Yvonne's POV
Alam kong naguguluhan kayo sa nangyayari dahil sinimulan ko ang kwentong ito sa pagdradrama ko so...
Ikukwento kung paano nga ba kami nagsimula at kung paano kami natapos.
...
My name is Yvonne Ivy San Andres. I'm working as an analyst sa isang exclusive na company.
Paano ko ba idedescribe ang sarili ko?
SIyempre napakaganda ko, char lang! Minsan na lang nga maging maganda ang lola niyo tapos kokontra pa kayo?
Anyways, I'm average. Wala namang pangit sa mundo kaya I consider myself a beautiful person.
Mababa rin lang ako guys, 154 cm lang yata ako pero atleast cute size.
I was born in an average family though may successful na business ang family namin. Gusto ko kasing maging independent ngayong may trabaho na ako. Noong high school kasi aaminin ko na medyo spoiled ako.
Personality ko? Hmmm...
Medyo bubbly ako. Laging nakangiti pero madalas lutang. I'm not dumb or stupid but I need fun in order for me to enjoy working with something. Minsan talaga iniisip ko kung paano ako nakagraduate eh, char lang!
Napalayo na tayo sa topic. Daldal ko kasi but anyways...
Right! This story is about me telling you the story of how I met my very first boyfriend.
He's indeed a memorable one.
It started noong baguhan pa ako sa pinapasukan kong kumpanya.
I remember noong time na yun, mukha silang matatalino lahat sa paningin ko. I feel so inferior back then but then I met my friends, the Squad.
...
"Omg! Nakakakaba self! Another chapter of my life will now began. Sana mababait sila." pagkausap ko sa sarili ko sa salamin.
Pagpasok ko pa lang sa office ay ramdam ko na ang serious vibes na nilalabas ng mga tao rito.
I didn't really catch any attention. Busy silang lahat sa kanya-kanya nilang gawain.
Hinanap ko ang suppose to be cubicle ko at umupo na rito. I sat beside a woman with a really messy desk. Hindi naman sa hinuhusgahan ko siya, sinasabi ko lang at isa pa medyo ganoon rin naman ako sa gamit ko--makalat. Sana magkasundo kami.
Walang kumausap sa akin for almost 5 hours. Nang mag lunch break na, kanya-kanya silang punta sa iba't ibang lugar para kumain habang ako, ayun quiet lang sa gilid.
Kumakain ako sa "tambayan". Yun yung tawag nila doon sa isang room na puro tables at pagkain lang. Para bang lounging area nila.
![](https://img.wattpad.com/cover/247673019-288-k574723.jpg)
BINABASA MO ANG
Kapag Tumila Na Ang Ulan
Lãng mạn"Do you still remember those times when you loved me? When you're still in love with me? When it's still us? When it's still me?" - Yvonne Ivy San Andres Minsan ka na rin bang naniwala sa love? Minsan ka na rin bang nagtiwala sa pag-ibig? Minsan k...