Prologue

9 4 0
                                    

Prolouge 

 Riiiinnnnggg!!!

 Riiiinnnnggg!! 

Riiiinnnnggg!!

 Tumunog na ang Bell at mag uumpisa na ang 1st quarter nang final game namin. Iniisip ko pa rin hangang ngayon kung maglalaro paba ako o hindi. 

 Sinabe sakin nang aking girlfriend na kung lalaro ako ay hihiwalayan niya ako. Sa isang babae lang ako naging matino tapos ganito pa ang kundisyon niya sa akin.Nakita kong tumayo na siya at hinihintay ako kung susunod ako sa kanya o hindi.

 Bumalik sa reylaidad ang pag iisip ko nang may tumawag sa akin. "Jeremiah! Ano ba?" Galit na sigaw sa akin ni Coach. "Mag uumpisa na ang Jump Ball pero hindi ka pa pumapasok sa loob nang court." Kitang kita sa kanya na galit siya sa akin. 

 "Papunta na po ako Coach pasensya na po." Naglakad na ako papunta sa court.Pumunta ako sa gitna at pumwesto na ako at tumapat sa kalaban ko sa Jump Ball. 

 "Prrrt."

 Pumito na ang referee senyales na mag uumpisa na ang game nag lakad ito sa gitna at Hinagis ang Bola pataas. Natapik ko naman iyon nakuha ito ni Jazpher. 

Pag tingin niya sa akin ay naka pwesto agad ako sa Three points, pinasa na niya sa akin ang bola, at may gumugulo sa akong isipan.Tinignan ko ang Girlfriend kong nag uumpisa nang lumakad pababa sa mga Bench. Tumingin siya sa akin, tumingin siya nang makahulugang tingin at naglakad na palabas ng Basketball Court.

 Napansin kong nag sisigawan na ang mga kakampi ko at ang dalawa kong Kaybigan. 

 "Anong nangyayare sayo Jerimiah." 

"Gumalaw kana jan!"

"Final game ninyo pero saka kapa nagka ganyan."

 Sigawan nang Audience sa akin.Tinignan ko si Coach na sumisigaw na rin sa'kin. 

 "Ngayon kapa naging lutang kung kelan final game ninyo! Ngayon mo ipakita ang galing mo sa laro."Bahala na susundan ko na ang girlfriend ko. 

 Nilapag ko na ang bola at naglakad na palabas nang court, hinanap ko kung nasaan siya. Mabilis ko siyang nakita at sinundan. 

 "Saan ka pupunta? Ayaw mo ba talaga akong panoorin? Makikipag hiwalay kana sa'kin?" Sunod sunod na tanong ko sa kaniya.

 "Kung mas pipiliin mo ang mag laro at makuha bilang Varsity Player nang Harvard University. Sige mag laro ka na lang dahil yun ang pangarap mo at tuparin mo yon." Nag uumpisa nang tumulo ang luha sa kanyang mga mata. 

 "Hindi mo ako kailangan sa buhay mo kaya maghiwalay na lang tayo dahil sagabal lang ako sa'yo." Nag lakad na ulit siya palayo sa akin.Tumigil siya dahil hinawakan ko ang kaniyang Braso, 

"Kung kuhanin akong player nang Harvard University. Hindi na ako tutuloy, hindi ko nga makuha ang pangarap ko atleast hindi ka nawala sa akin." 

 "Kung ayaw mo akong mawala alam ko na gusto mo pa rin ang mag Champion sa final game nyo. Bumalik kana sa laro at ipanalo ma na yung final game nyo." 

 "Eh ikaw Babe? Manonood kapa ba?" Nagtataka ako kung bakit tumahan na siya. 

 "Manonood ako pero kung sa Harvard University ka mag aaral ay alam mo na kung sino ang mawawala sa'yo." Ayoko sa lahat ay yung pagbabanta niya nang ganito. 

 "Oo promise hindi na ako maga aral doon dahil mas gusto ko mag aral kasama nang isang Nerd." Nangunot nanaman ang  kanyang noo. 

 Sinuntok niya ako sa chest at umiyak nanaman siya. Hinwakan niya ang kanyang mukha, at umiyak na nang tuluyan. 

 "Oh bakit umiiyak ka pa? Eh hindi na nga ako aalis." Nagtataka talaga ako sa iniasta nya sa mga oras na ito. 

 "Baka kase pag napunta ka sa Harvard may makita ka nang magaganda at sikat na Babae dun." Kaya pala umiiyak. 

"Kaya sinabe ko sayo na kung magiging Varsity Player ka nila ay maghiwalay na tayo."Okay na nga kame hindi na nga ako aalis kapag nakuha ako eh tapos binuksan nanaman yung topic na yun. May iba nanaman na iniisip ang babaeng to.

 "Ano bang iniisip mo kung aalis ako?" Hindi ko na napigilan ang pag tatanong sa kaniya. 

"Syempre pag naka kita ka nang maganda, sexy at sikat don baka iwan mo ako, yung kinakatakot ko. Syempre isa akong nerd before at hindi ako sikat, hindi rin ako maganda. Hindi ko rin kayang mag aral sa University na pang mayayaman." Nag patuloy siya sa pag-iyak. 

"Eh lihitimong babaero pa naman kayong tatlong kupal kaya naisip ko ipag palit mo ako kaya gusto kong makipag hiwalay kung mag aaral ka dun. 

"Hindi ko gagawin yon hindi kita kayang ipagpalet dahil ang isang hindi Heartrob at Nerd ang nakapag pabago sa'kin. Kaya tumayo kana diyan at tumigil sa pag iyak dahil maglalaro na ako at manood kana, kaylangan kong ipanalo ang final game nang nanonood ka." 

"Sige pero Promise mo na kapag naging Basketball MVP ka ulit ay hindi kana magpapa-landi ulit." Seryosong seryoso siya habang sinabi ang mga salitang yan. "Dahil nakakawala nang tiwala alam mo ba yun. Dahil pag nanalo kayo may nakaka kilala sayong mga maganda tapos nakikipag landian ka dati. Kaya naiisip ko rin kung nagbago kana o hindi pa." 

"Oo na nga eh, ayoko nang nakikita kang umiiyak, pag umiyak ka ulit iiwan na talaga kita." Pag hindi ito kumagat sa Blackmail ko ako pa magiging lugi sa usapan namen. 

 "Sige ba!" Sigaw niya sa akin. "Hinding hindi na ako iiyak sa harap mo." Confident siya sa sinabe niya. 

 "Sige tara na pumasok na tayo at gusto ko na ulit ilampaso sa Basketball court ang damuho kong pinsan." Kapag naiisip ko talaga ang pagpapahiya niya sa akin sa loob nang court noon, hindi ko matiis ang galit at pagkamuhi ko sa kaniya. 

 "Sige tara na." Hinawakan ko ang kamay niya. Holding hands while walking ampeg.

The Journey of the BasketBall Player (Playboy Series #1)Where stories live. Discover now