Chapter 1

9 3 0
                                    

Autumn's POV

It's the first day of school of our sophomore years. Lumipat ako ng school dahil lumipat din kami ng bahay dito sa Cavite. I'm both nervous and excited with what will happen later on. Nandito palang kasi kami sa sasakyan dahil traffic and kasama ko yung ate ko.

"Tumn, lumabas ka na dyan. Alam mo na ba kung saan ka pupunta?" Sabi ng ate ko. Her name's Winter and she's a grade 10 student. Madaming nagkakagusto sa kanya sa dati naming school dahil maganda siya at matalino din at the same time. She's also a varsity in the swim team last year.

"Hindi ko alam." Sabi ko. Nakakapanibago 'tong school na 'to. Mas malaki siya kaysa doon sa school namin nung grade 7 ako. Ang dami ding estudyante at sure akong madaming matalino dito.

"Ihahatid na kita. Doon ata kayo sa may gym maghihintay. Magtanong nalang tayo." Sabi niya. Nagpaalam na kami kay papa at dumeretso na sa loob ng school. Hindi pa ako nakauniform dahil pwede pa daw ang civillian kung transferee ka pero ang mga uniform ng mga old students ay kulay dark blue yung palda na abot hanggang tuhod at white na polo.

"Ayun na yung sa grade 8 oh. Pumila ka lang doon." Sabi ni ate.

"Kinakabahan ako." I said.

"'Wag kang kabahan. Madami ka ding magiging friends dyan." Sabi niya. "Kaya mo yan! Aja! Fighting!" Pagkatapos non, umalis na siya at pumunta na sa pila ng mga grade 10.

Nasa pinalikod ako nakatayo sa pila at nang makita ng dalawang babae sa harap ko na mag-isa ako at transferee ako, inapproach nila ako. "Hi! Transferee ka?" Sabi nung isang babae na mahaba ang buhok at maputi.

"Hi! Yes, transferee ako." I said.

"Wow! Nakakaexcite! May bago tayong girl na classmate!" sabi ulit nung babaeng kumausap saakin kanina. "I'm Reine. Rain, rain, go away!" then she giggled. Mukhang ang hyper nitong si Reine pero feel ko din na masaya siyang kasama.

"Hi Reine! I'm Autumn." I said while smiling.

"Autumn as in fall?" Tanong ni Reine.

"Yes!" I said.

"Okay then, Fall nalang itatawag ko sa'yo" then she laughed. Fall is a cute nickname by a cute girl from my school.

"Ay wait. Ito naman si Zea. Kaibigan ko." Reine said habang tinatawag niya si Zea na nagcecellphone lang sa gilid.

"Hi Autumn! Ako nga pala si Zea. Heather Zea. Pwede mo kong tawagin sa kung anong gusto mo itawag saakin" she also smiled. She has that e-girl type that I like. She has a short brown hair and a dark eyes. I'm so happy na may nagapproach saakin ngayon and I hope na sila na ang maging friends ko sa school na 'to.

Nagorientation lang tungkol sa rules ng school and after non, pumunta na kami sa mga classroom namin. Magkakaklase kaming tatlo nina Reine at Zea. Pagdating namin sa room, magkakatabi din kami sa upuan. I want to have friends kaya kumakausap ako ng ibang mga classmates ko na malapit lang sa upuan ko.

"Hi! Old student ka dito?" Tanong ko sa umupo sa katabi kong upuan sa kanan. "No. I'm a transferee din po." she said.

"Ako din transferee dito. By the way, I'm Autumn. Anong pangalan mo?" Tanong ko sa kanya. She seemed very shy kaya I want to talk to her more so that magkaroon din siya ng mga friends. "I'm Athena." She said.

"Hi Athena! Ang ganda ng name mo." Sabi ko.

"Mahilig ka sa Kpop?" Tanong ni Athena saakin.

"Yes! Why? Mahilig ka din sa Kpop?" Tanong ko sa kanya while smiling. I was so suprised nung tinanong niya ako tungkol sa Kpop dahil mahilig din ako doon.

"Not really. Nanonood lang ako." She said. I was going to talk to her but there are some boys that entered the classroom that have all of the other girls shocked. Nakatingin silang lahat doon sa tatlong pumasok na lalaki. Are they famous or something?

"Sino yung mga yon?" Tanong ko kay Reine.

"They're the famous ones in our school. Hindi naman super famous pero sakto lang, alam mo yon? Hindi ko maexplain eh pero madaming nagkakagusto sa kanila." She explained. "Si Noah, top 1 namin dati nung grade 7. He's obviously so intelligent. Hindi ko nga alam kung bakit napasama siya sa mga lalaking yan eh. Brent is the varsity of their gang. Basketball player, madami na ding naging jowa. Ayon naman si Lucas, he's... cute" Reine said. Natatawa ako sa kanya nung sinabi niyang cute daw si Lucas. Nafefeel ko na kaagad na may something sila.

"Cute ka dyan. Sabihin mo lang na jowa mo na si Lucas." Sabi naman ni Zea habang inaayos yung bangs niya.

"Hindi pa. Soon to be palang" sabi naman ni Reine.

Nakita kong hindi nakikisama saamin si Athena, maybe because she's shy at hindi pa niya nakakausap sina Zea at Reine. "Athena, si Zea at Reine nga pala. Old students sila dito. Zea at Reine si Athena naman transferee din." I said.

"Hello Athena! You're eyes are so beautiful." Zea said.

"Sabay-sabay na tayong kumain mamayang recess para makapagchikahan din tayo" sabi naman ni Reine.

Natapos na ang unang part ng homeroom orientation. Nagpakilala lang kami isa isa and may mga palaro to get to know each other daw. As Reine said, sabay-sabay kami kumain nung recess. Hindi ko pa alam kung saan ang canteen kaya tinuro nilang dalawa saamin ni Athena.

Napansin kong napunta sa likod naming tatlo si Athena which made me feel sad kaya pinuntahan ko siya. I don't even know kung naa-out of place ba siya saaming tatlo.

Pagkatapos namin magrecess bumalik na kami sa classroom at pumunta si Reine sa upuan katabi ni Lucas. "Wait lang guys ah. Punta lang ako kay ano." Sabi ni Reine.

Zea rolled her eyes after Reine left us. "Hay nako. Ganyan talaga yang babaeng yan. Inuuna pa awoj niya kaysa saatin" she said.

"Matagal na ba silang magjowa?" I asked.

"No. Nilalandi ni Lucas yang si Reine nung summer, i guess. Hindi naman sinasabi saakin ni Reine kung sila na ba or wala lang silang label" Zea said then we went to our seats.

Lumapit si Brent saamin at mukhang kakausapin si Zea kaso nga lang hindi. Si Athena ang nilapitan niya. "Long time no see!" Sabi niya habang magha-high five kay Athena. Ngumiti lang si Athena at nakipaghigh five din kay Brent. Magkakilala pala sila?

Brent is like the real bad boy of their group by the way he talks and the way he walks. Hindi ko akalaing close pala sila ni Athena.

"Kita tayo mamaya ah. Sa may canteen." Sabi ni Brent sakanya sabay alis.

"Oh. Athena, do you know him?" Zea said.

"Magkaklase kami nung elem." Athena said.

Tiningnan ko si Brent at yung mga kasama niya. He's talking with Noah, Lucas and that one boy that seems familliar to me. Hindi ko alam kung saan ko siya nakita o kung nakita ko na ba siya.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 28, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Paradox of AutumnWhere stories live. Discover now