Chapter III: Tunay Na Ugali

17 3 1
                                    

Chapter 3

Zeah Prieto's POV

Bumalik na ako sa pagkakaupo ko kanina dahil umuwi na sina sir Luis.
Nahihiya ako kay sir dahil tila maarte ang pagkakakilala niya sa akin. Sayang at hindi sila nagtagal dahil may pasok pa daw bukas si sir Luis.

Nakakabighani ang kaguwapuhan ni sir Luis pati na ang bango niyang tila naligo sa pabango. Mukha namang mabait siya at sigurado namang mayaman dahil anak siya ng may-ari ng pinag tatrabahuhan ni papa.

Nangmuli kong naalala si papa ay tila nanlupaypay na naman ako. Pasado alas 4 na kaya't napag desisyunan ko nang pumasok sa kuwarto ko para magpahinga saglit at ipanalangin ang nangyaring ito ngayong araw.

          ~KINABUKASAN~         

Gumising akong magang-maga ang mata dahil magdamag akong umiyak dahil sa nangyari kay papa.

Agad kong chineck ang social media account ko. Kumusta kaya ang internet world?

Pag tingin ko sa notification ay maraming nag abot ng pakikiramay at nag condolence sa pamilya namin.

Nakakuha naman ng pansin ang isang notification na may nag add sa akin.

Si sir Luis. Si sir Luis ang nag add sakin. Agad akong nagtaka kung paano niya nalaman ang pangalan ko sa fb.

Hindi ko muna in-accept si sir Luis. Ini-stalk ko muna ang account niya at nakita kong may girlfriend na siya.

Nanghinayang ako dahil siya ang tipo ko sa lalaki. Nakita ko rin na marunong siyang tumugtog ng gitara na nakakapagpalambot ng puso ko.

"Zeah..." Tawag sakin ni Angela.

Maagang pumunta si Angela dahil gusto niyang sulitin ang pagkakataong nandito pa siya sa Pilipinas.

" Ohh? Wait lang Gela.. May panis nalaway pako kagigising ko lang." Agad na sagot ko kay Angela.

Pinapasok ko muna si Angela sa kwarto ko. Lagi kami ritong natambay. Madalas ay dito pa siya natutulog dahil naalis para sa business trip ang parehong magulang niya. Dito iniiwan si Angela pag naalis mom at dad niya

"Linis lang ako katawan sa cr ha?" Pagpapaalam ko kay Angela.

Tumango siya bilang tanda ng pagpayag sa akin.

Paglabas ko ng aking kuwarto ay maraming tao akong nakita kahit mag aalas-10 palamang.

Binati ko ang mga tita kong nagluluto para sa mga maglalamay mamaya.

Nang makarating ako sa cr ay agad akong naghilamos at nagtoothbrush ng aking ngipin.

"Zeah? Anak pakibilisan mo nga anak at ako ay iihi." Pagpapamadali sa akin ni mama

Sinigaw ko nalamang ang salitang opo tanda na sumangayon ako.

Paglabas ko ay tumambad sa akin ang mga mata ni mama na tila binugbog sa sobrang maga.

Hindi na ako mamagtataka kung ganoon ang mga mata ni mama dahil wala pa siyang tulog simula kagabi. Balita ko'y walang patid ang pagiyak ni mama sa kandungan ni lola kagabi.

Naaawa ako kay mama at sa pamilya namin. Para bang ginulat ang mga puso namin dahil kay papa.

(7:00 pm)

Tumutulong kami ni Gela kina tita para ipamahagi ang lugaw na niluto ng mga nila kanina.

Nang mapansin namin ni Gela na muling dumalaw ang pamilya nina sir Luis.

Umupo sila sa labas kasama ang iba pang mga kasamahan nila sa trabahong naghihintay sa kanila kanina pa.

"Lugaw po." Sabi ko sabay abot ng lugaw sa kanila.

Has llegado al final de las partes publicadas.

⏰ Última actualización: Dec 21, 2020 ⏰

¡Añade esta historia a tu biblioteca para recibir notificaciones sobre nuevas partes!

Six Years Gap Between UsDonde viven las historias. Descúbrelo ahora