Chapter 2

10 3 0
                                    

The Nerd


Jeremiah's POV


Jeremiah's POV



Pag nakikita ko itong Nerd hindi ko maalala kung saan ko s'ya unang nakita, Oo kinausap ko sya kanina bago ko buksan ang pintuan nang classroom pero hindi 'yon ang una naming pagkikita.

"Hi ikaw si Jiselle diba?" tanong ko sa kan'ya.

Hindi ko natatandaan ang pangalan n'ya basta ko na lang hinulaan.

"Y-yes nga, B-bakit?" Nauutal n'yang sagot sa'kin.

Putek naman alam kong Pogi/Gwapo ako kaya sanay na akong may nauutal sa harapn ko.

"Wala lang naitanong ko lang, Sige kain kana" nag umpisa na s'yang kumain kahit naiilang.

Habang tinitignan ko yung itsura nya medyo natatawa ako HAHAHA!

May suot na makapal na salamen, Magulo at buhaghag na buhok, malalaking Eyebags at Maraming tigyawat.

Sabihin n'yo nang masamang tao ako pero nagsasabi lang ako nanag totoo.

Yung kasama n'ya naman ay maganda.

Trip ko yung isa kaso nga lang mukhang gusto rin ni Domenic at Jazpher.

"Ikaw yung nagpakilalang Mutya nang Magdalena kanina diba?"

"O-oo ako nga" sagot n'ya kay Jazpher.

"Ano nga ulit pangalan mo?"

"Princess Loreyn"
iniabot n'ya kay Jazpher ang Kamay n'ya.

"Sakto pala pangalan mo kasi mukha kang Prinsesa. Ako nga pala si Jazpher, kilala mo naman siguro ako diba?"
Nagpakilala rin siya at inabot ang kamay n'ya kay Loreyn at nakipag kamay.

"Yup"

"Ikaw ano nga ulit pangalan mo?"

"Nagpakilala na ako sa klase kanina kaya hindi ko na uulitin." Sagot nung isang babae kay Domenic.

"S'ya si Monique" si Loreyn.

"Sungit" bulong ni Domenic.

"Edi si Princess Loreyn na lang pala ang kunin natin na Muse sa Liga sa Buenavist this Coming July"
sabat ko sa usapan nila.

"Oo nga pwede kaba maging Muse Loreyn?"


"Pwede naman pero isasama ko silang dalawa, By the way Reyn na lang itawag n'yo sa'kin dahil dun ako sanay tawagin sa Nickname ko."

"K-Kelan ba mag uumpisa yung Basketball league?"

"July 4 pa naman yun eh" sagot ko kay Jiselle.

"Tapos ako magiging Escort mo" si Jazpher.

Tinignan ko si Reyn at nakita kong medyo namula yung pisngi n'ya.

May gusto siguro to kay Jazpher.

"S-sige kayo bahala"
mukha rin siyang mahiyain.

"Pwede ko bang kunin cellphone number mo?"


Diskarteng ulopong HAHAHA!

"Wag mo kunin p're mawawalan s'ya ng number kapag kinuha mo HAHAHA!" Si Domenic.

"Kung ingudngod kaya kita dyaan sa lamesa?"

"Yari ka Domenic kay Jazpher HAHAHA!" Pag nag asaran talaga tong dalawa gusto ko laging sulsulan ang isa't isa.

"Pwede naman Jazpher hehe" nag salita si Reyn para matapos na ang pagtatalo nilang dalawa.

Binigay ni Jazpher ang iPhone n'ya kay Reyn at nag type na si Reyn sa iPhone ni Jazpher.

Nang matapos mag type ay binigay na ni Reyn ang iPhone kay Jazpher.

"Salamat Reyn text or tawagan na lang kita kapag malapit na ang Opening nang Basketball League"

"S-sige basta isasama ko silang dalawa huh."


"Oo naman walang Problema" sabi naming tatlo.

Wala nang nag salita sa'min at binilisan ng kumain, nang matapos na kaming kumain ay nag paalam na kami sa kanila.

"Girls una na kaming bumalik sa classroom huh" si Domenic.

"Sige" si Reyn lang ang sumagot sa kanila at ngumiti.

Nag lakad na kami palabas nang Canteen at pumunta sa likod nang school building upang mag sigarilyo.

Oo tama ang nasa isip n'yo smoker kaming tatlo.

"Guys uunahan ko na kayong dalawa huh" pambabasag ni Jazpher sa katahimikan.

"Ano yun kupal?" Tanong ko sa kan'ya at nag sindi nang yosi.

"Type ko si Reyn, sinabe ko na sa inyo ngayon pa lang kase baka maunahan n'yo pa ako."

"Sige ako type ko yung Monique kaso nga lang ang sungit" si Domenic at umupo sa gilid. "Mawawala pagiging masungit n'ya sa'kin."

Tahimik lang ako at nakikinig sa kanilang dalawa habang iniisip ko kung saan ko madalas nakikita yung nerd na girl.

"Huyy Jeremiah type mo yung nerd no?" Sa lahat nang kalokohan nangunguna sa lahat si Donenic.

"HAHAHA!" Malakas na tawa nang dalawang kupal habang nag high five pa.

"Eh kung pag untugin ko kayong dalawa?"

"Joke lang p're" Jazpher.

"Ang seryoso mo kasi masyado eh" Domenic.

"Iniisip ko lang kung nakita ko na ba yung nerd na yun before eh" pilit ko pa rin iniisip kung nakita ko na ba s'ya o hindi pa.

"Yun lang ba talaga o type mo talaga s'ya?" Peste ka talagang kupal ka.

"Isa pa Domenic makakatikim ka sa'kin nang mag asawang sapak."

"Hindi binibiro ka lang eh" Domenic.

"Wag na kayong magdaldalan at tapusin n'yo na yan dahil baka malate tayo kay Miss Tine natin" si Jazpher.

"Oo patapos na ako, ikaw ba Jermiah?"

"Tara na"
at nag umpisa na akong mag lakad paales sa likod nang school building.

Nakarating na kame sa Room.

Nag uumpisa nang mag turo ang aming class adviser, bago kami pumasok sa room ay binati muna namin s'ya.

"Good Morning Ma'am sorry were late" sabay sabay kaming tatlo.

"Come in, next time pag na late ulit kayo hindi ko na kayo papasukin sa klase ko" sabi sa'min ni Miss Tine.

"Okay and sorry again Miss Tine"
si Jazpher.

***

Natapos na ang klase at isa isa na silang nag lalabasan sa'ming clasroom.

"Nag text ba sa inyo si Andrew?" Napatigil ako sa paglalakad nang mag salita si Jazpher.

"Baket anong sinabe n'ya?" Kunot noong tanong ko sa kaniya.

"Punta daw tayong Poblacion may humamon daw sa kanila na ibang section, hinamon sila ni Randy nang Basketball at sabi n'ya tayong tatlo daw ang kakampi n'ya"

"Tss mag reply ka sa kan'ya sabihin mo magbibihis muna tayo"

"Sige bilisan na natin"
nag madali na kaming mag lakad.

"Ako na lang susundo sa inyo para naman isang sasakyan na lang dadalhin natin"

"Sige bilisan mo Domenic huh"

Pagkasabi ko kay Domenic ay kan'ya-Kan'ya na kaming sakay sa aming Kotse.

Binilisan ko na an pag-uwi sa aming subdivision.

Nakarating ako sa aming bahay at sumalubong sa'kin ang aking Ina.

"Oh Jeremiah bakit nagmamadali ka yata?"

"Maglalaro po ako Mama" sagot ko sa kanya.

Mama ang tawag ko sa kan'ya kahit mayaman kami.

"Kakauwi mo lang aalis ka nanaman?"

"Gusto ko lang naman po mag laro eh"


Kahit Bully at puro kalokohan lang ako takot ako sa mama't papa ko.

"Sige umuwi ka nang maaga huh at pupunta daw ang lolo mo"

"Sige po"

Nag lakad na ako nang mabilis patungo sa aking kwarto at hinanap ang aking mga gagamitin.

Kinuha ko sa aking damitan ang aking Basketball Jersey at sapatos.

Sinuot ko na ang aking knee pads at nag short na rin, sinuot ko na ang aking sapatos na ang tatak ay pangalan nang Idol ko.

Sapatos ni Jordan.

Handang handa na ako sa laro namin.

Miss ko nang kalaban yung mga Hudas sa school namen. Kahit isang beses hindi pa sila sa'min nanalo.

Mga sabik sa pagbawe HAHAHA!


Nang matapos ako sa pag bibihis ay bumaba ako at kumuha nang tubig sa baba at nilagay sa backpack ko.

Naka kuha na ako nang tubig ay lumabas na ako nang aming Gate at nag text kay Domenic.

To: Kupal Domenic.

Bilisan mo kanina pa ako naghihintay dito.


Umupo ako sa may gather lane habang hinihintay na dumating si Domenic ng biglang may sumaging muli sa isip ko.

Saan ko nga ulit nakita yung nerd na yun? Bakit lagi ba s'yang gumugulo sa isipan ko?

Kapag magagandang babae nakakalimutan ko ang pangalan at itsura, kung sino pang hindi kagandahan s'ya pa yung natatandaan ko ang pangalan at itsura.

Peeep!

Bumalik ang isip ko sa reyalidad nang may nag busina nang malakas.

Tumingin ako sa gilid ko at nakatutok sa'kin ang Bomper ng sasakyan ni Domenic.

"Gago ka talaga Domenic!"
Sabay sipa sa kotse nya.

"Oww my gosh 'wag mong sipain ang baby ko" tumakbo s'ya papunta sa harap at tinignan ang Bomper.

"Mabuti na lang at hindi nayupi"
sabay tingin sa'kin.

"Gago ka eh, bumusina kapa eh katabi mo lang ako."


"Kupal ka, pag dating ko hindi mo ako napansen"

"Bilisan mo na lang at sunduin natin yung kaibigan nating kupal" sumakay na ako sa kotse nya, sa passenger seal ako nag pwesto.

Nag start na ang engine nang sasakyan namin at pinaandar.

"Sino sino kaya makakalaban naten?"

"Malamang yun pa rin mga sabik sa'tin bumawe"


"Malamang na may bago nanaman silang kakampe, di naman sila maghahamon kapag wala silang kasamang panibago eh"

"Kahit sino pa player nila hindi yan sila sa'tin mananalo" walang ganang sagot ko kay Domenic.

"Talaga? Kahit yung pinsan mo?"

"Kung s'ya lang din naman ang bago nilang player ay hindi pa rin nila tayo kaya, Bobo rin naman mga kasama n'ya eh"

"Sabagay" huminto na kami sa pag uusap at huminto na sa tapat ng bahay nila Jazpher.

Nakita namin syang lumabas na nang kanilang Gate at lumapit na sa'amin.

"Nag text ulit sa'kin si Andrew kanina pa daw sila naghihintay sa Court" yan ang bungad sa'min ni Kazpher pag sakay n'ya sa kotse.

"Mag reply ka sabihin mo on the way na tayo"

"Masusunod Haring Jeremiah *Smirk*"

Binilisan na ni Domenic ang pagpapatakbo ng kan'yang sasakyan dahil naghihintay na daw ang mga klaban namin sa Basketball.

Pagdating namin ay sumalubong sa'min ang nakangising si Andrew.

Gustong gusto ko lagi maglaro sa Basketball court na'to dahil hindi ito cover court, open area ang court na ito kaya mahangin, may harang lang s'yang screen at makikita ang ma dumadaan na tao.

"P're mukhang mahihirapan tayo ngayon sa kanila"

"Bakit Andrew" Jazpher.

"Kasama nila si Jayvie"

"Mag solo lang ba si Jayvie na bago nilang kakampe?" Sumabat na ako sa kanila.

