PROLOGUE

30 1 0
                                    


Yvonne's POV

Simula ng araw na nagkasagutan tayo at binitawan natin ang mga katagang "Tapos na tayo", sinimulan ko ang pagsusulat ng nararamdaman ko.


Wala naman talaga akong balak ipabasa sayo ang mga sulat na ito at hindi na rin ako sigurado kung may pakialam ka pa sa mababasa mo pero nais ko lang ilabas ang mga emosyon na kinikimkim ko sa loob.


Nasa loob ako ngayon ng isang fast food chain kasama ang mga kaibigan ko. Kilala mo na kung sino sila... Alam kong alam mo kung sino ang mga tinutukoy ko.


Nagkukuwentuhan sila habang busy naman ako sa pagsusulat ng ika-pito kong entry sa diary ko.


[7th Entry]

Dear Diary,

Isang linggo na ang lumipas ng tapusin natin ang lahat. Araw-araw pa rin naman kitang nakikita sa trabaho pero hindi na tayo nag-uusap.

Sa totoo lang, matagal ko ng gustong simulan ang usapan pero mukhang ayaw mo naman.

Paano ko ba ito sasabihin? Ummm...

Miss na miss na kita...

Hanggang ngayon pinagsisisihan ko pa rin na hinayaan kitang umalis ng gabing iyon.

Alam kong nasabi ko na pagod na akong mahalin ka pero...

Pero...

Hindi yun totoo. Galit lang talaga ako ng mga oras na yun.

Pero anong magagawa ko? Tapos na ang lahat... Wala na akong magagawa...


Hindi ko na alam ang idudugtong ko kaya tinapos ko na lang doon.


Araw-araw kong binabasa isa-isa ang mga sinusulat ko. 


Ewan ko ba, kahit alam kong masasaktan lang ako ay ginagawa ko pa rin.


[1st Entry]

Dear Diary,

Matagal na ng huli ako magsulat ng ganito. Bata pa yata ako ng huli akong magtago ng diary.

Hiwalay na kami. Yung relasyon na akala kong tatagal ay natapos na. Hindi man lang kami umabot ng dalawang taon. 

Sa totoo lang, hindi lang naman siya ang nagdesisyon nito. Pareho namin sinumbatan ang bawat isa kagabi.

Galit pa rin ako sa kanya... Sobra. Kaya hindi ko talaga alam kung paano ko siya haharapin bukas sa opisina.


[2nd Entry]

Dear Diary,

Hindi ako pumasok ngayon. Hindi ko pa siya kayang harapin. May galit pa rin ako sa kanya dahil sa mga nasabi niya. Hindi ko talaga inakalang mangyayari ang lahat ng ito. Sana matapos na ang bangungot na nararanasan ko.


[3rd Entry]

Dear Diary,

Kinailangan ko ng pumasok ngayon sa opisina. Todo iwas ako sa kanya at mukhang ganoon rin naman siya. Hindi siya masyadong nagbibiro ngayon araw. Ngayong araw, kakaunti lang ang mga birong binitawan niya at hindi rin siya ngumingiti.

Kapag Tumila Na Ang UlanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon