasok pa ako bukas.
Napansin ko ang isang magandang babae sa terrace kung saan ako dumaan kanina. Napansin ko ring malungkot siya.
Hindi muna ako kumibo sa kanya dahil alam kong kakakita ko pa lamang sa kaniya ngunit kakaiba ang pakiramdam ko sa kaniya.
"Hi?..." Bati ko sa babaeng tila naglalaro ang edad sa 16-18.
"He-hello po?.. Bakit po?" Tanong nya nang mag hi ako sa kaniya.
"Ahh..e.. Kaano-ano mo yung nakaburol?" Tanong ko sa magandang dilag na nasa harapan ko.
Oo maganda siya. Tila isang perpektong babae ang nasa harapan kong ito. Mukhang kagagaling niya lamang mula sa pagiyak nang pumasok ako kani-kanina lamang.
"Sir Luis. Anak ko ho siya." Sabat ni aling Mina na nakilala ko kanina sa loob na kausap ng mommy and daddy ko.
"Zeah si sir Luis, anak nina ma'am Emily at sir Jhames." Pagpapakilala ni aling Mina ng napakagandang si Zeah.
"H-hi sir." Nahihiyang bati sa akin ni Zeah.
"No Zeah, Zeah right? Wag mo na akong tawaging sir HAHA di ako sanay." Pagpapaliwanag ko kay Zeah.
Tumango lamang si Zeah sa sinabi ko at umupong muli sa kinauupuan niya kanina.
Pagkatapos naming magusap kani-kanina ay nag aya na si mommy na umuwi dahil nga may pasok ako bukas. Gusto ko pa sanang magstay dahil hindi ko na naitanong ang pangalan sa Facebook ni Zeah pero nagpaalam at umuwi narin kami dahil pumayag narin si daddy.
Paguwi ko'y agad kong binuksan ang aking laptop at pumunta sa Facebook para hanapin ang fb ni Zeah.
Maraming lumabas na Zeah ngunit hindi ko nakita ang magandang mukha sa kanila ng Zeah-ng nakilala ko kanina. Bigla kong naalala ang apelyido ni mr. Prieto kaya't agad kong sinerch ang pangalang Zeah Prieto.
Hindi ako nabigo at nakita ko nga si Zeah. Dali-dali kong inadd siya at naghintay kung kailan niya ako ia-accept ngunit 3:30 am na't malabong gising pa siya.
Natulog akong masama ang loob dahil hindi niya ako na accept sa gabing ito.
~END OF CHAPTER II~
Please Don't Forget To Vote!
YOU ARE READING
Six Years Gap Between Us
RomanceHello po! This is my first ever story on watty! Sana po magustuhan niyo! Kung may pagkakamali po ako pede niyo po ako sabihan sana po wag niyo ko ibash HAHAHA. Follow me in FB: Aerin Reyes