Cheaters.

What I hate the most in the world is cheaters.

How can they sleep knowing they're fooling somebody? How can they go on with their lives knowing they're hurting someone? How can they laugh knowing there's someone in pain because of them?

How can they be happy... when all they give to their partners are tears?

You see, I hate them...

And I promise myself that I will never be like them.

Not until I met Zamiel.

"So, you will really marry me and if we both don't end up being married on our 30s?" I repeated the thing that we've been arguing one hour ago.

"Oo nga, ang kulit mo!" He hissed impatiently. Tiningnan ko ang nakabusangot niyang mukha habang busy sa kakapindot ng telepono dahil naglalaro siya rito ng video game.

"Bakit ka nagagalit?" I asked seriously, but it was just for him to look at me and say sorry.

He immediately look up like what I've predicted so ginalingan ko pa ang pag-arte ko. Inirapan ko siya at yumuko ako kunwari.

"Uy sorry!" Mabilis niya akong dinaluhan. Lumuhod siya sa harapan ko habang hinahawi ang mga takas na buhok sa aking tainga. "Hey, are you crying?"

Napanguso ako at gusto nang matawa pero pinipigilan ko lang dahil gusto ko ang feeling na sinusuyo niya. Sana palagi...

"Huy, tumingin ka nga sa'kin." Pilit niyang tinataas ang mukha ko pero hindi ako pumapayag.

He knows that I'm sensitive at madaling masaktan at ang ayoko sa lahat ay 'yung pinagtaasan ako ng boses at parang iritable. Alam na alam niya 'yon... 'yun lang, hindi niya alam na hindi naman talaga ako galit at nag-iinarte lang.

"Joke lang!" Tumawa ako ng malakas.

Napabuga naman siya ng hangin at lumayo ng konti bago umirap. "Hay nako, Bella!" Aniya at umupo sa tabi ko.

"Eh kasi ang busy mo naman sa nilalaro mo eh. Ngayon na nga lang ulit tayo nagkasama tapos ayaw mo pa 'kong pansinin." Reklamo ko.

"Oo na, eto na." Aniya at pinatay na ang cellphone. "Kung hindi ka pa rin naniniwala, pwes uulitin ko..." Hinawakan niya ang dalawang balikat ko at hinarap ako sa kaniya. Nagtama ang tingin namin at nagtitigan kami ng seryoso. "Isabella Rei Mariano San Pedro, kapag hindi pa tayo kasal by 30 years old, I promise to marry you."

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko na para bang tumakbo ako sa isang buong field ng walang pahinga. Hindi ako makahinga... pero hindi ko 'yun pinahalata.

"Pangako 'yan." Aniya. "Do you promise the same?"

Nilahad niya ang kaniyang hinliliit na gustong makipag pinky promise.

"Childish!" Tinabig ko at natawa.

"Hey, I'm serious! Papakasalan mo ba ako o hindi?" His face looks so annoyed dahil feeling niya ay niloloko ko lang siya... hindi niya alam, kinakabahan lang talaga 'ko kaya natatawa ako.

"Zamiel Hale Cervantes, I promise to marry you."

Pinagsiklop namin pareho ang aming hinliliit para makapag-pinky promise sa isa't isa.

I smiled at him at 'yun din naman ang ginawa niya.

We were happy.... and I really wished that we stayed that way.

But sadly, the world continue to change... so does us.

Pagka-graduate namin ng elementary, unti unti nang nagbago ang lahat. Lumipat sila ng bahay kaya hindi na kami palagi nagkakasama. Hindi rin kami magkasamang nag-bakasyon. Umalis siya at hindi nagparamdam hanggang sa bumalik siya sa Pilipinas.

Choosing Zamiel. [SHARDON]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon