Chapter 4: "Court me then"

13 0 0
                                    

Asia's PoV

Alam niyo bang nakakatuwa?!?! ^_^ kasi these past few days nagpapansinan na kami ni Manuel although minsan lang siya magsalita.


Tas yung bench sa likod nung school, ayun naging tambayan na namin kasi nga FRIENDS NA KAMI DIBA?!?!

So ayun napilit ko siya--- Actually di ko siya pinilit kasi wala naman siyang paki kung nakasunod ako sa kanya.

Yun nga lang, di kami totally close kasi tig-isa kami ng bench. Unang una wala na akong pwesto kasi humihiga siya. As in higa agad para di ako makapwesto sa dulo ng bench. Di ko alam kung nanadya ba siya oh ganun lang talaga siya kaantok para laging magmadali sa paghiga.

Tas pag kakain ako ng lunch siya na rin yung lagi kong kasabay, kasi nga NO CHOICE SIYA! Pati ano bang paki niya, mas loner pa kaya siya sakin dito sa school.

Unang una di niya tinatry makipagcommunicate pag may groupings, unlike me nakikipagusap ako pag groupings LANG. Siya as in one talk per day lang. Minsan nga no talk per day pa eh.


So ngayon nandito na naman kami sa likod ng school kumakain. Well technically, ako lang kumakain. Siguro diet siya diba? Sa totoo lang di siya tulad ng ibang pinapangarap niyong lalaki. Kasi wala siyang muscles. Matangkad lang siya na payatot.

"Di ka talaga magsasalita?" Sabi ko habang kumakain ako. Pero as usual ayun nakahiga siya sa kabilang bench tas yung bag niya unan niya plus matching braso sa mukha samantalang ako nasa kabilang bench na naman kumakain.

"Hoy di ka ba nagugutom?" Tanong ko ulit. Nagulat naman ako nung bigla siyang tumayo at tumabi sa akin. Nakatingin lang sa kinakain ko.

Di kaya gusto niya? HAHAHAHAHAHA!!! Sa tagal naming magkasama dito ngayon niya lang narealize na gusto niya palang kumain ng lunch?!

"Gusto mo?" Tanong ko naman sa kanya pero tumingin lang siya sa mukha ko na parang kinakabisa niya bawat features ng mukha ko.


"Hoyy baka matunaw ako!!!" Pero nakatingin pa rin siya kaya tumingin nalang ako sa pagkain ko.


Nagulat nalang ako nun bigla niyang inabot yung chin ko at hinarap sa kanya.


"You know what? I'm hungry. And I'm thinking if I should eat you." Sabi niya na seryoso pa rin mukha.

I'm Dating Mr. FamousTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon