Unexpected feelings
Yumi Pov
Kasalukuyan kaming naglalakad ni Mia ng biglang tumunog ang tyan ko at napahawak
"Ano yun? umutot ka ba?" di natuloy ang pagtawa niya dahil sa binatukan niya
oa naman neto
"Oa ka, tummy ko yon"
2 days na simula yong nangyari sa faculty room, at 2 days na din kaming naghahanap ng ebidensya para mapatunayan naming grooming ang ginagawa ni Sir dahil ayaw niya kaming tanggapin sa klase niya
"Nagugutom na ako" harap ko sa kanya
"Wag mong sabihing di ka kumain sa bahay nyo?" nakataas ang kilay nito
"Kumain.... Pero konti lang, wala kase akong gana parang feeling ko kanina isusuka ko lang"
"Ohh?, Sabihin mo nga sakin, may nangyayari ba?" biglang sumeryoso ang mukha niya
Ang creepy talaga niya pagnagseseryoso
"Wala. Andami mong tanong tara na nga dun sa canteen at gutom lang talaga ako" hila ko sa kanya
Nagugilty ako sa nangyari dahil pati siya ay nadamay. Dapat pala magisa na lang akong pumunta, hindi ko naman ini-expect na magagawa niyang sagutin si sir ng ganon, siguro nga dahil sakin—
"Sige na nga, libre ko" sabe niya, sabay sinundot niya ang tagiliran ko
"Yon naman pala e, lezzgooo!" hatak ko sa kanya
"Oh? maiwan muna kita dyan, bibili muna ko ng malalamon mo" paalam nya
"Oum damihan mo ah gutom na talaga ako, thanks dont forget to make the chicken into spicy ha!" pahabol ko pa
may narinig akong nagbubulungan na teachers sa kabilang table ng makahanap kami ng upuan
"Dela Fuente at Geum daw ang apelyido na sumasagot sagot sa kanya, iba na talaga ngayon ang pagu-ugali ng mga estudyante ngayon, hindi naman ganyan ang mga yan dati" - Teacher 1
"Hindi lang yan, gumagawa pa daw ng kwento ang dalawa, dahil diyan gusto silang ibagsak ni Aguilar" - Teacher 2
may biglang dumating na lalaki, nakikilala ko siya (parang familiar siya)
OMG! SIYA YONNN!!!
Anong ginagawa niya dito
"Baka naman hindi totoo yan, kase sa pagkakaalam ko ay mababait ang mga batang binanggit niyo ma'am"
parang may kung anong tumalbog sa dibdib ko ng marinig ang sinabi niyang iyon, pero at the same time natanggalan ako ng tinik sa lalamunan ng marinig ko iyon
"Oh ikaw pala hehe, you know what join ka na dito" pagaaaya nong unang teacher na sinamahan pa ng pang-aakit, eww
Teacher din kaya siya dito?
"Huy tulala ka, eto na yong food natin kanina pa kita tinatawag"
"H-huh? hindi ko narinig, by the way nakikita mo ba yong lalaki don sa kabilang table?" tinuro ko sila
kumunot ang noo niya
"Bakit? alam ko kakalipat niya lang dito galing sa AST, bakit may ginawa ba siya sayo?" tanong niya na nakakunot parin ang noo habang nagpe-prepare
"Uhm.. wala naman, actually ako ang may kasalanan sa kanya" nahihiyang amin ko
"Ahh yong nabunggo mo ba yon" kumuha siya ng fries at isinubo sakin
YOU ARE READING
Tired To Understand
RomanceIts easy to understand the other feelings but what can i get from them? 💭 How comes that i can understand them but i can't understand myself? How this cruel world make one of them...