Chapter 1: THE SHOOT

1.9K 20 5
                                    

         “Sarah, you have to be here in an hour, need I remind you that this is the first time you’ll be doing a daring cover for a magazine? Ako ang kinakabahan sa’yong bata ka eh!” Sabi ni Kaye, ang kanyang P.A o Production Assistant, at kaibigan na rin. Si Kaye ang kasa-kasama niya lagi kahit noon pang baguhan pa lang siya bilang singer. Dati rati ay kasama rin nila ang magulang niya sa mga lakad o shoot nila ngunit nang magsimula siyang maging independent two years  ago  ay ang mga ito na rin ang nagsimulang humiwalay sa kanya. She guessed that they have realized that somehow, there will be a time she would be matured enough to handle herself in any situation.

“Ate, kaya kong pumunta dyan in an hour. Huwag kang mag-alala, okay? Kahit in ten minutes pa, malapit lang itong condo ko diyan sa set.” Pagbibiro niya bagamat totoo. Alam nila ni Kaye na kilala siya sa showbiz sa pagiging punctual, kung ma-late man siya sa shoot ay sinasabi agad nila sa production para hindi sila makaabala.

“Ay naku, Sarah ha, ayokong mapagalitan dito for the first time, ano bang nangyari kagabi at na-late ka ng gising? Nag-away ba kayo ni Gerry?” Tanong nito sa kanya. Ang tinutukoy nito ay si Gerry Anderson, her boyfriend for six months now.   Her very first boyfriend..well, iyon ang pagkakaalam ng nakararami. Technically, Gerry’s your first boyfriend, but Sarah, you know that’s not true.. Hello, how about your college sweetheart? Umiling si Sarah na parang mapapawi niyon ang alaala. Si Gerry na ang boyfriend niya ngayon. She loves her boyfriend. She knows that. Naging matiyaga ito sa panliligaw sa kanya sa loob ng isang taon, alam naman niya sa sarili niya na gusto na rin niya ito kaya di  na rin niya pinahirapan ang sarili at sinagot na niya ito. Alam niyang marami ang naiinggit sa kanya pagkat napaka gwapo ng boyfriend niya, at mabait pa. Masyadong inabangan ng lahat ang love story nila, after all, they are both celebrities. Pero minsan ay na-mimiss niya ang noon..iyong walang nakakaalam masyado ng personal na buhay niya. She have tried that once, and they are both happy. Very much happy. Napabuntong-hininga siya.

“Di ka na nakasagot diyan, nag-away ba kayo?” Tanong muli ni Kaye.

“Ano ka ba ate, hindi kaya. May pinanood lang ako sa TV kagabi, ‘di ko lang na-set ang alarm ng phone -ko kaya na-late ako ng gising. Sounds cliché, but true.” Hindi na dapat malaman ni Kaye na napuyat siya dahil kasama niya si Gerry kagabi para manood ng movie sa condo niya. Nang oras na para umuwi ito ay dun naman nagsimulang mam-flirt ito sa kanya. Ang tagal bago niya ito napauwi, marami siyang ginawang way para umiwas na mapunta sila sa isang bagay na hindi pa niya kayang ibigay. Nothing has happened between them yet, siya ang hindi pa handa sa ganun. Siguro nga ay conservative pa rin siyang maituturing..although they have tried kissing and cuddling..but that’s just it. Parati na lamang kasing pumapasok sa isip niya ang lalakeng.. Ugh, I don’t wanna think about you anymore please..please..

“O siya, dalian mo na ha, newcomer ang ipapartner sa’yo sa cover kaya be ready. Naku, sana di pagselosan ni Gerry ito dahil ang gwapo-gwapo niya, Sarah!” Animo kilig na kilig ito sa pagkekwento, siya naman ay nagulat.

“Ate, akala ko solo ko lang yung shoot? B-Bakit may kasama ako? Bakit di ko yata alam iyan?” Sunod-sunod na tanong niya.

“Sarah, alam mo’to! Ano ka ba, sinabi ni Boss Vic na may kasama ka sa shoot, don’t tell me you don’t remember that? Umu-o ka kaya.” Tukoy nito  sa manager nya.

“Talaga? O-Okay. Sige na nga. Bye na, ate. See you there.” Sabi na lamang niya at ibinaba na ang phone. Siguro nga ay totoo ang sinabi ni Kaye, maaring nag-agree sya kay Boss Vic nang di niya nalalaman. Siguro ng mga panahon na iyon ay iniisip na naman niya ang career niya o si Gerry, or si..

Ah, ayaw niya nang isipin pa. She just fixed herself then drove using her Lexus car on her way to the shoot. Nang makarating sa venue ng shoot ay bumeso siya sa director at kinamusta ang mga staff. Nang makita siya ni Kaye ay sumenyas ito na pumasok na siya sa dressing room niya at sumunod na lamang -siya dito. There she saw her make-up artist and stylist, ipinakita ng stylist niya ang isusuot niya para sa shoot na iyon.

“Oh my, you think I can do this? Or do you think my fans would be ready for this?” Reaksyon niya.  She checked her wardrobe for that shoot, three pairs of one-piece swimsuit..ayun lang! “Teka, ito lang bang mga ito ang isusuot ko? Hindi ko yata kaya..” Napangiwi siya.

“Sars, this is the time. You are already on your late twenties, come on! Saka sabi mo you wanna be mature regarding on your career right? Ito na yun, Sars! And of course, this would be perfect if we’d partner you to a hunk. Oh gosh, Sars, nakita mo na ba siya?” Sabi ni Kaye, halatang pinapalakas ang loob niya.

“I don’t care kung sino man siya, ‘di ko nga alam na may kasama pala ako dito.”

“Ang sungit mo ngayon, ha. Nasaan pa si Papa Riri at nang tumamis ang smile mo?”

“Riri?”

“Riri, Papa Gerry.” Halakhak nito.

“Ang corny mo!” Humalakhak na rin siya. “Basta, sana makayanan ko ‘to. At sana hindi dahil dito magtatapos ang career ko! Argh!”

“Just get dressed, bebe. Nandito kami to support you.” Kinindatan siya nito.

Napabuntong-hininga na lamang siya. Kaya ko’to.

After fifteen minutes lumabas na si Sarah at ang group niya, “Nasaan na yung partner ko?” bulong niya kay Kaye.

“Lalabas na rin daw from his dressing room. Get ready, Sars. Iinit dito sa shoot nyo. Ayiee!”

“Sira ka talaga, kinakabahan ako, do I need to undress myself na?”

“Undress ka dyan, ikaw ang sira! You’re wearing a swimsuit noh! OA ka ha.”

“Syempre joke lang.”

Tumigil na sila sa pagkekwentuhan then Sarah said hi to their photographer for that shoot, Marc Nicdao. Bumeso siya dito.

“I’m so excited for this shoot, Sarah. Finally, you have made the right decision for your career! Mabuti pumayag sina Mommy Divine at si Gerry?”

“This is for my own din, sir Marc. Ang tagal ko ding pa-tweetums di ba?”

“Right, pero you are gorgeous na noon pa man, you’re just gonna show it to them now. O, wait, ito na si Matteo.” Tumingin ito sa bandang likuran niya.

Matteo? No, hindi..

Thinking of youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon