ETHAN'S POV
Sobrang puyat kagabi. Langya naman kasing JB yan! Hahaha.
Eto tuloy ako, nakahiga pa samantalang may klase pa ko. Minsan naiisip ko, nakakasira talaga yang pag-aaral nay an sa buhay ng tao. Haha. Imbes na hihiga lang ako maghapon o kaya iinom kasamaang tropa. Eto, kailangan ko pang bumangon. Tss! >_<"
Ethan. Ethan Matthew Sandoval, yan ang pangalan ko. Em, yan ang tawag sakin ng mga kaibigan ko. Nag iisang anak ng walang kwenta kong magulang. 19 years old, nakatirang mag isa sa di kalakihan kong condo.
Isa akong Engineering student, hindi kapanipaniwala pero oo pumapasa naman ako.
4th year na sa kasalukuyan. Wala akong ibang pamilyang itinuring kundi si JB. Kababata ko. Parehas kaming inulila ng mga magulang namin.
*JB calling*
"Oh pre?" -Ako
"Papasok ka ba? Hilo ako tol. Akala ko di nahihilo ang gwapo. Hahaha!" -JB
"Actually oo tol, pangit ka lang kaya ka nahihilo. Gagayak na ako, kailangan kng pumasok." -Ako
"Sipag mo pre, baka naman yumaman ka nyan ah?" -JB
"Ulol. Sige na, pumasok ka ng pumasa ka naman." Sabi ko. Bago pa makasagot ang tamad kong tropa, pinatay ko na yung tawag.
Papasok na ko sa eskwelahan kong walang kabuluhan. Nagkalat na naman yung mga babaeng nakatingin sakin. Psh, ang yabang ko na ba? Haha.
Papunta na ko sa room kaso may nakasalubong akong hindi taga department.
Gusto ko sanang gumanda araw ko kaya hinarang ko sya.
"Hoy! Bat nandito ka sa Engineering Department? Alam mo bang bawal ka dito?" -Ako
"Excuse me kuya nagmamadali ako." -Babae
"Anong excuse me? Di yan pwede." -Ako
Aalis na sya sa harapan ko at kailangang may gawin ako.
Hinatak ko yung braso nya.
"Aray!" -Sya
"Wag mo kong tinatalikuran pag kinakausap kita naiintindihan mo?" -Ako
Nagtinginan lalo yung mga tao.
"Bitawan mo ako." -Sya
Hinigpitan ko lalo yung kapit ko sa kanya.
"Mali ka ng pinasok na department miss. Kung ayaw mo mabastos ulit ng ganito, umalis ka na ngayon din at wag ka ng magpapakita sakin." -Ako
Di na sya nagsalita, pag tingin ko umiiyak na sya. Success! :-D
Binitawan ko na sya at mabilis na syang tumakbo.
Ayos na ako nun. ^_^ Buo na araw ko. Pumasok na ko sa room pag katapos ng mala MMK na eksena.
Umupo na ko sa likuran, kinuha ang cellphone at nagtext.
Send to: Many
Hi babe, good morning. Want to meet up tonight and have some fun? ;)
*Sent*
Sa totoo lang nakakatamad kapag iisang babae lang ang makakasama ko gabi gabi. Kailangan iba iba para may bago lagi at hindi ako mainip.
Syempre lahat sila umo-o. Mamimili na lang ako kung sino ang pwedeng magpasaya sakin.
It's 6pm uwian na. Since malapit lang condo ko dito, naglakad na lang ako pauwi. Nakaramdam ako ng pagkatamad. Iinjanin ko na lang lahat ng chix na tinext ko. Haha! Iyak yung mga yun panigurado.
Habang naglalakad ako, nadaan ako dun sa bench sa tapat nung malaking bahay dito sa kalye. Naalala ko yung babaeng umiiyak nung isang gabi na inabutan ko ng panyo sa di ko malamang dahilan.
Wala akong puso. Saging lang meron nun eh. Pero bigla akong nakaramdam ng pag kaawa sa babae nay un.
Pero masarap magpaiyak misan aaminin ko yan. Hahahahaha! Medyo hubby ko yun.
Lalampas n asana ko sa bahay na malaki nung biglang bumukas yung gate.
May lumabas na babaeng may dalang garbage bag.
"IKAAAW!?' -Sabay naming sabi.
"Ano ginagawa mo dito?" -Tanong nya
Siya yung babaeng nabully ko kanina sa department.
"Anong ano? Ikaw ang dapat ko tinatanong!" -Ako
"Dito ako nakatira bakit?" -Sya
(O_o) - Ako
Sobrang hiya ko umalis na ko,din a ko sumagot. Dun pala sya nakatira.
Ibig ba sabihin nun, sya yung babaeng binigyan ko ng panyo nung isang gabi? (O_o)
Pano ko nagawang paiyakin yung babaeng binigyan ko ng pamunas ng luha nung isang gabi? -_-
ALEISHA'S POV
Kauuwi ko lang sa bahay, sobrang kalat naman. Naglinis muna ako.
Naalala ko na naman yung nangyari kaninang umaga. Inutusan kasi ako nung prof naming sa Engineering Department. Di ko naman alam na may halimaw pala dun. Natakot talaga ako promise.
Sobrang samang experience. (TT_TT)
Magtatapon na sana ko ng basura sa labas kaso pagbukas ko ng gate...
"IKAAAW!?"
Nakita ko yung lalaking ay hindi, halimaw na nanakit sakin kanina.
"Ano ginagawa mo dito?" -Tanong ko
Hanggang ngayon natatakot pa rin ako sa kanya.
"Anong ano? Ikaw ang dapat ko tinatanong!" -Halimaw
"Dito ako nakatira bakit?" Sabi ko, tapos naglakad na sya papalayo. Mukang nagmamadali siya.
Nung natanaw ko ng malayo na sya. Tinapon ko na yung basura. Grabe hindi ako makahinga ha? -_-"
Natandaan pala nya ako. Patay na...

BINABASA MO ANG
My BadAss Boyfriend (On Going)
RomancePaano mo nga ba mapapaibig ang isang suplado at walang modong lalaki?