Chapter 9

4.4K 145 0
                                    

Pagod ako pagkarating ng bahay dahil sa  haba ng nilakad. Ang layo naman kasi ng bahay galing sa gate!. Naka patay na ang ilaw sa loob ng bahay, sinyales na tulog na ang mga kasambahay.

I caressed my stomach. " Gutom na ako." I utter while pouting.

Kung sinabi lang ng lalaking yun na hindi niya ako masusundo, sana hindi ako nagutom ng ganito. Bwesit siya!

May ulam na sa ibabaw ng lamesa na may takip kaya kumuha na lang ako ng kain. Hindi ko na ininit pa ang ulam dahil sa gutom. Tahimik akong kumain, iyon ang tagpong nakita ni Lucas.

"I'm sorry" He said habang papalapit sa akin. But I didn't bother to gave a gaze on him, I just continued eating.

"Wife." He said almost begging. Patuloy pa rin ako sa pagkain. Bahala siya sa buhay niya!

Tumayo ako pagkatapos kumain at niligpit ang pinagkainan,hindi pa rin sumusulyap kay Lucas na nakatayo lang sa gilid ko.

My nose wrinkled as the smell of an alcoholic drink assailed me. I looked at him. "Ba't amoy alak ka?" Nakataas kilay kong tanong. At muling bumaling sa lamesa para ipagpatuloy ang pagliligpit.

He  looked down. " My friends invited me to drink." He said almost whisper. Para bang nahihiya.

Huminto ako sa pagligpit ng pinagkainan at humarap sa kanya. " So, inuna mo yun kesa sunduin ako? Pwede ka namang makipag inuman pero sana tinawagan mo ako, hindi yung pinaghintay mo ako ng matagal! " Galit kung sabi. Kinuha ko ang mga pinggan at kutsarang ginamit at inilagay sa sink. Mahigpit ang hawak ko sa pinggan dahil sa sobrang galit sa kanya.

Ramdam kung sumunod siya pero hindi ko pinansin, patuloy parin ako sa paghugas. I stilled when I felt him hug me from behind, pero mabilis kung kinuha ang kamay niya para matanggal sa akin. Galit ka cheska! Wag marupok!

Bumaling ako sa kanya."Wag mo akong mayakap yakap Lucas, Ang baho mo!" I lied on the last part. Hindi naman talaga siya mabaho, nahaluan lang ng amoy ng alak ang natural niyang bango. Pero mabango parin.

Tinapos ko na ang paghuhugas at dali daling kinuha ang bag ko sa sofa para umakyat na papuntang kwarto. I can hear Lucas' foot steps habang papunta sa kwarto,kaya binilisan ko ang lakad at mabilis na ini-lock ang pinto pagpasok ko sa sarili kung kwarto.

I'M WAKING UP early every day, para huwag lang magtagpo ang landas namin ni Lucas. And it's been weeks na hindi ko siya pinapansin.

Kapag naman nagkikita kami sa bahay, hindi ko siya pinapansin, hindi rin ako sumasabay kumain sa kanya, minsan ay sa kwarto na lamang ako nagkukulong at doon ginagawa ang mga kailangang gawin para sa trabaho.

Sometimes if I'm at work, he bring foods, hinahayan ko siya, Kapag umalis siya tsaka ko kakainin. Masarap eh.

I know mababaw na dahilan lang yun, pero para sa akin hindi. Ayaw ko kasi sa lahat yung mangangako tapos di naman tutupadin.

"Ches, Anong maganda itong white na cake o itong isa." Tanong ni Lea. We're here in a bakery.

Napakamot ako ng batok. " Pareho lang naman sila ley eh." Pano ba naman, pareho lang yung design,hugis,kulay at flavor ng cake. Kanina pa kami dito dahil hindi daw siya makapag decide

She rolled her eye balls at me. " Pumili ka na lang kase." She said while pouting.

"Ito" Sabi ko sabay turo sa cake na napili.

Lumabas na kami ng bakery para makauwi na. Pagkalabas pa lang ay kita ko na si Nicholas, Lea's husband.

She hug me, bago pumasok sa kotse ni Nicholas"Ches, una na ako. Bye."

"Bye"

Linggo ngayon kaya wala munang trabaho, Nag-aya si Lea kaya sumama na akong magliwaliw, wala rin naman akong gagawin.

Pumasok ako sa sasakyan at inilagay sa back seat  ang mga pinamili, bago pinaandar ang sasakyan papuntang bahay.

Mabuti na lang at walang Lucas akong natagpuan pagpasok ng bahay, busog pa naman ako kaya hindi na siguro ako kakain ng lunch. Marami rin kasi ang restau na pinagkainan namin ni Lea dahil kung may pagkain siyang matipuhan, kahit busog pa, kakain pa rin.

Nahihiya naman akong tignan lang siya habang kumakain kaya omorder na rin ako.

Iniisa isa kung inilabas sa paper bag ang mga damit na nabili, puro iyon oversized shirt. Kinuha ko sa bag ang nabili sa botika, ang Pregnancy test, tatlo iyon.

I just want to make sure kung buntis ba ako o hindi. Nitong mga araw kasi, lagi na akong nahihilo at nagsusuka. Gusto kung isipin na dahil lang iyon sa trabaho, pero hindi parin maalis sa isip ko ang nangyari sa amin ni Lucas.

Sinigurado ko munang nakalock ang pinto ng kwarto ko bago pumasok sa banyo. Inilabas ko ang PT at ginawa ang instruction na nakasulat dito. I waited for almost 10 minutes just to make sure.

Grabe na ang lakas ng kabog ng dibdib ko habang hinihintay ang resulta. Halos dumugo na ang labi ko sa kakakagat habang dahan dahang kinuha ang PT na nakapatong sa sink.

Two lines

Lahat iyon two lines ang lumabas, hindi ko na napigilan pang humagolgol hindi dahil sa disappointment kundi dahil sa galak. Dahan dahan akong lumabas sa banyo at kinuha ang pouch.

I want to go to the ob-gyne, para makasigurado. Hindi pa man ako nakakababa ng hagdan ng makita si Lucas.

"We're are you going? Kakarating mo lang ah." He said.

Hindi ko siya pinansin at pinagpatuloy ang pagbaba ng hagdan, at pumunta sa kusina para kumuha muna ng maiinom na tubig.

 I Married Lucas Xavier Moretti(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon