CHAPTER 2

8 1 0
                                    

Sandra's POV

Pagpasok namin sa gym ay wala pa si Miss Leona kaya naupo muna kaming apat para ayusin yung gamit namin. Patay pa yung ilaw sa gym pero bukas na yung aircon. Hindi muna kami nag-abalang buksan yung ilaw kasi mas gusto din namin yung gan'to.


"Sigurado ka ba talagang 'wag ka na naming hintayin mamaya?" Paninigurado ni Chelsea.


"Oo nga Sandra, baka mamaya kung sinong lampa na naman sumapi sa'yo tapos kung ano na naman mangyari sa'yo pauwi" Saad ni Bella habang kumakain na naman ng buttered corn.


"Ano ba, okay lang ako" Pagsisiguro ko sa kanila.


"Basta text mo kami kapag pauwi ka na ha" Mia.


"Sure"


After almost five minutes ay dumating na yung Big Bang kaya napuno na naman ng ingay yung gym lalo na ni Seb at Chelsea, parang aso't pusa talaga sila.


"Bakit ayaw niyo buksan yung ilaw?" Pagbungad ni Toby.


"Subukan mong buksan, ipapaban kita dito kay Miss Leona" Sagot naman ni Bella.


"Tigilan mo nga ako Sebastian" Naiirita nang suway ni Chelsea kay Seb ngunit hindi pa rin ito tinitigilan.


Kaya magkasama kami sa klase ng Big Bang kasi meron kaming kanta together. Gumagawa na rin kami ng mga kanta namin dito para kapag nagdebut kami, ipopolish na lang sila.


"Lolli lolli, oh lollipop" Napatingala ako nang may narinig akong kumakanta papalapit sa'kin.......JD.


"Bakit?" Pagtatanong ko dito.


"Wala naman, bakit laging ang tahimik mo, bakit ayaw mo makigulo sa kanila?" Ang chismoso naman nito.


"Kinakabahan kasi ako mamaya" Pag-amin ko dito.


Wala naman nakakakita sa'min dito sa gilid na magkausap kasi nga patay pa yung ilaw kaya hindi nila kami maaasar. Ewan ko ba sa mga 'to kung bakit kami trip lagi.


Hindi ko alam pero pakiramdam ko sa aming apat, lagi akong naiiwan. Pagdating sa pagkanta pati pagsayaw, lagi akong sinasabihan na maiwan kasi may one on one training kami. Hindi ba talaga para sa'kin yung gan'tong career path?


"Kaya mo 'yan" JD cheered me up "Gusto mo bang hintayin kita mamaya?"


Napatingala ako at napatingin sa kaniya. He wore his gummy smile and I admit that he looks so cute. Ang alam ko mas matanda ako dito kay JD pero lagi niyang sinasabi na little sister niya daw ako and protecting me is one of his duties. Sabagay, mas mukha naman siyang mas matanda sa'kin kasi mas maliit ako sa kaniya.


"Bakit?" Tanong ko dito at bigla namang nawala ang ngiti sa mukha niya na tila ba nagulat din siya sa sinabi niya.

Forbidden LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon