CLASSROOM
Yumi Pov
"Grabe bat ngayon ka lang, antagal mo!" bungad niya sakin ng makaupo ako
"Wala.", sabi ko lang
"Wala daw pero yong mukha niya, sabihin mo na kung may gusto kang ikwento" sabe niya sabay tingin sa kisame
nantutukso ba siya? kanino?
Inirapan ko lang siya at kinuha yung mga libro ko na dinala ko kanina
"Wala talaga?" antay niya sa sasabihin ko na parang naiinip na
"Wala naman akong ikwekwent—
napahawak nalang ako sa batok ko
"Aray ahh, ano ba yon! naaaning ka na ba" inis na sabe ko sa kanya
"Ano yong pagkausap-kausap mo don sa lalaki kanina? ano gusto ka bang ligawan non. Sabihin mo nga!"
Baliw ba siya?
Oa magreact
"Maang-maangan, ganon? akala mo naman aagawin wag kang mag-alala. So sino nga yon?", nacucurious na siya
"Okay ka lang ba?, eh sa wala nga akong napansing gwapo kanina—", napahinto ako, "Pero.... Hindi naman yun gwapo—So sino ba?"
"Edi yong nakausap mo nalang, ano pinagusapan niyo" seryoso namandiyang nakatingin sa akin
"Ginawa non sayo?, nanghiram lang siya ng libro kilala mo ba yon" harap ko sa kanya
"H-hindi, pero malay mo baka a-ano.."
"Ako tigilan mo ako sa ganyan mo Almia, baka may makarinig pa sayo tapos kung anong isipin" saway ko sa kanya"
"As if naman magiging close kayo"
"Ikaw napaka kontrabida mo talaga sa buhay ko, atsaka sana maaga niyang ibigay yong libro ko"
"Ano! libro? nanghiram siya sayo?", hindi siya makapaniwala sa sinabi ko
"Oo. Hiniram niya"
"Bakit mo pinahiram? teka nga, may gusto ka ba don?"". napapataas pa ang kilay nito
"Ang malisya mong tao, nakikita ko kase mahilig siya sa libro kaya pinahiram ko na"
tinignan niya muna ako ng nagdududang tingin
hindi ata naniniwala sa sagot ko ang gaga
"First time na nagpahiram ah mahawakan ko pa nga lang libro mo sumasabog ka na sa galit", natatawa pa niyang sabe
Imbento toh
Umayos naman ako ng upo,"Akala mo lang yon." sagot ko lang at di ko na siya pinansin
Tinaasan niya lang ako ng kilay, hindi ba nangangawit ang kilay niya kakataas? Nevermind.
"Wag mo nga akong tinataas-taasan ng kilay mo, atsaka tigilan mo ako sa panunukso mo", buntong hininga ko
Hindi pa rin siya tumitigil sa tingin niya
"Baliw ka na. Nga pala si Alexa nagkita kami kanina"
"What the! nakabalik na sila?" gulat na sabe niya
Napalakas ang pagkakasabe niya kaya napatingin ang mga kaklase namin
YOU ARE READING
Tired To Understand
RomanceIts easy to understand the other feelings but what can i get from them? 💭 How comes that i can understand them but i can't understand myself? How this cruel world make one of them...