NOTE: This is a work of fiction. Names,characters,businesses,places,events and incidents are either the products of author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual person living or dead or actual events is purely coincidental
Date Started: Friday,November 13,2020
"Caliego"
"Pupunta kaba Bea?" Kanina pang tanong ni Mandy sa akin dahil gustong gusto niya akong imbitahan na manood ng laban nila Levi.
"Hindi ko pa alam,maraming homework eh.." Sagot ko.
Ngumuso siya at nagpatuloy kami sa paglalakad. Iniiwasan ko si Levi dahil ayaw ko ng masaktan pa.. Inaamin ko,sobrang sakit na makita siyang may iba. Bakit kasi bigla nalang siyang nagbago. Matagal ko na siyang gusto pero hindi niya manlang ramdam tapos ngayon pa talagang makikita ko siyang may kahalikang iba. Hindi ko alam na babaero pala siya paglaki niya,nagkakilala kami ay ang bait at masaya pa kami sa isa't isa pero ngayong malaki na kami hindi ko akalain na pati pala siya magbabago rin gaya ng iba.
Nadaanan namin ni Mandy ang covered court ng school at kunot parin ang noo ko sa iniisip. Maraming box ang nakahilera sa gilid habang maraming truck naman ang nakapark sa tabi ng building.
"Anong meron Mandy?" Bulong ko sakanya dahil wala akong ka alam alam sa nangyayari.
"Hindi ko alam Bea,tignan muna kaya natin? Makichismis lang tayo saglit."
"Ikaw nalang,may mas importante pa akong gagawin Mandy. Saka hindi naman siguro artista 'yan diba?" Sagot ko at nakatingin parin sa mga taong naglalapag ng box.
Ano ba kasing meron? Hindi ko alam may program ang school namin. Wala namang program ngayon month pero bakit may ganito? Baka nga may artista sayang at hindi ko pa naman dala ang cellphone ko!
"Ano ka'ba saglit lang 'to promise! Pagpupumilit niya.
"Sige na nga!" Sagot ko. Gusto ko din makakita ng artista kung sakali man.
Hinila niya ako patungong bleachers at umupo kami doon. Pinagmamasdan namin ang lahat ng nasa paligid. May mga taong nagaayos ng stage habang ang ilan ay naghahakot ng mga karton.
"Bea!" Sigaw ni Boyet palapit sa amin.
Pinalo ni Mandy ang braso ko at sinamaan ko agad siya ng tingin. Simula kasi noong malaman niyang gusto ako ni Boyet ay inaasar niya na ako dito. Moreno si Boyet at mabait. Kulot ang buhok at makapal din ang kilay gaya kay Levi. Medyo matangkad lang si Levi ng konti sakanya. Lagi siyang nagpapahiram ng lapis pag nawawala ang lapis ko. Ewan ko 'ba! Hindi ko siya gusto. Iba talaga ang gusto ko at kahit sinong lalaki pa ang magkagusto sa akin ay siya parin talaga.
"Bakit?" Tanong ko matapos siyang hingal na hingal na makalapit sa amin.
"Ikaw daw partner ko sa prom sabi ni Ma'am Agnes!" Natutuwang sigaw niya.
"Asus!" Sigaw ni Mandy sa tabi ko.
"Akala ko ba si Marc?" Kunot noo kong tanong.
"Bakit,mas gusto mo siya kaysa sa'kin?" May bahid na lungkot ang sagot niya.
"Hindi naman. Natanong ko lang" Sagot ko agad.
"Sige,sasabihin ko nalang kay Ma'am na si Marc nalang..." Aniya at tumalikod.
Tumayo ako at pinigilan siya. Rinig ko ang sigaw ni Mandy sa likod ko at napaharap naman sa akin si Boyet na may lungkot sa mukha.
"Wala naman akong sinasabi na ayaw ko sa'yo!"

YOU ARE READING
How We Met
Teen FictionTuloy parin para kay Bea ang lahat pagkatapos nilang lumipat sa bago nilang matitirhan. Doon na siya lumaki pagtapos ng ilang taon at sa bawat paglaki niya simula bata palang ay nahuhumaling siya sa isang lalaking kalapit lang sa bahay nila. Siya si...