"A Birthday Wish"

11 2 1
                                    

"A Birthday Wish"
(Dedicated to myself.Happy birthday self♡)

Nico's pov

"Anong meron?hoy wala akong makita" reklamo ko dahil nakapiring ako ngayon habang nakaupo sa kama at nakasimangot na nakasandal sa headboard nito.

"Malamang nakapiring ka eh"supladang sagot ni Messi.

Si Messi ay Bestfriend ko at bestfriend goals talaga kami.

Bakit?

Parehas kase kaming laging nasa hospital ahahhahahahahah.

"Alam ko pero bakit ba kase?may surprise ba sila?"excited kong tanong.

Tinulak tulak ko sya pero hinampas nya lang yung kamay ko,naririnig ko syang bunubulong bulong pero di ko naman marinig.

"Hoy sinisiraan mo ba ko?ano bang meron?"tanong ko muli at pilit inaalis ang piring pero hinawakan nya ang mga kamay ko at pinigilan ako.

Napabuga naman ako ng hangin sa inis.

"Happy Birthday to you~
Happy Birthday to you....Happy Birthday
Happy Birthday.Happy Birthday Dear Nico"napatigil ako sa pagrereklamo nang alisin ni Messi ang piring at bumungad sakin ang Mama at Papa kong kumakanta.

Nakagat ko ang ibaba kong labi sa pagpigil ng ngiti.Nadako ang paningin ko sa Cake may apat itong red na kandila.

Ang cute nung cake,mukhang Teddy Bear sya.

"Oh blow your candles na and make a wish"nakangiting sabi ni Papa.

Humarap ako kay Messi na nasa gilid ng kama nya.Magkatabi lang ang kama namin kaya naging bestfriend ko sya.

Last year ko lang sya nakilala at masasabi kong the best talaga siya.

Hindi sya affectionate na tao pero ramdam ko yung pagaalala at pagmamagal nya sakin.Napaka taray at linis.

Pero napaka opposite ng personality namin and sa apperance.Short hair sya,maamo ang mukha matangkad at mahilig sa libro,tahimik,suplada,ayaw ng swet at lahat yun kabaliktaran sa akin.

Opposite attract nga naman.

"Messi,lika diba same birthday tayo?sabay tayo mag blow"aya ko at inilahad ang kamay ko.

Agad naman nya itong inabot at hinawakan at masayang tumabi sakin sa kama.

Nakangiti kong hinarap si Mama na may hawak na cake at ngumiti lang din sya sa akin.

They don't mind it.

"Messi,tara let's blow the candles na"masaya kong sabi at ngumiti sya.

Mula kase last year nakita kong walang bumibisita sa kanya pag birthday nya kaya naisipan kong sabay nalang kami.
Ang panget naman nung may alaga sa kanya hindi man lang sya kinakantahan o cake man lang.

Tinapik nya ko dahil sa lutang na naman ako kaya natawa kaming dalawa nang mahina.

Sabay kaming pumikit at hinipan ang mga kandila,agad ko din naman syang niyakap at malawak ang ngiti na ibinigay ko kila Mama.

"Happy 14th Birtday..Nico and.. Messi"bati nila mama at papa kaya nag thumbs up ako.

Iniwan muna nila kami saglit kaya nakasimangot muli akong humarap kay Messi.

Nakakailan na to.

"Bat mo ko binatukan?"tanong ko at hinimas ang ulo ko.

Umalis lang sila mama nambatok na agad.

An Open BookTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon