Hindi ko alam kung paano ako magpapaalam sa mga magulang ko dahil alam kong hindi nila ako papayagang sumamang mag bar.Nandito ako ngayon sa kwarto ko nag iisip kung anong kasinungalingan ang idadahilan ko kila mommy and daddy.
Napalingon ako sa telepono ko ng nakita kong tumatawag na si Asteria
"Girl ano na nagpaalam ka na ba kila tita na mag ba bar tayo?" Narinig ko ang iba pa naming kabigan sa telepono nandon na ata silang lahat.
"Gaga pag sinabi kong sa bar punta natin di ako papayagan ng mga yun" Mahigpit kasi si daddy at mommy kahit na nineteen na ako dahil only child lang ako.
"Ganto nalang sabihin mo overnight dito sa bahay tapos kakain lang sa resto" pag sa pagsisinungaling talaga si Asteria ang malalapitan ko.
"Sige basta pag nagpost ng mga picture natin mamaya wag nyo ako i tag alam mo na baka makita ng mga tita kong chismosa" ibinaba ko na agad ang tawag at pumunta sa kwarto nila daddy
Kinakabahan ako dahil baka pati overnight ay hindi ako payagan. Pagkakita ko kay daddy ay agad syang lumingon sa akin.
"Daddy" lumingon sa akin si mommy na katabi din nito
"Ano yun my princess" kahit na nineteen na ako parang baby pa din ang turing nila sa akin.
"Magpapaalam lang ako na may overnight kami with my friends sa bahay lang nila Asteria" halata kay daddy na nag dadalawang isip pa sya
"Daddy please sinusulit lang namin yung summer namin dahil busy nanaman pag bumalik sa school"
"Payagan mo na yan Albert para naman maenjoy nya yung vacation nya " agad naman akong ngumiti kay mommy at kinindatan ako.
"Sige pero magpahatid ka sa driver then call me if you need anything" agad akong yumakap kay daddy and mommy
"Thank you daddy and mommy" lalo akong napangiti
"Sure honey just take care" sabi ni mommy bago ako lumabas ng bahay
Agad naman akong nag ayos at nagpahatid na kila Asteria.
Pagkarating ko doon kumpleto na silang anim nandoon na ang kambal na si pheme at Galene nandito na rin si Hemera si Hedone at si psyche. Si Asteria naman ang sumundo sakin sa labas ng bahay.
Kaming magkakaibigan ay puro babae lang highschool palang kasi nang mabuo ang pagkakaibigan namin.
Ngayong college lang kami magkakaiba ng course pero same school lang kami ng pinapasukan.
"Neith buti pumayag si tita Amanda na sumama ka" sabi ni Galene
"Syempre papayagan talaga yan iba naman kasi pinaalam" sabat naman ni Asteria
"Bakit ano ba paalam mo" tanong naman ni Hemera habang nakaupo sa tabi ni Hedone
"Overnight sabi kasi ni Asteria yun daw ipaalam ko para payagan ako" Habang nagdadaldalan kami nag aayos na din sila para makaalis na kami.
Pagkarating namin sa bar sa labas palang ay rinig na rinig na ang malakas na hiyawan ng mga tao sa loob at halos lahat ng lumalabas ay mga lasing na.
Pagkapasok namin agad kaming humanap ng pwesto si Hedone naman ay hindi nanamin kasama dahil sa aming pito sya ang pinaka wild pagdating sa mga lalaki.
Naupo kami sa may bandang malapit sa dance floor mahilig kasi sumayaw si Psyche at Galene kaya nagpasya sila na dito pumwesto.
Agad namng umorder si Hemera ng mga hard drink. Sa grupo namin sya ang pinaka lasingera. Si pheme naman ay tahimik lang sa tabi ko. Kabaliktaran sya ng kambal nyang si Galene kung si Pheme ay gusto ng tahimik si Galene ay gusto ng maingay.