"Oo"

"Huwag kang mag alala Andrew kase solo naman pala s'yang bagong player nila eh, kayang kaya natin yan"

Habang nag uusap kami, Si Randy ay nagwawarm up.

Si Andrew at Randy ay isa sa mga ka team mates ko sa pagiging Varsity Player. Actually kasama silang dalawa sa Big 5, kaming tatlong magkaibigan at silang dalawa.

"Tanongin mo na kung magkano pusta nila" Si Domenic habang nagi stretching.

Naglakad na papunta si Andrew sa kalaban at tinanong kung magkano ang pustahan.

"Ayusin n'yo laro n'yo huh, 'Wag din kayong mapipikon alam n'yo namang mayabang yang si Jayvie eh" Pagkasabi ko ng linya na yan ay tumingin silang tatlo sa'kin.

"Si Andrew ang sabihan modahil yun ang pikunen HAHAHA!"

"Hayaan mo s'ya Jazpher kaya na n'ya yung sarile nya HAHAHA!"

"Ikaw 'wag ka rin mapikon Jeremiah HAHAHA! Lagi kang asar talo sa pinsan mo eh"


"Huwag ka mag alala Domenic, Basta pag ako napikon ulet yari yan sa'kin si Jayvie" sagot ko sa kan'ya.

Natigil kami sa pag uusap nang dumating na si Andrew.

"3.5k daw pusta nila p're" sabi n'ya sa'kin.

"Anlaki ng pusta nila ngayon ah" Si Domenic.

"Nand'yan kasi si Jayvie kaya malake pusta nila, andami rin nila ngayon eh"
Jazpher.

"Bago n'yo intindihin yan tignan n'yo yung kalsada oh, may dadaan na tatlong babae tapos ang ganda nung dalawa. Yung isa naman nerd."


Sabay sabay kaming tumingin sa kalsada.

Malapit siguro nakatira dito tong tatlong babae na'to.

Napatingin ako kay Jiselle na nakayuko habang nag sasalita.

Habang tinitignan ko s'ya ay napasulyap siya sa'kin.

Habang unti unti s'yang tumitingin sa'kin ay unti unti ring nag slow motion ang itsura n'ya.

Shit ano bang nangyayare sa'ken? Hindi naman s'ya maganda bakit 'to nangyayari sa'kin. Hindi naman s'ya maganda pero bakit nangyayari 'to.

Umiwas na nang tingin si Nerd at hindi ko alam kung bakit di mawala ang tingin ko sa kan'ya.

"Huyyy Jeremiah"

Sabay na sigaw nung apat na kupal.

"B-bakit? at sabay sabay pa talaga kayo huh"

"Kanina ka'pa namin kinakausap" Andrew.

"Ano bang nangyayare sa'yo?" Domenic.

"Nakita n'ya kasi si nerd kaya siguro nagka ganyan HAHAHA!"

"Woah! Tangina p're may gusto ka dun sa nerd na kasama nung dalawang bebot kanina?"


"Ulul ka Andrew"
'di ako magkaka gusto don.

"Alam kong marameng nagka kandarapa sa'yong magagandang babae pero-"

Pinutol ni Randy ang sasabihin nya.

"Pero ano Randy?" Sigaw na tanong ko sa kan'ya.

"Pero sa Nerd ka lang pala maiinlove HAHAHA!"


"Isa pang asar n'yo sa'kin isa-isa kong wawasaken mukha n'yo"

"Huwag naman p're dahil mage escort pa ako sa upcoming basketball league eh. Btw akin na mga pusta n'yo dahil ikakasi ko na sa kanila" si Jazpher.

"Wow anlaki ng pusta mo ngayon Randy ah, nagpasubo ka sa bakla no?"

"700 akin inabot ni Randy ang pera n'ya kay Jazpher.

"Wow anlaki ng pusta mo ngayon Randy ah, nagpasubo ka sa bakla no?"

