Prologue

11 0 0
                                    

Hanggang kailan mo kayang itago ang iyong nararamdaman...?

Hanggang saan ang kaya mong isugal...?

At hanggang kailan mo kayang mahalin ang minamahal mo...?

Ni hindi ko nga alam kung kakayanin ko pang makipag kaibigan sakan'ya, pero mas hindi ko kayang ilayo ang sarili ko sa kaniya

Simula ngayon, pipilitin kong pigilan ang nararamdaman ko hanggang sa mawala ito

"Caden..." Dali-dali kong pinunasan ang aking namugmugtong mga mata at muling humarap sakan'ya

Nakikita ko nanaman ang kaniyang glaryosong mga ngiti, dahilan kung bakit nanaman ako nahuhulog, nararamdaman kong bilang bumagal ang sandali, natandaan ko nananman kung paano nagsimula ang lahat

Pero ayoko na... ayokong nang maramdaman muli ang sakit na dinanas ko noon

Di ko napansin ang pagkatulala ko sa kan'yang mukha, kitang kita ko ang kurba ng kaniyang ngiting di maipinta

At ang mas nakakagulat pa roon ay ang unti-unti pagdampi ng aking mga luha sa namumugtong mga mata

Hindi ko na kaya...

Pinunasan ko muli ang aking mga luha at nagsimula nang tumakbo papalayo sa kaniya

Bakit pa kaya ako umaasa...? Ni alam ko naman na wala akong pag-asa...

Wala akong pag-asa dahil kaibigan ko s'ya

At alam kong wala akong pag-asa dahil... babae ang gusto nya.

In Another LifeWhere stories live. Discover now