Chapter 16

4.3K 120 1
                                    


"BAGAY BA?" I asked Lucas na matiim lamang nakatingin sa akin habang nakaupo sa kama.

" Yeah, Very pretty"  I blushed because of what he said.

I'm here infront of a full body mirror habang tinitignan ang suot kung dress na binili namin ni Lucas kahapon. Sabado kasi ngayon and it's Luke's birthday, Lucas' friend.

Alas singko ng hapon ang party. Pero alas kwatro y media na, si Lucas hindi pa rin nagbibihis!.

"Magbihis ka na Lucas, Nakakahiya naman sa mga kaibigan mo, late tayo." Sabi ko at isinuot ang doll shoes na kulay puti.

"Don't mind them, their fucking annoying." He said frowning.

I glared at him. " Yang bibig mo Lucas ah. Nasa sinapupunan palang anak mo nadidinig na ang pagmumura mo. " Galit kung sabi.

He immediately approached me and hugged me. " Sorry"

Huminga ako ng malalim at tumango. " Magbihis ka na." Utos ko.

"Yes, ma'am" Sabi niya habang sumasaludo pa papasok sa banyo kaya naman inirapan ko.

I went at the closet to find a cloths for Lucas'. I get the White polo shirt and a black pants. Inilagay ko iyon sa ibabaw ng kama at lumabas ng kwarto para pumunta sa kusina at kukuha ng Chocolate bar. Iwan ko ba, simula ng mabuntis ako ay nahilig na ako sa chocolate na hindi ko naman hilig noon.

"Aalis na ba kayo ni Lucas, hija?"

Tumango ako sa tanong ni Manang pagkarating ko ng kusina. " Opo, mukhang malelate nga kami manang dahil sa bagal ng kilos ni Lucas." Niinis kung sabi at timungo ang ref para kumuha ng chocolate.

Mahinang natawa si Manang pero hindi sumagot. Umupo ako sa upuang gawa sa kahoy na nasa dining area. I'm happily eating my chocolate when Lucas' barged in.

"Hey Wife, Let's go." Inirapan ko siya at inubos muna ang tsokolate bago tumayo.
He encircled his muscled arm on my waist at sabay na lumabas ng bahay.

Lucas' open the car's door for me at hinawakan ang ulo ko para huwag mauntog, nang makasiguradong okay na ako, umikot na siya at sumakay sa driver seat.

I glanced at my wrist watch, it's already 4: 53 pm. At sigurado akong malelate kami! Lalaking tao pero kung kumilos parang babae!

5:22 na kami nakarating sa bahay ng kaibigan niya, malayo kasi. Nahihiya tuloy ako dahil ngayon ang unang pagkikita namin ng mga kaibigan ni Lucas tapos late kami.

"Tignan mo, late na tayo!" Naiinis kung sabi. But Lucas' just laughed at lumabas ng kotse para pagbuksan ako. Inirapan ko siya at lumabas ng kotse.

He encircled his muscled arms around my waist again at mabilis na humalik sa labi ko. Ginala ko ang paningin , madaming tao at maiingay. Nasa swimming pool ang marami at nakahubad ang mga lalaki habang ang mga babae naman ay naka-two piece swimsuit. May mga ilaw pa na parang nasa bar ka lang, maraming naghahalikan na pinapanuod lang ng iba at habang naghihiyawan. Napangiwi ako dahil doon.

Nagsimula na kaming pumunta sa mga taong nagsisiyahan. Lahat sila ay napatingin sa amin, kaya yumuko ako.

"Luke" Nakipag fist bump si Lucas sa lalaking may berdeng mata. He's handsome, pero mas gwapo pa rin si Lucas para sa akin. Bakit ko ba sila pinaghahambing?

"This is my Wife, Cheska." I looked at the man infront of us at nginitian siya. He look like a happy go lucky guy.

I offer my hand on him for a shake hands. " I'm cheska and Happy Birthday" Aabotin na dapat niya ang kamay ko, when Lucas' hold it at pinisil dahilan para mapasinghap ang lalaki.

"Don't touch my wife." Tumawa lamang ang lalaki at umiiling-iling. Hindi ba siya galit kay Lucas'?.

"I'm Luke, the most handsome guy in this group, and thank you sa pagbati. Mabuti ka pa bumati, yung iba kasi riyan kumain na at lahat lahat pero kahit happy birthday man lang ay walang sinabi." Pagpaparinig nito pero hindi ko alam kong kanino niya iyon ipinaparating.

"Hey! Bumati kami." All the guy in the table said.

"Yeah right, noong isang buwan pa." Luke manly rolled his eye balls.

"At least binati ka namin." The guy with a long hair said.

"You're pretty Mrs. Cheska by the way." Nahihiyang ngumiti ako sa sinabi ni Luke.

Humigpit ang pagkakahawak ni Lucas sa bewang ko kaya napatingin ako sa kanya. He's looking so angry at Luke, habang si Luke at iba pang lalaki na nakaupo sa upuan ay malakas lamang na natawa, maliban sa isa. Kumunot ang noo ko, may sakit ba sa utak ang mga ito?

"Inlababo ka na talaga Moretti." Sigaw ng lalaking may buhok na hanggang balikat. Tumawa muli ang mga lalaki na umiiling-iling pa.

Lucas' just tsked at nag-iwas ng tingin. "I'm Atticus." Pagpapakilala ng lalaking may mahabang buhok. May babae pang naka-upo sa kandungan nito.

Pinaghugot ako ng upuan ni Lucas at pinaupo doon. Habang nakatayo parin siya. " I'm Alex" He look so serious na parang ang mahal ng ngiti niya. Ngumiti lamang ako at tumango.

" I'm Dexter, Dex for short." Sunod na pakilala ng lalaking may bandana sa ulo.

"Ethan here, madam" The guy with the blue eyes said habang naka-akbay sa babaeng katabi.

"We already met." Nanlaki ang mata kung napatingin kay Nicholas.  So nandito rin si Lea?

"Kasama mo ba si Lea?" I asked.

"Yeah, she's still in the comfort room." He replied. Tumango na lamang ako. Mabuti na lang at nandito si Lea para may makausap ako. Akala ko kasi wala dahil nahilo siya noong isang araw at hindi pa daw siya sigurado kung makakapunta.

"You want anything?" Bulong ni Lucas sa akin. Pero umiling ako, nakaupo na pala siya sa aking tabi ng hindi ko man lang namamalayan.

"Hihintayin ko na lang si Lea." Sagot ko. Tumango na lamang siya at bumaling sa kanyang mga kaibigan at nakipag-usap.

 I Married Lucas Xavier Moretti(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon