*2010*
"Caden, anak... wag ka munang manggulo sa mga kapatid mo..., lumabas kanalang muna doon ka makipaglaro sa mga batang kaedad mo" sigaw ng aking mommy na abalang-abala sa pag-uusisa sa aming bagong bahay
Wala akong hinintay na pagkakataon at muli akong pumunta sa aming bintana, tumingala sa labas upang makita ang mga batang masayang nagtatakbuhan
Hindi ko maitago sa aking sarili na naiinggit ako sa kanila, kaya muli kong tinugon ang aking magulang
"Ayoko mommy..., kita mo naman yung mga bata, napaka gusgusin, natatakot akong madikit at madumihan sakanila" Huminga ako ng malalim at sinimulang manahimik
Hindi ko alam, gusto kong lumabas at makipaglaro sa mga ka-edad ko pero parang may pumipigil sakin... na baka asarin lang nila ako at hindi nila magustuhan ang ugali ko
Bakit pa kasi kami lilipat? Masaya naman kami doon sa bahay namin ngayon, may mga kaibigan kami doon na kilalang kilala kami, malapit lang school namin don kaya less gastos
"Caden... gusto mo samahan kita don sa mga naglalaro?" Saad ni kuya roi na bigla kong ikinagulat
"Sige" Wala nang pagdadalawang isip at nginitian ko si kuya sabay hawak sa kan'yang kamay
"Anak diba ayaw mong lumabas?"
Panloloko ng aking mommy"Mom bayaan mona si caden, para masulit naman n'ya ang kaniyang pagkabata" Pagtatanggol sa akin ng isa ko pang kuya na si lheo
"Pero mom, gusto kona pong lumabas" Napayuko ako at muling tumingin sakaniya "gusto ko na pong magkaroon ng mga kaibigan" Nginitian ko ito at tumakbo palabas dahil rinig na rinig ko nanaman ang mga batang nagtatakbuhan
Umupo si kuya roi sa bench na nakapaloob sa playground ang sabi niya sakin ay doon lang daw s'ya habang naglalaro ako
Unti-unti ako lumapit dito at ngumiti
"Hi... pwede ba akong sumali?" Tanong ko sa mga batang gusgusin
Huminto sila sa pagtatakbuhan at ang lahat ng mga bata ay saakin lang nakatuon
"Sige, basta pagtapos nito kasal kasalan na" Nagtilian ang mga mga babaeng kalaro ko at mga lalaki rin
"Sige, gusto ko'yan"Wala akong background sa larong iyon pero para makasali sa mga motherpaker na mga batang ito, pinilit ko nalang ang aking sarili
Ilang minuto at natapos na kami sa tayaan at nagtakbuhan sila kaya nakisabay nalang ako
"Ang huling makarating doon ay huling ikakasal"Wala akong alam sa larong iyon pero para hindi masabihan ng KJ , nakisama nalang ako at para narin magkaroon ng marami pang kaibigan
Nakarating kami sa simbahan na hingal na hingal
Namili na sila ng mga partner nila at ako naman ay nanatiling nakatayo at nagtataka
YOU ARE READING
In Another Life
RomanceAng magkababatang si Harrison at Caden ay magkaibigan na simula ng kanilang paglaki, hanggang sa nalaman nilang nagkakagustuhan na sila ng patago ngunit alam nilang tutol sakanila ang kanilang mga magulang. Hanggang saan aabot ang kanilang pagmamaha...