Prologue

18 5 0
                                    

They say that autumn is where the beautiful golden leaves fall down. It is the time where you can feel the cool breeze and it is the best time to drink your hot chocolate while reading a book. It is the sign where winter is about to come. Autumn is very majestic lalo na sa ibang country where they can experience it. It is a dream for everyone to see the season of autumn. But for me, it is a dream that Autumn will fall inlove with me.

"I'll come back at 10. Don't forget to lock the doors after I leave the house and please don't go out. Your father will be mad at you if you will." sabi saakin ng stepmom ko. She's a Canadian at hindi siya marunong magtagalog kaya nahihirapan akong kausapin siya.

"But it is now autumn and-" hindi ko naipagpatuloy ang sasabihin ko nang sumagot kaagad siya saakin. "No! I'll call your dad if I found out that you went outside this house, okay?" Pagkatapos, umalis na siya at pumunta sa trabaho niya.

Home alone na naman ako dito. Si papa nagtatrabaho sa barko, next month pa siya uuwi. Wala naman akong kapatid na makakasama dito sa Canada. Gusto ko lang naman ng kausap.

Naglaro lang ako ng ps4 at kumain ng cereal. Dahil gustong gusto ko na talaga lumabas para makita yung mga dahon na nalalaglag mula sa mga puno, napag-isipan kong dalhin si Maxi, yung aso ko, sa park. Hindi naman ako mapapagalitan nung stepmom ko kung malaman niya dahil sasabihin ko nalang na kasama ko yung aso ko. Hindi naman niya yon matitiis.

Sa park kung saan maraming puno yung pinuntahan namin dahil gustong-gusto ko talaga makita yung falling golden leaves. Pumunta kami sa part kung saan may mga sand para makapaglaro na din si Maxi. Naglakad-lakad din kaming dalawa sa gilid ng park para magpahangin. Pagkatapos non, umupo nalang ako sa isa sa mga bench dahil napagod din ako sa kakalakad.

Mas feel ko yung katahimikan dito sa park kaysa sa bahay. Naririndi lang ako doon. Palagi akong pinagagalitan ng stepmom ko kahit wala naman akong ginagawa. Palaging sinasabi na isusumbong niya daw ako kay papa. Pwede bang dito nalang ako? Minsan iniisip ko na lumayas nalang kaso wala naman akong pupuntahan at wala akong alam na lugar dito sa Canada. Gusto ko na umuwi ng Pilipinas.

Mahigit 30 minutes na ata akong nakaupo dito at pinagmamasdan ang mga taong dumadaan sa park hanggang sa may narinig akong isang pamilyang nagtatagalog. Gusto ko sana sila lapitan at sabihing isama na nila ako kung uuwi sila pero hindi pwede. Nahihiya din ako. Hay, ano ba tong mga pinag-iisip ko?

"Anak, dito ka muna ah. May pupuntahan lang kami.  Nasa iyo naman ang cellphone mo at may load yan para matawagan mo kami kapag may mangyari man.  Intayin mo nalang dito ate mo ah" sabi nung lalaki na tatay ata nung babaeng iniwan.

"Ok po, pa." Matinis ang boses ng babae na parang kasing-edad ko lang.

"Nak, aalis na kami. Babalik kami kaagad." Sabi naman nung nanay nung babae.

Gusto ko lapitan yung babae dahil parang iiyak na siya noong sumakay na sa sasakyan yung magulang niya at umalis. Kinukusot niya yung mata niya at pinupunasan niya yung luha niya gamit ang kamay.

Ilang minuto na ang nakalipas, hindi pa din siya natigil sa pag-iyak. Bakit kaya? Bigla siyang tumingin saakin at napansin niya atang kanina pa ako nakatitig sakanya. Umiwas ako ng tingin nang tingnan niya ako.

Pagkatapos non, hindi na ako nagdalawang-isip pa na puntahan siya sa inuupuan niyang bench. Naawa ako sa kanya at para na rin may kasama siya dito kung natatakot siyang mag-isa.

Nang makalapit na ako sa may inuupuan niya, nakatingin lang siya sa baba at sinuot niya ang hood ng jacket niya. "Ito oh, panyo." I said. Dahan-dahan siyang tumingin saakin at kinuha yung panyo ko para ipunas sa mata niya. Umupo ako sa tabi niya at tinitigan lang siya.

The Paradox of AutumnWhere stories live. Discover now