Chapter 1: HOUSE OF RIOT

72 0 0
                                    

ALEISHA’S POV

“Ha!?”

“Oo, kaya umuwi ka na sa bahay dali, at yung mga kapatid mo andun nagrarambol na naman.” – Ate Gianna

“Sige, eh ikaw ba nasan ka?” –Ako

“Uuwi na rin ako mamaya may inaasikaso lang ako.” –Ate Gianna

Tapos namatay na yung phone.

Hay nako, pagod na nga sa school ganito pa? -_-“

Tumakbo na ko pauwi bago pa mahuli ang lahat.

Pag pasok ko ng bahay. Nakita ko si Drew at Bryle na naghihiyawan. May kasama si Bryle.

“Ano ha! Sige lang umalis ka, tutal kaya mo na di ba? Tutal mayabang ka!” –Andrew

“Gago ka! Di lahat ng bagay kaya mong kontrolin!” –Bryle

“Ano ba to ha!?” –Ako

“Eh yung magaling mong kapatid eh! Nagrurunong-runungan na naman!” –Bryle

“Nagdala na naman ng kung sinong babae dito yan!” –Andrew

“Tumigil na nga kayo! Bryle sige, umalis ka muna. Maglayo muna kayo.” –Ako

Lumabas na si Bryle hatak yung babaeng kasama nya.

“Drew naman! Intindihin mo na yung kapatid mo. Mas matan--.”

Di pa ko nakakatapos ng pagsasalita tinalikuran na ko ni Andrew.

Waaaaaah! Suko na ko! Ayoko na! >_< Ang hirap magpalaki ng mga pasaway na kapatid.

Ako yung araw arwa nila kasama kaya ako yung nakukunsumi. FilAm kami, namatay na yung nanay namin after ipanganak si Dylan.

Sya yung bunso, nakasama naman naming yung tatay naming ng matagal tagal. 3 years pagkamatay ni mama, bumalik na si papa sa Amerika.

Tapos simula nun, hindi na naming sya nacontact. 8 kaming magkakapatid, 3 kaming babae tapos 5 yung lalaki. Si Ate Zheena yung panganay, sunod si Ate Gianna. Sunod sunod ngang babae.

Ang sakit ay sunod sunod na mga pasaway na lalaki na yung lumabas pagkatapos ko.

4th year na ko, Accounting student. Sila ate mga nagtatrabaho na. Si Zheena as model sa isang sikat na fashion line. Si Gianna manager na ng restaurant nya. Mga successful na sila kaya kahit wala kaming magulang nabubuhay kami.

Lumabas na ko. Nakita ko yung bench sa tapat ng bahay kaya umupo muna ko at yumuko. Gusto ko na lang maiyak. Napakahirap ng ganito. :’(

Tatayo na sana ko nang biglang may nag abot ng panyo. Di ko naman matanaw yung mukha. Gabi na kasi, nakahoodies pa sya. Magte-thank you pa lang sana ko kaso umalis na din sya kaagad.

Di pa naman ako umiiyak ah. Tiningnan ko yung panyo. Tapos tiningnan ko ulit yung lalaki. Sino kaya sya?

My BadAss Boyfriend (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon