Chapter 1

12K 188 5
                                    

    "Cheska, tama na yan" Hindi ko pinansin si Lea na pilit akong pinatitigil sa pag-inom nang alak.

Maingay ang loob nang bar at nakakahilo ang mga ilaw. I'm starting to feel being dizzy. Hindi ko na kasi mabilang kung ilang bote na ba nang alak ang nainom ko.

Gustong kalimutan ang problema kahit panandalian lamang.

"Masama ba akong anak ley?" Wala sa sariling tanong ko kay lea. I  feel her gaze.

She sighed. " Ano bang klaseng tanong yan ches? Ang ama mong walang puso ang masama, hindi ikaw. Tandaan mo yan." I can feel my cheeks getting wet. I can't help but to feel pitty for my self.

Pilit kung pinupunasan ang luhang patuloy na umaagos sa pisngi ko. Niyakap ako ni Lea sa likod kaya hindi ko na mapigilan ang paghikbi.

"Bakit ba kasi, hindi ka nalang lumayas sa inyo?" Tanong niya. She's still hugging me from behind.

Umiiling-iling ako." Hindi pwede ley, alam mo naman si Daddy. Kahit lumayas ako ay mahahanap at mahahanap niya parin ako." Bakas sa boses ko ang lungkot. God knows how I want to leave the house. Pero hindi pwede.

Hindi na ako nakipag-argumento pa nang pinatayo ako ni Lea at hinatid pauwi. Naiwan ang kotse ko sa bar.

Mabilis na nakarating kami sa bahay. Hindi naman kasi kalayuan ang bar sa subdivision na tinitirhan namin. Sa harap nang gate ako ibinaba ni Lea. Mag-uumaga na kasi at tingin ko ay tulog na ang mga tao sa loob nang bahay.

"Salamat ley." She just nod her head and smiled at me.

Pagkaalis ni Lea ay pumasok na ako sa gate. Pinagbuksan ako ni Mang Larry. Ang gwardiya namin. Tanging tipid na ngiti lamang ang isinagot ko sa bati ni Mang Larry na "Magandang Umaga.". Madaling araw na kasi.

Pagpasok ko sa bahay ay patay ang mga ilaw pwera sa kusina.

Pabagsak akong nahiga sa kama, pagpasok nang kwarto ko. I massage my temples. Napapikit ako dahil sa hilo. Dahan dahan akong umupo sa kama and undressed my self. Papikit pikit pa akong pumasok sa banyo.

Pagkatapos kung mag half bath ay lumabas akong walang  kahit na anong saplot sa katawan. Ako lang naman ang mag-isa sa kwarto kaya okay lang. Atsaka komportableng matulog kapang walang saplot.

I dried my hair using the blower. At humiga na sa kama. Madali akong nakatulog dahil na rin siguro sa alak na nainom.

I woke up because of the throbbing pain in my head. Masakit.
"Sh*t!" Mahina kung mura dahil sa sakit nang ulo ko. I hate hangover!.

Kahit masakit ang ulo ay dahan dahan akong tumayo sa kama at pumasok sa banyo para maligo.

"Cheska?" Dinig kung tawag ni Manang Belen Paglabas ko nang banyo.

I went to the door and open it. " Bakit po?" Tanong ko.

"Pinapatawag ka nang iyong ama. Dumiretso ka na lamang daw sa library hija."

"Opo manang" Tipid ko siyang nginitian.

Isinarado ko ang pinto at nagbihis na. Linggo ngayon kaya wala akong pasok sa trabaho. I wear an above the knee simple white dress. Ayaw ko mang makita ang ama ko ay wala akong magagawa. Hindi ko alam kung bakit niya ako ipinatawag.

"I don't want to see you" - that's the words he always say to me. Kahit pagkain ay hindi kami nagsasabay.

I was five years old when my mom died. Namatay siya sa pagsagip sa akin. Ako dapat ang masasagasaan pero itinulak niya ako, kaya siya ang nahagip nang ten Wheeler truck. I don't know what happened next dahil no'ng itinulak niya ako ay nabagok ang aking ulo sa siminto. Nawalan ako nang malay.

Pagkagising ko ay nasa ospital na ako. I woke up alone. I asked the doctor about mom and she said that my mom die. Bata pa ako noon pero sinisi ko ang sarili. I always think, na sana ako na lang ang namatay. Simula noon ay lagi na akong pinagbubuhatan nang kamay ni daddy. Lagi niyang sinabi na ako na lang sana ang namatay. Ayaw niya akong makita dahil kapag nakikita niya daw ako ay gusto niya makapatay.

Masama man, pero hiniling kung sana mamatay na lang ako. I tried to harm my self, pero pumapasok sa isip ko si mommy. She was saying no, para bang pinipigilan ako. Noong tumuntong ako sa dise otsong edad ay tumigil na si daddy sa pagsakit sa akin. He sometimes slap me or grab my hair, saakin niya binubuhos ang prostration kapag may hindi magandang nangyari sa trabaho.

Huminga ako nang malalim bago kumatok. I heard him Said "Pasok" kaya pumasok na ako. He's sitting on his swivel chair, nakatukod ang isang siko sa mesa habang nilalaro ang kanyang labi.

He lay his back on the chair "Take a sit" utos niya .

Umupo ako sa upuang nasa harap nang mesa niya. I remained calm. I can feel my body shivered Because of his stare.

"You're getting married" He simply said that made me shoke.

"What?" Wala sa sariling tanong. " I don't understand dad" naguguluhan kung ani.

He leaned closer to me, while looking at my eyes intently." You're gonna marry Mr. Moretti." He said.

"W-why? Why are you doing this D-daddy?" I stammered. I can feel my eyes getting wet because of my tears.

Hindi ko siya maintindihan.

He just stared at me blankly." I don't want to see you" He's words makes my heart in pain. Patuloy na umaagos ang luha ko.

"Because of mommy's death dad? Sinisisi nyo parin ba ako dahil doon?" I'm glad that I didn't stammered.

He's jaw clenched. " Don't you ever mention that!" Galit na galit niyang saad. " Because of you..." Dinuro niya ako. Bakas sa boses niya ang sakit. "...my wife die" hindi ko na napigilan pang humagolgol.

"N-nasasaktan din naman ako dad, She's also my mom. Hindi ko hiniling na mamatay siya. Kung pwede nga lang ay ako na lang ang nawala. Mas gusto ko pang mamatay kaysa marinig ang mga masasakit niyong salita. Dahil tuwing naririnig ko ang boses niyong galit tuwing sinisi niyo ako, ay para narin akong namamatay sa sakit." I said between my sobs. He's just staring at me. Hindi ko na siya hinintay pang magsalita, tumayo na ako at lumabas sa silid aklatan.

#🙄
#UnangChapterIyakAgad
#KeepSafe

 I Married Lucas Xavier Moretti(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon