“Miss Clifford!”
‘Ang hirap mag alaga ng mga pasaway na kapatid lalo’t puro lalaki’
“Miss Clifford!”
‘Tatanda pala talaga ako agad agad’
“Miss Clifford!”
“Rian!”
Nagulat ako ng may biglang tumusok sa tagiliran ko.
“Ano ba Azzy?” Sabi ko.
“Kanina ka pa tinatawag ng prof. natin” Sabi ni Azalea na nakaturo sa harapan ng classroom.
Nako po! Kanina pa pala ako nakatulala sa kawalan. Tumayo ako ng sobrang hiyang hiya. Gusto ko na lang lumubog sa kinatatayuan ko.
“Yes sir?” –Ako
“Are you really present here at my class Ms. Cifford?” –Prof
“Im really sorry sir.” –Ako
“Please answer the balance sheet on the board.” –Prof
Grabe yung kahihiyan na dinulot sakin nung Accounting class ko kanina. Hindi ako nakasagot, sobrang hirap naman kasi pag sabayin ng pag-aaral at pamilya.
Habang naglalakad ako pauwi, biglang nagring yung phone ko.
*Answer the phone*
“Hello ate?”
“Ha!?”
BINABASA MO ANG
My BadAss Boyfriend (On Going)
RomancePaano mo nga ba mapapaibig ang isang suplado at walang modong lalaki?