"PicTo"

17 4 3
                                    


"PicTo"
(Dedicated to mahalima)

Athy's POV

"Hapey bortdy to youu~~
Hapey bortdy to you~~"

Napalingon ako sa aking likuran ng marinig ang pamilyar na cute na boses ,at napangiti naman ako dahil sa kacutan nya haha,ang aking 5 years old na kapatid ay masayang kumakanta habang hawak ang plato na may lamang isang tinapay,sweet.

"Hapey bortdy Ati Athy!!"bulol na bigkas nya at mukhang masayang masaya sya ah,pero mas masaya ako hehe.

Tsk Kahit kailan talaga tong si bunso apaka bulol alam ko namang sinasadya nya eh,binuhat ko sya at inupo sa aking hita, pagkatapos ay hinalikan ko sya sa pisngi.

"salamat baby"

Niyakap ko sya ng mahigpit pero di ko maiwasang malungkot,dapat masaya lang eh ang arte ko naman haha.

Tuluyan na ngang bumagsak ang aking luha na kanina ko pa pinipigilan.

Ang hirap, para akong nagpipigil ng utot.

"Ati bat ka umiiyak?"malungkot nyang tanong at hinawakan ako sa pisngi.
Titig na titig pa sya sa akin eh mukhang concern na concern ang baby ko.

"Wala toh Calie,tears of joy lang.Kainin na natin toh?"aya ko at pinunasan naman nya ang luha ko gamit ang maliit nyang palad.Apaka swerte ko talaga dito sa batang to,mabilis umintindi mas matalino pa din ata sakin.

Habang nakain si Calie ay napaisip ako at napatitig sa kabuuan ng bahay namin,pano ba kase magkakakulay tong madilim naming buhay?lagi nalang ba kaming magtitiis at maghihintay?

Isang taon na simula nung mamuhay kaming dalawa ng kapatid ko ng walang kasama at nag aaruga sa amin,16 palang ako ngayon pero ang bigat na ng responsibilidad na dala ko sa araw araw.

May Kuya kami ngunit hindi ko naman alam kung saan sya hahanapin,Umalis kase sya dito samin nung 12 years old ako para tuparin ang pangarap nya kaya simula nun nag promise ako sa sarili ko na magpupursigi akong mabuti sa pag aaral at trabaho para mahanap ko sya.

Hindi ko alam kung magagawa ko ba yun o hanggang pangako nalang,namimiss ko na din sya sobra sobra.

Naagaw ng atensyon ko ang pagtapik sakin ni Calie kaya natigil ako sa pag iisip.

"Oh why?"tanong ko pero nginuya nya muna yung tinapay na nasa bibig nya bago magsalita.
"Ate may nagpunta po dito kanina na isang lola"nakakunot noo akong tumitig kay Calie.

Lola?,nabuhayan na ba ng kabutihan ang lola namin para kamustahin kami?

"Sino?sabi ko sayo wag kang magpapa pasok ng kung sino sino diba?"naiinis kong sabi at sermon sa kanya.

Napanguso naman sya dahil sa sinabi ko.

Matalino syang bata pero hindi parin maaalis sa kanya na bata parin sya.

"Sorry na Ate, hanggang gate lang naman sya po eh,may tinanong lang hihi."kunwaring mataray nyang sagot sa akin.

Sabi ko nga hindi nya pinapasok hmp.

"May binigay pala sya kanina sandali kukunin ko ate"agad syang bumaba sa kandungan ko at nagtatakbo papunta sa sala.

"Calie baka madapa ka oy!"sigaw ko sa kanya,nadapa na kase sya dati eh tas sinisi yung kuryente haha.

Bayad bayad pa daw yan wala kami kuryente.

Natatawa at naaawa hayys pero malaki parin ang pasasalamat ko dahil andito parin kami sa aming bahay, ang pinagkaiba lamang ay walang kuryente,walang gaanong pagkain at tanging kandila lamang ang nagsisilbing ilaw.

An Open BookTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon