Sandra's POV
Hindi ko alam kung saan kami pupunta pero sasama na lang ako para walang gulo tutal nagstay siya dito para may kasama ako, kaya sasamahan ko din siya. Habang naglalakad kami ay pinagtitinginan kami ng ibang students sa lower year pati ng ibang outsider.
Oo nga pala, 12 pm to 6 pm ang visiting hours ng outsider dito sa university kaya medyo marami pang tao. Pwede sila magvisit dito sa gano'ng oras for exposure na din ng mga trainees dito sa YG Univeristy, para kapag nagdebut, may exposure na.
"JD yung kamay ko" Pagpapaalala ko dito kasi hawak niya pa din yung wrist ko kaya siguro pinagtitinginan kami.
"Ayy sorry" Sambit nito at binitawan agad ako.
Sumabay ako sa paglalakad dito dahil medyo nahuhuli ako kanina kasi nga hinihila niya ako.
"Saan ba tayo pupunta JD?"
"Sa garden" Sambit nito at humarap sa akin at ngumiti "May alam akong lugar doon na alam kong magugustuhan mo"
Ngumiti na lang ako dahil hindi ko alam kung anong isasagot ko. Naiilang na din ako sa dami ng matang nakatingin sa amin. Makita ka ba namang hinihila ni JD na kahit hindi pa nagdedebut marami nang fangirls, sinong hindi titingin sa'yo diba?
Pagkarating namin sa garden ay walang tao at nagtaka din ako kasi bakit? Ano meron dito? Anong magugustuhan ko dito eh hindi naman ako masyado mahilig sa bulaklak?
"Ha? Ano meron dito?" Nagtatakang tanong ko kay JD ngunit ngumiti lang ito sa akin at hinila na naman ako.
Kapag naputol kamay ko kakahila nito, puputulan ko din ng kamay 'to para parehas kami.
Nakatingin lang ako sa dinadaanan namin dahil natatakot ako na baka may maapakan akong kung ano man ang pwedeng maapakan dito.
"Here" JD.
Napatingin naman ako sa tinuturo niya at napatulala ako sa nakita ko. Oo, hindi ako mahilig sa bulaklak pero ang daming nakatanim na daisy sa area ng garden na'to and never pa akong nakapunta dito.
Ang dami na ring flowers kaya kitang kita yung mga whitd daisies. Ang ganda nilang tignan kaya kinuha ko yung phone ko sa bulsa to take a picture.
"JD smile" Sambit ko at itinapat ang phone ko sa kaniya habang nasa likod niya yung mga daisy.
Ngumiti naman ito at nagpeace sign, hays ang cute talaga ng ngiti niya. May copy na ako sa phone ng picture niya na nakangiti, omg.
"Ikaw naman" Sabi nito at nagulat na lang ako nang biglang magflash ang phone nito kaya napapikit ako sa gulat.
"Hoy! Baka epic yung mukha ko d'yan! Akin na 'yang phone mo, idelete mo 'yan! Kung gusto mo ako picturan, sabihin mo! Magpopose naman ako!" Naiiritang sambit ko dito at tumakbo palapit sa kaniya para kunin yung phone niya.
Hindi ko naman abot 'yun kaya hindi na ako nag-abala pang tumalon kaya sinamaan ko na lang siya ng tingin at sinusumpa na sa utak ko.
Naglakad lakad ako sa garden at nagselfie din para iu-update ko instagram ko mamaya. For sure hindi pa 'to nakikita nila Chelsea kaya dadalhin ko sila dito next time.
Habang nagseselfie ako ay nakita ko sa peripheral's vision ko si JD na nakatingin sa'kin.
"Bakit? Gusto mo ba makipagselfie sa'kin?" Pang aasar ko dito.
"Oo sana" Aba sumakay ang mokong.
Lumapit ako dito at itinapat sa amin ang front cam at nagpeace sign naman ako samantalang si JD ay nilagay yung peace sign niya sa ibabaw ng ulo ko pero hinayaan ko na lang kasi ang cute naman tignan.

BINABASA MO ANG
Forbidden Love
Fanfiction(DARAGON FANFICTION) Sandra entered a Music and Arts University that has only one rule which is NO DATING POLICY UNDER THE SAME UNIVERSITY. She's a graduating student and everything went good so far. She can graduate with an easy heart because she d...