"Gago nagpadala nang pusta mga kaklase ko eh pupunta daw sila mamaya"

"400 lang sa'kin 'di pa naiaabot allowance ko eh" si Andrew habang binubunot ang pera nya.

"Magkano pusta mo Domenic?" Si Jazpher.

"900 sa'kin, sayang yan malinaw na pera yan eh. Pwedeng pang check in kikitain ko sa kanila" Manyakis ka talaga tong hayup na'to.

"Basta sa pamba babae ansaya mo huh"

"Nahimik ka na lang Jazpher palibsaha wala ka nang contact na babae kase alam na nilang babaero ka eh"

Nagsagutan pa ang dalawang tanga.

"Eto 500 pusta ko Jazpher" sumabat na ako para manahimik na silang dalawa.

"Okay sige ako na bahala sa natirang 500"

"Malamang wala naman nang ibang pupusta eh, kaya syo na lahat nang matitira" sagot ko sa kan'ya.

Minsan talaga may pagkabobo 'tong si Jazpher eh. 

Pinuntahan na n'ya yung kalaban namin at iniabot ang p3k na pusta sa kanila. 

nag stretch na din ako ng katawan ko para sa paglalaro namin.

anong oras kaya kami matatapos sa laro? Hm malamang matatagalan kami dahil madumi sila mag laro eh.

Lalo na yung pinsan kong gung gong.

Ayoko lang mag kagulo at baka magka sugat nanaman ang napaka Gwapo kong mukha, Bukod don mapapagalitan pa ako ni lolo dahil nakipag away nanaman ako.

Lumapit na sa'min si Jazpher at naka simangot at halos mag dikit na ang kilay dahil sa pagka salubong.

"Oh bakit naka busangot ka Jazpher?"

"Napaka yabang talaga nang pinsan mo Jeremiah, Napipikon na ako 'di pa naglalaro"

"Anong sinabe sa'yo?"

"Galingan daw natin baka 'di daw tayo manalo"

Bahagyang uminit ang ulo ko dahil sa sinabe ni Jayvie samin.

"Hayaan mo maliligo sa'kin ng palo at siko yan, Kahit mag suntukan kami ngayon"

Wala akong pake kahit magalit si lolo, ang mahalaga nagulpi ko yan. Kahit isumbong n'ya ako kay lolo.

"Heyyy guys Chilax, mag uumpisa na tayo oh ayun na yung Referee, Tara na" sumabat na sa usapan namin si Randy dahil umiinit na ang ulo ko.

pumwesto na ako sa gitna nang court para sa Jump ball, Katapat ko si Jayvie.

'Di pa nag uumpisa ang laro akala mo kung nanalo na.

Hinagis na ang bola at Sabay kaming tumalon.

***


Jiselle's POV


'Di ko alam kung sa binabasa kong libro ako kinikilig or dun sa titigan namin ni Jermiah kanina sa may BasketBall court.

Kinikilig ako HIHIHI

Simula sa Basketball court ay dalawang bahay lang ang pagitan ay bahay na namin, andito ako sa third floor (Rooftop) at dala dala ang aking wattpad book. 

Pinapanood ko s'ya habang nag stretch nang braso at binti n'ya.

Kung lagi silang maglalaro sa Court na'to ay lagi ko s'yang mapapanood sa paglalaro nang BasketBall.

Mag uumpisa na ang laro nila dahil lahat sila ay naka pwesto na sa gitna, Pumorma na ang Referee nila sa pag hagis nang Bola.

Nang maihagis na nang kanilang referee ang bola ay antaas nang talon nilang dalawa pero si Jeremiah ang naka tapik nang Bola at nakuha ito ni Domenic.

Binilisan ni Domenic ang pag takbo habang nagdi-drible nang bola at hinagis malapi sa Ring and then-- 

Nagulat ako nang kinuha ni Jazpher ang Bola at nag SlamDunk at binitinan ang Ring.


----To be Continue----

The Journey of the BasketBall Player (Playboy Series #1)Where stories live. Discover now