Chapter 4

4 1 0
                                    

Napasinghap ako ng ilang beses nang mag paulit-ulit sa aking isipan ang mensaheng nakasulat sa maliit na papel.

Nang dahil sa kanyang mensahe at sa kwentas ay muling pumasok sa aking isipan ang memoryang ilang taon ko na ding pilit kinakalimutan.

Napahawak ako sa maliit na pendant nito kasabay ng pag landas ng aking mga luha at pag guhit ng sakit sa aking mukha.

Walong taon na ang nakakalipas at sampung taon lang ako non pero sariwa parin hanggang ngayon ang sakit. Hanggang ngayon sinisisi ko parin ang aking sarili kung bakit yun nangyari.

Bata pa lamang ako nang madiskubre ko ang hilig ko sa pag awit. Gustong-gusto kong sinasabayan ang bawat tono ng awitin.

Noon, gustong-gusto ni dad na kumakanta ako pero simula nung nawala si mama, ayaw na ayaw na nyang naririnig o nababalitaan manlang na sumasali ako sa mga patimpalak sa pag awit. Na para bang isang malaking kasalanan ang makarinig ng musika.

Walong taon na ang nakakalipas...

Narito ako ngayon sa stage kung saan nakatuon saakin ang atensyon ng lahat ng tao. First time kong sumali ng palahok sa labas dahil ngayon lamang pumayag sina mama't papa dito.

Kinakabahan ako ngunit nakikita ko sa harapan ko sina mama't papa na masayang hinihintay na simulan ko ang pag kanta. Sila ang nag pupursige saakin para mas igihan ko pa ang pag awit. Sila ang nagtuturo saakin ng tamang pag taas at pagbaba ng boses.

Hawak ko ang mikropono habang pilit ini-aalis sa sarili ang kabang nararamdaman. Biglang tumunog ang intro ng kanta hudyat na kailangan ko nang magsimula.

"I can't stand to fly. I'm not that naive

I'm just down to find the better part of me

I'm more than a bird, i'm more than a plane,

I'm more than some pretty face beside a train

And it's not easy to be me..."

Pinasadahan ko ng tingin ang alon ng mga tao na nakikinig ngayon sa aking musika. Nakita ko ang aking mga magulang na nakangiting sumasabay saaking awitin. Kaya napangiti narin ako. Unti-unting nalulusaw ang aking kaba kaya mas dinama ko pa ang musika.

Kasabay ng palakpakan ay ang matinding sigawan. Ngunit, hindi dahil sa aking pag awit, kundi dahil sa isang putok ng baril na nagpamulat saakin sa reyalidad. Pag tingin ko kay dad ay nakaluhod ito at yakap-yakap si mama sa kanyang bisig. Agad nag silapitan ang mga organizers ng patimpalak at hinila ako pababa. Sa aking pag lapit sa aking mga magulang, dun ko lamang narealize ang nangyari.

Ang aking ina... Unti-unting nawawalan ng buhay habang pilit namang isinasalba ng aking ama. Agad nagsi-unahang lumandas ang aking mga luha kasabay ng pagtakbo ko sa aking ina.

"No, mommy don't leave me, please?" Garalgal na tonong ani ko habang panay ang haplos ko sakanyang mukha. Nanghihina man ay nagawa nya paring haplusin ang aking buhok at gamit ang kanyang huling lakas ay hinila nya ako palapit sakanya at niyakap.

At yun marahil ang huling yakap at haplos na naramdaman ko mula sa kanya.

"Wala akong paki-alam! Magbabayad ako ng milyon! Iharap nyo lang saakin ang may gawa nun sa asawa ko!" Nangangalaiting sigaw ni papa sa kausap.

"Sir walang bakas ng engkwentro ang iniwan ng suspect kaya pasensya na pero wala talaga kaming maihaharap sa ngayon" nakayukong ani ng isang pulis na nag iimbestiga sa kaso.

Ilang araw matapos mailibing ang aking ina ay awtomatikong nag iba ang pakikitungo saakin ni papa.

"She's always on my mind...

From the time I wake up,

'till I close my eyes.

She's everywhere I go..." pag awit ko habang unti-unti nanamang nagsisibagsakan ang luha sa aking mga mata. Agad akong hinila patayo ni papa at sinigawan.

"Wala kang karapatang umawit lang dyan na para bang walang nangyari! Nang dahil sa kagustuhan mong sumali sa walang kwenta na yan tingnan mo kung ano ang kinahantungan! Tigilan mo ang pag iyak iyak mo dyan dahil ikaw ang may kasalanan kung bakit nangyari yun sa mama mo!" Sigaw nya saakin na nagdulot ng labis- labis na kaba sa akin.

Kasalanan ko... Paulit-ulit na pumapasok sa isip na para bang ipinamumukha pa ito.

"Simula ngayon, ayaw na kitang marinig na umawit o sumali manlang sa mga walang kwentang palahok na yan! Naiintindihan mo?!" Nang gigigil na saad nya at tsaka ako binitawan. Napaluhod na lamang ako sa sahig habang pilit ipinapatahan ang sarili.

Simula nung araw na yun, namatay na rin ang ilaw na nagsisilbing gabay ko sa pagkanta. Para bang ako ay isang gitarang nawalan ng pisi. Hindi na nasa tama ang ritmo at tono. Na para akong naputulan ng dila ngunit wala akong karapatang mag reklamo dahil...

Kasalanan ko.

Meet Me at Different DimensionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon