Kabanata 1

0 0 0
                                    

"How We Met"


Halos hindi ako makagalaw sa kinakatayuan ko matapos makita ang papa ko na nakadapa at duguan. May saksak siya sa leeg,braso at baril sa dibdib. May kung anong kumirot sa puso ko habang tinitignan ang bangkay niya na binubuhat ng mga pulis. Si mama at tita ay hagulhol ng hagulhol sa gilid ko. Si Mama ay halos mahimatay na kanina sa nakita. Hindi ko akalain na ito na ang huli naming pagkikita. Limang taon palang ako at sira na ang pamilya ko.. Hindi ko na alam kung paano kami magsisimula ng wala ang mahal kong tatay.


"Ma'am,huwag po kayong mag-alala pinaghahanap na ng mga pulis ang pumatay sa asawa niyo. Sisiguraduhin ho namin na makukuha niyo ang hustisiya." Salita ng pulis sa harap namin.


Binuhat ako ni tita at pinagmasdan ko si mama. Tumango lang siya sa pulis at pulang pula ang mata niya kakaiyak. Hinaplos ni tita ang kamay ko at kinausap ako.


"Nak,sa probinsiya muna tayo pansamantalang maninirahan.. Huwag ka ng magalala alam kong hindi mo pa gaanong ramdam ang sakit pero bubuhayin ka namin ng mama mo.." Marahan niyang sabi. "Tahan na Beatrice.."


Tumango ako at kinusot ang mata ko. Pinapangako ko na sa pagtanda ko kahit hindi na kompleto ang pamilya ko ay magtatapos ako ng pagaaral. Para kay mama,tita at...papa. Kung sino man ang walang awang gumawa nito sakanya ay kasusuklaman ko at isusumpa sa buong buhay ko! Napaka sama niya,hindi siya naawa sa papa ko. Alam kong mabait si papa at walang kaaway pero bakit ito ginawa sakanya! Ipaghihiganti kita papa.. Pangako.


"Sige salamat po,dito nalang"


Bumaba ako ng van at nakasunod ang mga truck na may laman ng mga gamit namin sa likod. Hawak hawak ko ang manika ko na regalo sa akin ni papa noong birthday ko.Inalalayan ako ni tita na pumasok sa loob. Si Mama ay nagbababa ng gamit habang si Tita naman ay kinakausap ang may ari ng van.


Pinagmasdan ko ang bago naming matitirhan. Maganda ito.. May puno sa gilid at may duyan doon. Malaki ang espasyo sa bakuran at pwedeng pwede magtanim. Naglakad ako sa gilid ng bahay.  May mga tuyong dahon na nahulog galing sa puno. Tanaw ko mula sa bahay na ito ang mga kabundukan. Sa likod ng bakuran namin ay may bahay din. May mga batang naglalaro dito. Gusto ko ulit magkaroon ng bagong kalaro at kaibigan! Tinignan ko sila at nahagip ng mata ko ang isang batang lalaki na nakatayo sa gilid at masama ang titig sa akin.


Hindi ko naman siya tinarayan ah? Bakit ang sama ng tingin niya sa akin!


"Hi!" Sigaw ko sakanya at kumaway.


Mas lalong bumusangot ang mukha niya at nakipaglaro nalang sa mga kaibigan niya. Grabe naman siya. Bagong lipat lang kami pero mukhang may kaaway na agad ako! Baka gusto niyang isumbong ko siya kay Mama at Tita Beth! Nakakainis siya!



"Andito ka lang pala Bea! Kanina ka pa namin hinahanap!" Napabaling ako sa likod ko at naka pamaywang si Mama sa akin.


"Sorry po mama,naglibot lang ako.." tapos may nangaaway po sa akin!


"Makakalabas karin mamaya. Magbihis ka muna. Pawis na pawis kana!"

Ngumisi ako at tumango. Sa wakas! Gusto kong kausapin yung lalaki na yun. Gusto ko siyang tanungin kung bakit ang sama ng tingin niya sa akin.. Ayaw ko pa naman magkaroon agad ng kaaway dito.


Tumakbo na agad ako sa loob ng bahay at hinalungkat ang maleta namin. Hinanap ko ang pink kong bistida at sinuot ito pati narin ang hairband kong pink. Sinuot ko rin ang bago kong tsinelas. Barbie ito at mukhang bagay na bagay sa akin! Baka may magka crush agad sa akin dito nito ha!


You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 14, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

How We MetWhere stories live. Discover now